xv | Leandro

8K 201 25
                                    

"Magpakasal ka na sa akin," bungad ko ng saktong pagkadilat ng kanyang mata.

Nangunot ang kanyang noo sa narinig. "Paano ka nakapasok dito? Ginamit mo na naman ba ang anting anting? Hindi na ako natutuwa sa pinaggagawa mo, Leandro."

"Iniwanan mong hindi naka-lock ang pinto mo. Hindi ka ligtas dito Isay. Paano nalang kung pasukin ka ng mga tambay diyan? Wala ka ng kawala sa kanila. Mag-isa ka pa naman dito." Bumangon siya mula sa pagkakahiga at kinusot ang mata.

Hindi talaga ako magsasawang makita si Isabella. Kahit may muta pa siya o tulo ng laway sa bibig.

"Isa pa, talasan mo naman ang pakiramdam mo. May nakaloob na dito'y lahat tulog mantika ka pa rin."

Ginagap niya ang lahat ng buhok at tinali.

"Pakasalan mo na ako," giit ko pa.

"Bata pa ako," humalakhak ako sa narinig.

Noong nakaraan lang ay gustong gusto na niya akong pakasalan. Naging hadlang kasi ang pagpunta niya sa syudad kaya nakalimutan na niya iyon.

"Huwag ka ng magbiro pa, Isay." Gumapang ako papunta sa kanya ngunit hindi niya ako hinayaan. Mabilis siyang bumaba sa kama at dumiretso sa banyo.

Maagap ko siyang sinundan pero kumalabog sa aking mukha ang pinto sa kanyang marahas na pagsara.

"Hindi mo na ako kailangang sundan pa. Manyak nito!" Ngumisi ako at umiling sa kanyang sinabi.

"Nakita ko na ang lahat sayo. Bakit kailangan mo pang itago iyan?"

"Kaderder ka!" May bahid ng iritasyon sa kanyang boses.

Imbes na mag-ala gwardiya ako sa bungad ng banyo ay napagpasyahan ko nalang ipagluto siya ng agahan. Sa tuwing naririnig ko kasi ang pagbuhos ng tubig ay parang gusto kong pasukin ang banyo at makisama sa kanya.

Siguradong hindi matutuwa si Isay kapag nalaman niya ang iniisip ko.

Natapos na akong ipaghanda siya ng makakain ngunit mukhang hindi pa rin siya tapos. Pumasok muli ako sa silid niya. Wala siyang dalang damit nang pumasok sa banyo. Siguradong lalabas siya ng nakatapis lamang o... walang suot na kahit ano.

Pinilig ko ang aking ulo.

Putangina, kailangan kong ayusin ang aking sarili. Akalain niya pa katawan lang niya ang habol ko.

Bumuntong hininga ako.

Pinakialaman ko ang gamit niya at inihanda nalang. Panty, bra, shirt na maluwag at leggings. Siguro naman ay hindi na niya ako pagdududahan pa.

Kahit na narinig ko ang paglangitngit ng nagbukas na pinto ay hindi ako tumigil. Inilatag ko ang damit niya sa kama at ang higaan naman niya ang pinagtuunan ko ng pansin.

Ang tagal naman niyang lumapit dito. Naiinip na ako. Gusto ko ng sunggaban siya.

"Wala ka bang balak umalis?"

Hindi ako kumibo.

Hindi ako aalis. Wala akong balak. Hindi na kita pakakawalan pa. Matapos niya akong iwanan? Hindi ako nakakasigurado kung tunay ba ang nararamdaman niya para sa akin. Sa syudad, maraming temptasyon. Hindi ko siya hahayaang mapunta sa lagay na iyon.

Kung magnanasa man siya, sisiguraduhin kong sa makisig kong katawan ang atensiyon niya.

Ramdam ko ang presensiya niya sa aking tagiliran. Sa gilid ng aking mata ay kita ko ang matalim niyang tingin sa akin. Hindi ko nagustuhan iyon. Kumirot ang puso ko.

Hindi na ba niya ako gusto?

"Seryoso ako Leandro. Kung hindi mo susuportahan ang aking pasya ay lumayo ka na lamang muna. Magiging distraksiyon lamang ito lalo na't nandito kang nanggugulo sa akin."

"Hindi, Isay. Hindi kita guguluhin. Pangako. Sa katunayan pa nga'y inspirasyon ang matatawag dito." Ginawad ko sa kanya ang aking malaking ngiti at kumindat.

Umirap naman siya at tumalikod sa akin ng bitbit ang aking hinandang damit.

"Kailan ang kasal natin?"

Napabato siya.

"Hindi ako magpapakasal sayo. Magtatapos muna ako sa pag-aaral bago ako magpatali sayo. Sa ngayon, tutuparin ko ang aking pangarap. At saka, masyado pa akong bata, Leandro."

Humarap siya sa akin at unti-unting inalis ang tuwalyang nakatapi sa kanyang katawan. Tila kinapusan ako ng hininga.

"Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Bumigay agad ako sayo ng wala man lang paghihirap."

Ito na ba ang karma? O sadyang pinaparusahan lang ako ng babaeng ito?

Mariin akong lumunok. Sunod sunod na napatango.

Hindi ko magawang magalit sa kanya. Ibandera ba naman niya ang aking kahinaan. Ano pang laban ko? Sa sitwasyon pa namin ngayon, kailangan ko pang lawakan ang aking pag-uunawa. Kailangan ko ring tigilan ang aking sarili na ma-ulol sa kanya.

"Masusunod aking mahal. Hihintayin kita at aayon ako sa iyong ninanais. Sa ngayon ay mananatili tayo sa ganito. Makukunteto na ako sa kung anong mayroon sa pagitan natin."

Tumango siya.

Ngumiti siya ng malawak. Ang ngiting ikinatalon ng aking puso sa saya. Pakiramdam ko ay kinilig ako sa ginawa niya. Parang bumalil tuloy ako sa pagkatotoy.

Hindi ko kailangang itali siya sa akin. As long as alam kong mahal niya ako, tanggap ko ang lahat.

"Tara, kain na tayo."

Ginagap ko ang kamay niya at pinisil iyon. Dumikit ang init ng katawan niya sa akin nang sumandal siya at idinantay ang ulo sa aking dibdib.

"Maghintay ka lang, Leandro. Ibibigay ko sayo ang gusto mo..."

"Kahit ilang taon pa 'yan, hihintayin kita. Hindi kukupas ang pagmamahal ko sayo, Isay."

Umupo na kami sa tapat ng hapag. Biglang nawala ang bigat sa aking dibdib, para akong nakalutang sa alapaap ngayon. Hindi ko maipahayag ang tuwang nadarama.

"Hindi ba't dalawang buwan pa bago magsimula ang pasukan ninyo? Anong binabalak mong gawin habang narito ka?"

"Hindi ko alam sa totoo lang. Hindi ko pa alam ang pasikot sikot sa lugar na ito. Tiyak na maliligaw lang ako sa oras na lumibot ako mag-isa. Gusto ko sanang magtrabaho pansamantala para sa pagpasok ko ay mga pera ako upang bumili ng mga kinakailangan."

"Sa bahay ko nalang ikaw manatili. Madaling mapasok ang bahay mo lalo na't gawa lang sa kahoy ang lahat dito. Delikado para sa babae na mag-isa sa lugar na ito."

Yumuko siya at kinagat ang labi.

"Wala kasi akong pambayad."

Inakbayan ko siya at nilapit sa akin.

"Hindi mo kailangang magbayad sa akin, Isabella." Ngumisi ako. Ginulo ang buhok niya at nilapit ang aking bibig sa kanyang tainga.

"Labi mo lang sapat ng kabayaran sa akin, mahal ko."

malapit ng magtapos si leandro huhuhu

GhostlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon