Enjoy reading....
...
...
...
...
Tumama ang abuhin niyang mata sa akin. Nalaglag ang aking paa at tila naging bato sa aking kinatatayuan.
Totoo ba ang nakikita ko?
Ilang beses pa akong kumurap ngunit nanatili lang siya roon sa kanyang posisyon. Nanginig ang labi ko sa sobrang tuwa at kaagad na lumapit kung nasaan siya.
Nasundan pa ng aking mata ang pagdila niya sa kanyang labi at ang pag-igting nang panga niya nang makita akong umahon.
Hindi ako nagkamali, totoo nga!
"Leandro!"
Nangarag ang aking boses nang maghumiyaw ako. Hindi ko na ininda pa ang tusok ng mga bato sa paa ko. Basta't idinipa ko ang aking magkabilang kamay at niyakap siya ng mahigpit...
Ngunit wala akong nadama.
Naghahalusinasyon na naman ba ako?
Hindi ko alam. Nahihibang na ako, maraming taon na ang lumipas ay baliw na baliw pa rin ako sa kanya. Siya lang talaga ang lalaki na hinayaan kong papasukin sa aking buhay ng walang pag-aalinlangan. Siya lang... ang nilalaman ng aking puso.
Bigla na lamang siyang nawala.
Bumagsak ang balikat ko sa pagkadismaya at malungkot na lumingon kay Paleo na nanlalaki ang matang nakatutok sa akin.
"Nakita ko 'yon! Nakita ko si fafa!" saglit na hindi pumasok iyon sa aking utak. Lumalabas na ang pagkamalansa ng damuhong kirido na ito.
Buong lakas siyang naghahampas sa tubig. Taranta rin ang ekspresyon sa kanyang mukha.
"Iyon na naman si fafa Lean!" bumaling siya sa aking likuran. Bumilis ang kabog sa aking dibdib. Halos lumabas na ito sa aking katawan. Hindi ko na makontrol ang nakakaramdaman at pakiramdam ko sasabog na ako.
Unti-unti akong lumingon, doon ko napagmasdan ang maliit na ngisi sa kanyang labi at muling naglaho.
"A-Ano?" nautal niyang sambit at ngumuso. Matalim kong ibinalik ang paningin ko kay Paleo na umahon na.
"Anong sinasabi mong fafa? Nakakadalawang beses ka na ah! Kung gusto mo ng fafa, doon ka kay Kards! May balak ka pang mag-agaw ng pagnanasaan!"
"Biro lang, Leandro pala, hindi fafa." pumilantik ang daliri niya nang magsimulang magpunas ng katawan niya.
Dumaan ang mga taon, lumalabas na ang tunay na pagkatao ni Paleo. Siguro dahil ilang taon na kaming magkaibigan at tanggap ko siya sa kanyang sitwasyon, ibinigay na niya ang buong tiwala sa akin.
Meron ba naman kasing tunay na lalaki na pumatatol sa bakla?
Hindi naman sa iwinawaksi ko ang mga bakla. Mahal ko si Paleo, bilang aking kaibigan. Sadyang walang sinuman ang nasa tamang huwisyo na mambakla lalo na't lalaking lalaki siya.
Wala naman ng kaso sa akin iyon dahil buo ko siyang pinapasok sa aking buhay.
"Hello..." napatalon ako at humiyaw sa pagkagulat nang may humalik sa aking leeg sabay himas sa aking tiyan.
Naramdaman kong nawala na naman siya sa aking likod. Hindi ko mapigilan na umirap at pumadyak sa pagkainis, "Pinaglalaruan mo ba ako?! Punyemas ka lumabas ka na riyan ng mahalikan kita!"
Wala pang isang saglit nang lumitaw sa aking harapan si Leandro at walang habas na sinakop ang aking labi.
Sa harapan ni Paleo, sa harapan ni Serene at ni Kards na nasaksihan ang pangyayaring iyon.
Pumikit ako at hinayaang tangayin ng maalab niyang halik. Ramdam ko ang sabik doon na aking sinuklian ng parehong intensidad.
"Hindi ako magpapakita sayo hangga't hindi mo binabanggit ang ninanais ko," bulong niya at ipinatong ang noo sa akin. Hindi pa ako nakakahinga ng maayos nang mawala na naman siya muli.
Pabitin naman oh!
"Siya ba?" impit na tanong ni Serene habang nagtatalon pa sa nasaksihan. Tumango ako at umikot sa aking kinatatayuan.
Nawala na naman siya ng parang bula...
"Girl, aalis muna kami nang mabigyan ka namin ng oras na maglampungan ng sundalong invisible na 'yan." tinapik niya ako sa balikat at niyakap. Agad namang umeksena rin si Paleo at nakiyakap sa akin.
Gumihit ang kiliti sa aking katawan nang maramdaman ko ang pagpisil sa aking dibdib.
Inaasar ako!
Mayroon kang papaluin ako sa puwitan, may hahalikan ako sa labi at... ang malambing niyang pagbulong sa akin ng mahal kita.
Kinagat ko ng mariin ang aking labi. Taas baba ang aking dibdib sa sobrang kaba. Kung dati ay siya lagi ang nag-aalok sa akin ng kasal... ako naman ngayon.
Kailangan kong ibalik ang tamis ng pagmamahal niya sa akin. Bawat lambing, bawat halik, bawat ngiti at bawat araw na magkasama kami ay ipaparamdam ko siya kanya ang aking pag-ibig.
Taragis naman kasi.
Bakit ba naisipan ko pang magpakipot? Iyan tuloy! Nabibitin ako sa maya't mayang pagkintal niya ng halik sa akin.
Hindi niya ako kung gaano ako sabik na sabik na makapiling siyang muli...
Bumuntong hininga ako at lumuhod, "Oh minamahal kong Leandro, maari ko bang hingin ang iyon kamay upang mabasbasan sa harap ng altar--sa harap ng Diyos, sa harap ng mga tao?"
Hinintay ko na lumitaw siya. Hinintay ko na tugunin niya ang aking paunlak sa kanya.
Ngunit ang tanging naramdaman ko lang ay ang pagaspas ng hangin. Sapat na iyon upang maramdaman kong naririto siya. Malakas ang kanyang presensiya, sobrang lakas na kahit ang aking iskwater na probinsiyanang kagaya ko ay nanghihina sa kanya.
"Handa ka bang makapiling ako sa iyong buhay? N-Ng walang pag-aalinlangan at sama ng loob?"
Suminghot ako at pinunasan ang sunod sunod na pagtulo ng aking luha. Hindi dapat ito ginagawa ng isang babae, ngunit ngayon, gusto ko... gusto kong ipadama sa kanya na tapat akong umiibig.
Na kahit lumipas man ang taon, siya pa rin ang hinihiyaw ng aking puso.
"Virgin pa ako oy, kailangan ko ng madiligan bago pa ako tumandang dalaga!"
Sa aking pagkakayuko, tumambad ang aking mata sa paa niya pataas sa hita... gusto ko pa sanang huminto sa ninanais kong destinasyon nang hilahin niya ako patayo.
Pinakatitigan niya ako, na tila ba hinihigop niya ang aking kaluluwa sa sobrang lalim 'non.
"Leandro..." ginagap ko ang kamay niya na sumapo sa aking panga at tumingala.
Muling naglandas ang luha sa aking pisngi nang ako'y ngumiti. Kakaiba ang saya sa aking dibdib. Nakakabaliw...
"Mahal... na mahal... na mahal kita, Leandro." hinapit siya ako sa baywang at hinalikan ng buong puso.
Wala man lang nakasaksi sa aming relasyon, wala man lang suporta o kahit na anumang chechebureche na monthsary o nakaka-bitter na valentines...
Tanging ako lang siya, kami lamang ang nakakaalam...
"Mahal din kita, Isabella. Higit pa sa iyong inaakala..."
Kami lang ang nakakarinig ng paghuhumiyaw sa tinitibok ng aming dibdib, ang pagluksa ng damdamin kung mawalay man... at ang poreber na kinaiinisan ninuman.
Leandro at Isabella, kami lang dalawa.
Swak na swak para sa isa't-isa...
Wakas
BINABASA MO ANG
Ghostly
FantasyHanda ka bang isuko ang bataan sa isang estranghero na hindi mo magawang makita o mahawakan man lang?