xxviii | Isabella

4.6K 121 22
                                    

Fb acc: Layerdine WP
Fb group: Layerdine's

Nanginginig na hinawakan ko ang phone sa aking tainga at mas hinigpitan ang kapit.

"Bella, anong problema?" singit ni Paleo nang ihinto ang sasakyan sa tapat ng apartment ko at nag-aalalang dinaluhan ako.

Hindi ko magawang makakibo sa dalawang kausap ko.

"Sino 'yon?" kahit na bakas ang pagkaiyak ni Donya Miranda ay narinig ko ang mabagsik niyang tili sa aking taingi. "Sino ang lalaking iyan? Siguro may iba ka na diyan 'no? Hindi mo na ba mahal si Lean?! Pinatay mo siya! Ikaw pala ang may kasalanan ng lahat!"

Nanlaki ang mata ko. Tila may nakabarang malaking bato sa aking lalamunan.

"Nakalimutan mo na ba ang sumpa sa kanya ng anting anting? O sinadya mong hindi alalahanin?" tuloy pa rin ang pagbato ng maaanghang niyang salita sa akin.

"H-Hindi po! Mali kayo ng iniisip." tuloy ang pag-iling ng aking ulo kahit hindi niya nakikita.

"No! Malandi kang babae ka!" malutong siyang nagmura sa español, "Huwag na huwag kang magpapakita sa akin, sisiguraduhin kong sisirain ko ang buhay mo!"

Napatulala nalang ako nang agad niyang pinutol ang tawag.

Hindi ko matanggap ang pagsisi sa akin ni Donya Miranda. Hindi ko iyon ginagawa, hindi ako ang may dahilan kung bakit... kung bakit wala na si Leandro.

Wala na ang minamahal ko!

Gusto kong magwala sa nalaman, gusto kong tumungo kaagad sa probinsiya upang malaman na tunay nga ang sinasabi ng kanyang mama. Gusto kong malaman na kasinungalingan lamang ang lahat.

"Bella?" humarap ako kay Paleo. Hinimas niya ang balikat ko upang patahanin pero umiwas lang ako.

Walang ibang lalaki sa buhay ko... siya lang. Walang may kakayahan na alisin siya sa aking puso.

Kahit si Paleo man.

"Sabihin mo sa akin. Wala ka bang tiwala sa dalawang taon mo ng beshie?" nagawa niyang magbiro pa upang pagaanin ang aking karamdaman.

Nanginginig ang labi kong humarap sa kanya at sabay sabay na lumandas ang luha sa aking mata.

"Wala na siya, Paleo. Wala na si Leandro..."
Tinangka niya akong ipaloob sa kanyang bisig ngunit tinulak ko siya.

"Kailangan kong umalis, kailangan kong pumunta doon ngayon na. Hindi totoong patay na sa Leandro!"

Marahas kong pinunasan ang luha ko. Akmang bababa na ako nang mahigpit niya akong hawakan sa braso at hilain pabalik sa kinauupuan.

"Ihahatid na kita,"

"Hindi na kailangan. Malayo ang probinsiya namin. Malayong malayo."

Sa totoo lang, ayaw ko talagang makita ako ng mga tao doon na may kasama ako. Lalo na sa pamilya ni Leandro. Baka kung ano ang isipin nila.

"May pera ka ba?"

Natahimik lang ako at pinaglaruan ang aking mga daliri. Allowance ko lang ang natatanging pera ko. Kahit maghanap pa ako ng trabaho ay wala lang rin dahil ngayon ko na kailangan.

Kaya lang naman ako nakakaranas ng mga pinaggagawa ni Paleo ay dahil nililibre nila ako lagi.

Bumuntong hininga ako sa sobrang bigat ng nararamdaman ko.

Ipinatong niya ang palad sa aking ulo at ginulo, "Ako na ang bahala sa iyo, Isabella. What are friends for, right?"

Hindi ko alam, Paleo.

GhostlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon