i | Isabella

21.7K 468 149
                                    

1k words per chap, ingat sa bibig na isabella mehehe...

Galgal na kinamot ko ang ulo ko, "Inay! Sinabi ko na nga sayo na may sumasamantala sa katawan ko. Alam mo namang hindi ako nagsisinungaling, 'di ba?"

Ayaw maniwala sa akin ng magaling kong Inay. Nalamang mahilig sa kabalbalan kagaya ng mga multo, engkanto at kung anong cheche bureche ay 'di naniniwala kung kailan meron!

"At sino naman ang magsasamantala sayo, aber? Naka-kandado ang pinto't bintana mo. Walang makakapasok 'don. Wala din namang ebidensiya."

"Meron kaya! Wala na hymen ko. Pa-check mo man sa doktor." bumukaka ako at ngumuso. Ngumiwi naman siya at inirapan ako ng bongga.

"Anak, sa tingin mo magsasayang tayo ng pera para lang diyan sa kahibangan mo? Matulog ka na nga muna! Hindi na matino 'yang pag-iisip mo, baka matuluyan ka pa. Puro ka lang imagination! Maghanap ka nalang ng sarili mong lovelife nang maranasan mo na ang inaasam-asam mo."

"Inay naman! Bata pa ako!" Nakayakap ako sa katawan ko at sinarado ang nakabuka kong hita.

Hindi naman ako ganon ka-wild 'no!

Medyo pang-palaboy ang bibig namin dahil kinalakihan ko na ito. Nasanay na ako sa mga kapwa ko iskwater. Madumi ang lumalabas sa bibig ko, mukhang hindi tatalab ang alchohol o holy water.

"Edi wow! Ikaw nagsasabing warak na bataan mo, tapos may nalaman-laman ka pang bata pa ako, tse manahimik ka na nga!"

"Hindi ka talaga naniniwala?" bumuntong hininga ako. Hindi naman kasi kapani-paniwala eh. Baka mapagkamalan pa akong balik sa pinagsasabi ko.

"Sabihin mo 'yan kahit kanino, sino maniniwala sayo? Baka nga i-mental ka pa nila, eh!"

Umalis nalang ako doon at naligo sa batis. Malinis pa naman dahil mahal ng mga tao dito ang kapaligiran kahit na iskwater lang kami. Bihira lang ang may naliligo dito dahil tago, siguro nga ako lang ang nakakaalam nito kasi nasa loob pa ito ng gubat.

Wala namang may kayang maglakas ng loob na pumasok dito dahil may nawawala daw ang sinumang gumambala sa lugar na ito.

Kaya ako nalang...

Libre ligo pa kasabay ng napakagandang tanawin. Madalas ay dito ako nagtatago doon sa mga tambay na naghahabol sa akin. Kaya safe na safe ako dito.

Pagka-uwi ko ng bahay ay dumiretso ako sa kwarto ng Inay ko na nagkukulong at walang ginawa kun'di ang magbasa ng pocket books.

"Bibili nalang ako sleeping pills! Akala nong multong 'yon makakahirit pa siya? Lelang niya!"

"Inay..." marahan kong katok sa pinto nila at pumasok.

"Ano?!" iritang sabi ni Inay.

Lumapit ako sa kinaroroonan niya at inilahad ang palad ko. "Pahingi nga kwarta," ngumuso ako at pinalaki mata ko, nagpapa-cute ika nga ng iba.

"At bakit naman?" asik niya.

Pero mukhang naiirita lang siya sa ginagawa ko.

"Bibili lang ako ng pampatulog, ilang araw na akong parang unggong puyat. Laki na eyebags ko, oh!"

Tinapik niya ang palad ko, "Wala akong pera. May pinatago ka ba sa akin? Aba! Hindi ako tumatae ng pera. Mag-aral ka kasing mabuti nang makapagtapos ka na. Puro kasi pagbubulakbol ang alam mong bata ka!"

"Pag ako nabuntis ng multo!" pananakot ko sa kanya na parang bata.

"Meron bang ganon? Half-ghost 'yang magiging anak mo? Naks, bigatin ka na anak." humalakhak siya at pabiro akong kinurot sa tagiliran.

"Kung magkaka-anak ka man sa edad na 'yan, lumayas ka na sa pamamahay ko! Wag mo nga pinag-iisip ang bagay na iyang bata ka! Mag-aral ka muna bago 'yang kalokohan!"

"Sige na, inay. Hindi na kita kukulitin. Mag-aaral na akong mabuti, araw-araw akong papasok at di na makikipag-bunuan sa mga tambay." sumampa ako sa kama niya at nagpa-awa.

"Oh 'yan! Ibigay mo sa akin ang sukli, wala tayong kakainin mamayang gabi kung gagatusin mo iyan."

"Roger, ma'am!" masigla akong sumaludo sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.

"Taragis, gabi na! Ba't hindi pa rin umeepekto yung ininom ko?"

Lumipas ang kalahating oras, no epek ang pills na pagkamahal-mahal. Biruin ba namang bente pesos ang isa.

Nagkulukbong muli ako ng kumot at nagpabaling-baling sa papag.

Hindi ako makatulog!

Mabilis ako tumakbo sa labas ng silid ko, "Inay... Inay..." sunod-sunod na katok ko sa pinto nila.

Bumukas ang pinto. Tumambad sa akin ang namumuting mukha ni inay na nakatapal na face mask. Langya pa-sossy pa si Inay! "Ano ba 'yon? Matutulog na kami ng Itay mo."

"Pwedeng patabi?" pinagsaklop ko ang magkabilang kamay ko.

"Ano ka, bata?" walang emosyong sabi niya. Ayaw niya kasing malukot ang mukha. Takot magka-wrinkles ang inay ko.

"Bata pa namern aketchie," akmang isasarado niya ang pinto pero mabilis kong hinarang ang kamay ko.

"Sige na, 'nay!" pagmamakaawa ko.

"May sarili ka ng kwarto kaya hindi pwede. Hala, matutulog na kami. Alam mo naman ang itay mo pagod galing sa trabaho..."

"At ikaw? Pagod ka rin?"

"Oo naman!" parang proud pa niyang sabi.

"Wala ka ngang ginawa maghapon, eh."

"Goodnight!" sinarado na niya ang pinto. Hindi ko na napigilan sa pagkakataong ito.

"T-Teka inay! Huwag mo akong pagsaraduhan oh, baka balikan ako nung mumu." hindi na ako pinansin pa ni Inay.

Napasandal ako sa pinto at umiling.

Hindi pwede!

Ichuchuchu na naman ako ng mumu!

"Makakain nga muna. Hindi naman ako siguro momolestiyahin 'non sa kusina.Kalurkey naman 'no!"

Panay sulyap ko sa orasan na nakasabit sa dingding namin.

"11:57 na!"

Hindi naman siguro ako 'nom biglang dadambahin dito, di ba? Baka marinig nila 'nay at 'tay. Mahiya naman ng multong iyon. Jerjeran kami sa kusina.

"Imposible 'yon..."

"Masamang ispiritu layuan mo na ako! Hindi kaakit-akit ang katawan ko. Maitim ang bawat tagong parte sa katawan ko at wala akong korte kaya sana naman tantanan mo na ako," iiling-iling kong sabi.

"Oh my gee! Biglang lumamig ah, magkaka-snow na ba sa Pilipinas?"

Biglang nagsitayuan ang buhok ko sa batok nang makaramdam ako ng panlalamig pababa sa aking leeg at braso.

Ang panlalamig ay napalitan ng init sa katawan.

Naramdaman ko ang kanyang halik sa aking leeg, ang haplos niya ay banayad nagsimula sa gilid ng aking beywang. Ginagap ko ang kanyang kamay upang pigilan ngunit wala akong mahawakan.

Para akong nagsasarili. Wala akong makita at di ko siya mahawakan!

Paano ko ngayon siya mapipigilan? Hindi naman pwedeng go lang ako ng go 'no!

VOTE AND COMMENT PO. Thank you!

GhostlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon