Bumalik muli ako sa kanya.
Ngayong alam ko na ang aking karma, mas lalo akong didikit sa kanya na parang linta. Wala na siyang magagawa pa para maihiwalay ako sa kanya.
"Araw araw ka ng bumibisita rito. Wala ka bang importanteng ginagawa?" Lumabas siya mula sa kanyang silid habang dala-dala ang maruruming damit.
Maglalaba siguro.
"Meron," ipinatong ko ang paa sa upuan sa aking harapan.
Inipit niya ang kanyang talas na buhok sa likod ng tainga at umirap, "Iyon naman pala. Nakakaistorbo pa ako sayo, nakakahiya naman. Leandro, hindi mo dapat ginugugol ang buong oras mo sa akin."
"Pero mas importante ka para sa akin."
Sabog. Wakak. Naluray.
Lumingon siya at tipid na ngumiti nang makita akong kumindat.
"Tigilan mo nga ako. Baka hindi na kita pakawala pa. Sige ka." Nakaharap ang kanyang likod sa akin. Mabilis akong tumayo at niyakap siya."Angkinin mo ako, Isabella. Sayong sayo ako. Isap, puso, katawan at kaluluwa. Lahat..." marahan kong hinalikan ang kanyang leeg na ikinaigtad ng kanyang katawan sa kiliti.
"A-Ano ba. Nakikiliti a-ako!"
Sinipsip ko ang balat at naging mapangahas ang kamay ko. Gumapang ito papasok sa kanyang damit. Dinama ko ang makinis niyang tiyan, pataas...
"Tumigil ka nga. Maglalaba ako," kumawala siya sa akin na tila napapaso at mabilis na nagtungo sa batya.
Pinagmasdan ko siya kung paano kuskusin ang damit ng mano-mano. Nakayuko siya at hirap na hirap. Ayaw kong makita siyang ganito. Gusto kong bigyan siya ng maginhawang buhay. Hindi ko kayang ganito nalang ang kapalaran niya.
"Aalis muna ako..."
Hindi ko na siya hinintay na makakobo pa. Dire-diretso akong nilisan ang lugar na iyon. Nang makalabas ay hindi ko ininda ang kakaibang tingin sa akin ng mga tao.
Napailing ako.
Hindi siya nararapat tumira dito. Ang mga mukha ng nakapalibot sa kanya ay hindi katiwa-tiwala. Siguradong mga hindi matitino ang pinaggagawa.
"Pumili ka ng mga magagandang damit. Make sure it's not revealing, para sa minamahal ko 'yan. Ayaw kong makita ang hita, dibdib at likod niya. Saka hindi rin masyadong fit. Wag din yung sleeveless."
Inihayag ko sa saleslady ang sukat ng kanyang katawan. Sunod sunod naman itong tumango at ngumiti ng kakaiba. Hindi ko na pinansin pa ang ngiti nito.
"Right away, Sir!"
Tumango ako, "Babalikan ko nalang 'yan. May bibilhin pa ako."
Hindi ko na tinignan pa ang presyo na nakalagay sa mga plastik na naglalaman ng sari-saring pagkain. Binayaran ko na ito kaagad at tinangay pabalik sa bilihan ng damit.
Siguradong matutuwa si Isabella...
"A-Ano 'yan? Bakit ang dami mong bibit?" Sinilip niya ang paper bags na nakalapag na sementadong sahig at ang mga plastik. Nagkibit balikat ako, "Para sayo..."
Tumunghay siya ng nanlalaki ang mata.
"Magkano ang mga ito?"
Kinagat ko ang aking labi at yumuko upang iwasan ang mata niya, "Hindi mo na kailangang alamin."
"Ibalik mo lahat ng iyan. Hindi ko kailangan ng sandamakmak na damit at pagkain!" Padabog siyang nagtungo sa aking harapan at pinamaywangan ako. Nakatirik ang kilay niya. Tiningala ko siya, tumambad sa akin ang dibdib niya. Kaharap ng aking mukha.
Tangina.
Sarap sunggaban.
Umiling ako. Hindi ko dapat iniisip iyon. Mamaya nalang pagkatapos akong awayin ni Isabella.
"Hindi mo ba gusto ang binigay ko sa'yo?" Nangunot ang aking noo.
"Ayaw ko!"
"Eh, anong gusto mo? Ibigay ko lahat? May credit cards ako dito, pumili ka nalang kung ano ang gusto mo." Akmang kukuhanin ko ang aking pitaka nang hampasin niya ako sa dibdib.
"Hindi ako mukhang pera! Sayo na 'yan lahat, laklakin mo!"
Tumayo ako at hinawakan siya sa magkabila niyang balikat, "Ano bang gusto mo? Tinutulungan lang naman kita sa mga kailangan mo. Pansin kong paulit-ulit nalang ang mga sinusuot mong damit. At saka puro noodles ang kinakain mo, hindi healthy."
"Hindi ko kailangan ng mga materyal na bagay." Hinawi niya ang kamay ko ngunit hindi ako nagpadala.
Tumingala siya. Nakita ko ang pagpungay ng kanyang mata. Isinukbit niya ang kamay niya sa aking leeg at tumingkayad. "Ikaw lang sapat na, Leandro."
Kinantilan niya ako ng halik sa labi.
"Hindi ko na kailangan pa ng iba."
Kinagat ko ang aking labi upang pigilin ang kumakawalang ngiti. "Mahal kita, kaya ko ibinibigay sa'yo 'to, Isay. Hindi ako humihingi ng sukli."
Hinapit ko siya palapit sa akin.
Yumukod upang gawaran ng halik.
"Sandali," tinulak niya ako at sinagot ang pesteng tawag na nakisingit sa gagawin ko.
"Hello," napansin ko ang paghihin ng kanyang boses.
"Po?"
"Talaga?!"
Ang ningning sa kanyang mata ay mas kuminang. Puta. Sino ba iyang kausap niya?
Nagtatalon siya, halatang galak na galak.
Gusto kong hablutin ang phone niya at apak-apakan.
"Marami salamat! Bukas na bukas magsisimula na ako, Sir Raven. Sisiguraduhin kong hindi ka mabibigo sa pagtanggap mo sa akin!"
Natapos ang tawag nang para siyang kiti-kiti. Humalukipkip ako at yamot na pinagmasdan siya.
Sir Raven?
Nag-Sir pa. Amputa.
"Lean, tanggap na ako sa trabaho!" Mahigpit niya akong niyakap at pinugpog ng halik sa pisngi.
Letse.
Halik lang niya nagpapakalma sa nagwawalang nararamdaman ko.
Ginayuma ata ako.
Parang kanina lang nagngingitngit ako sa selos, ngayon ang lawak na naman ng ngiti ko.
"Mag-ttrabaho na ako bukas!"
Nawala ang ngiti ko.
"Bakit pa?"
Huminto siya, "Syempre para may pera ako. Kailangan kong mag-ipon para sa renta at bills dito sa bahay. Pati pagkain tapos sa susunod na buwan bibili pa ako ng mga gagamitin sa eskwelahan."
"Kaya kong ibigay sayo ang pera wag ka nalang magtrabaho," bumuntong hininga siya.
"Ito na naman ba tayo? Pwede bang huwag na nating pagtalunan ang ginagawa ko?" Padabog siyang lumayo sa akin.
"Nasasakal na ako." Napatigil ako, "Hindi ako natutuwa sa inaasta mo. Agapan mo na 'yan bago pa ako mainis sayo. At saka kahit anong alok mo pa sa akin, ang masasabi ko lang--hindi ko kailangan ang pera mo kung ganyan ka lang din naman umalis na ka dito, o mas mabuti pa umuwi ka nalang sa probinsiya."
Kinuyom ko ang aking kamao.
Tila may karayom na tumutusok sa aking pala-pulsuhan kasabay ng kirot sa aking dibdib.
Nagkanda-loko loko na.
BINABASA MO ANG
Ghostly
FantasyHanda ka bang isuko ang bataan sa isang estranghero na hindi mo magawang makita o mahawakan man lang?