Nagpa-ikot ang buong isang buwan ko sa pagbisita ko sa bahay ni Isay. Mali, hindi bisita ang dalaw doon dahil doon na ako tumitira sa tapat ng bahay niya.
Buong akala niya ay umuuwi ako sa bahay ko ngunit ang hindi niya alam ay nagrenta ako ng bahay sa tapat niya. Upang sigurado ang kaligtasan niya.
Wala akong tiwala sa mga pagmumukha ng tambay rito.
Sa tuwing dadaan pa naman kami ay kita ko ang bulgar nilang paghagod sa katawan ni Isay sabay sipol. Tangina, kung hindi ako nagpapa-good shot sa minamahal ko, baka binanatan ko na ang mga iyon.
"Para saan ito?"
Napakagat labi ang matabang lalaki nang abutan ko siya ng pera habang nakatanaw ang mga kapwa tambay niya. Hindi na ako makatiis sa pinaggagawa nila. Binabastos na nila si Isay. Hindi naman ako papayag sa bagay na iyon.
"Magkano katahimikan mo? Babayaran kita, tumikom lang ang bibig mo kay Isabella." Ngumisi siya at inikot ang mata sa paligid.
"Sige lang, gumawa ka ng hindi ko magugustuhan. Makita mo ang hinahanap mo." Banta ko sa kanya at tumalim ang aking paningin.
Walang sabing kinuha niya ang pera sa kamay ko at tumango.
Hindi ko magawang patayin sila o bugbugin, pero kaya kong bayaran ang buhay nila.
Sa mga araw na nagdaan, hinayaan ko siyang gawin ang gusto niya. Lalo na sa pesteng trabaho niya. Hindi ako pumalya na ihatid siya at sinusundo. Kahit pumatak man ang ala una sa umaga.
"Hindi hayup si Isay. Bakit kailangan mo pang magbantay sarado sa kanya? Ikaw ang lalaking pabara bara lang eh. Pag-isipan mo nga ang mga kinikilos mo."
Napa-irap ako sa sinabi ng kapatid ni Isay. Minsan na nga lang kami makapag-usap sa tawag, kung anu-ano pang pinagsasabi niya.
"Sa ginagawa mong pagtali sa kanya at mas lalo siyang kakawala at aalulong para makalaya."
"Wow, ikaw ang humahambing sa kanya bilang aso. Nahiya naman ako sayo. Sarili mong nakababatang kapatid ang pinag-uusapan natin. Respeto naman," sumulyap ako sa labas ng kotse para hanapin ang pigura ni Isay, pero mukhang abala siya sa pag-serve.
"Gago, nagsalita naman ang isang 'to. Kung may respeto ka kay Isabella, hindi mo dapat sinusubaybayan ang bawat paggalaw niya. Sa pagmamahal, kailangan ng tiwala. Ang tanong... mahal ka ba niya?"
Hindi ko magawang makakibo.
Mahal ba niya ako?
Kaya niya bang suklian ang nararamdaman ko?
Rinig ko ang paghikab ni Rodrigo
sa kabilang linya. "Tarantado ka. Ginising mo ako sa kalagitnaan ng pagtulog ko para lang sa kabaliwan mo sa kapatid ko.""Ito lang ang payo ko sayo, Leandro. Hindi mo makokontrol panghabang buhay si Isay. Malaya siyang gawin ang kung anong gusto niya dahil walang namamagitan sa inyong dalawa. Wala kang karapatan na pagbawalan ang kung anong ninanais ka. Manliligaw ka palang, kaya't umakto ka bilang manliligaw at hindi nobyo."
"Halatang nau-ulol ka na. Ayusin mo iyan, sa huli ay ikaw ang masasaktan."
"Mahal ko siya..." mahinang sabi ko at ipinikit ang mata. Pilit kong pinoproseso ang sinasabi niya. Tumagos sa akin. Masakit.
"Hindi pagmamahal ang tawag riyan sa kaso mo, obssessed ka na 'tol. Obssessed!" Matapos 'non ay naputol na ang linya. Napatitig naman ako muli sa bintana at nakita ko ang maaliwalas na ngiting sumilay sa mukha ni Isay.
Hindi ko nakitang payapa siya sa tuwing kamasa ko siya.
Tama ba si Rod sa kanyang sinasabi?
Tila bombang sumabog sa akin ang pangaral ni Rodrigo. May punto siya, at sapul ako. Tinigilan ko na ang kabaliwan ko. Itinigil ko ang pagsunod sa kanya kung saan man siya pupunta at iniwasan kong pumunta na rin sa bahay niya araw-araw.
Baka naman kasi nagsasawa niya siya sa aking presensiya.
"H-Hello," nanlaki ang mata ko nang sagutin ang tawag. Rinig ko ang malamyos niyang boses na agad humaplos sa aking dibdib. Bumilis ang tabok ng puso ko at biglang napatayo.
"Lean, hello?"
"O-Oh Isay, napatawag ka?"
Tumikhim ako para itigil ang pag-utal. Pakshit, hindi ito ang tamang oras para kabahan. Kailangan kong pumorma ng presentable sa kanyang mga mata. Hindi ko dapat hinahayaang makita niya ang kahinaan ko.
"Bakit hindi ka na pumupunta dito? Galit ka ba sa akin? May--" bumuntong hininga siya, "Wala... sige na. Ibababa ko na ang tawag na ito."
Parang gustong kumawala ng puso ko.
Tangina!
"Pupunta ako riyan ngayon na," nagmamadali akong nagtungo sa kotse ko at hinarurot papunta sa bahay niya.
Hindi alam ni Isay kung paano niya ako napasaya sa isang tawag niya na hindi man lang nagtagal ng isang minuto. Isa lang naman ang ibig sabihin kaya niya ako tinatanong hindi ba? Miss niya ako! Hinahanap niya ako!
Ilang linggo na rin kasi akong hindi pumupunta doon.
Rodrigo, mahal na kita!
Umepekto ang nakakaputang pangaral niya sa akin. Brother knows best nga naman. Tama ang desisyon kong nagtanong sa kadugo niya. Tama ang desisyon ko na si Rod ang nilapitan ko. Sabagay, tatagilid lang naman ang lahat ng iyon kung sinaktan ko ang damdamin ni Isay.
Tiyak na bubog sarado ako roon.
Sunod-sunod ang pagkatok na ginawa ko sa pinto ni Isay. "Ang bilis mo naman makarating?" Gulat niyang tanong.
Napamaang ako nang makita ko ang mga butil ng tubig na tumutulo mula sa kanyang basang buhok papuntang balikat. Nakatapis lamang siya ng itim na tuwalya.
Pumasok ako at sinarado agad ang pinto.
"Ano bang ginagawa mo, Isabella?! Bakit mo binuksan ang pinto ng n-nakaganyan ka lang? Paano nalang kung hindi ako ang kumakatok sa pinto mo at rapist pala? Isabella naman!" Napatapik ako sa noo ko at pumikit.
Iniiwasang sumabog.
Kahit naman kasi nais kong makita na ganyan ang ayos niya ay hindi dapat siya nagbubulas ng pinto sa kung sinu-sino lang.
"G-Galit ka b-ba?" Hinaplos niya ang braso ko at nag-aalalang sumulyap sa akin.
Hindi ko siya pagbabawalan, wala akong karapatan.
Dumilat ako at sinalubong ang kanyang tingin. "Hindi naman," pilit akong ngumiti. "'Wag mo ng uulitin ang bagay na iyon ah?"
"B-Bakit? Ayaw mo ba nito?"
"Hindi--Gusto ko syempre, p-pero-"
Natigil ako sa pagsasalita nang haklitin niya ako palapit sa kanya at pumaloob sa aking bisig. Nagsumiklab ang apoy sa katawan ko kasabay ng panlalambot ng aking tuhod.
"Salamat sa pag-aalala, Leandro..."
BINABASA MO ANG
Ghostly
FantasyHanda ka bang isuko ang bataan sa isang estranghero na hindi mo magawang makita o mahawakan man lang?