xiii | Leandro

9.5K 236 51
                                    

Wala akong kaibigan. Itinuon ko ang buong atensiyon ko sa pag-training bilang sundalo. Ang hirap ng wala kang malalapitan. Wala kang mapaglalabasan ng sama ng loob at hinanakit tungkol sa buhay.

Hindi ko magawang lapitan pa si Rodrigo dahil abala siya sa pag-aaral. Naghahanda kasi siyang mag-aral muli. Balak niyang magretiro sa pagsusundalo. Buong galak naman itong tinanggap ng aming mga magulang.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya't nanatili lamang ako sa aking silid.

Nilalaklak ang mga mamahaling alak ng Papa ko.

Tuluyan na siyang umalis ng hindi nagpaalam sa akin. Hindi siya nagparamdam sa akin simula kagabi. Naghintay ako ng tawag niya ngunit walang dumating. Hindi na ako nakatulog sa paghihintay.

Napag-isipan ko ang kanyang rason. Pero talagang nabigla ako. Wala man lang siyang sinabi sa akin. Nais niya lamang na makapagtapos sa pag-aaral. Hindi ko pa siya asawa kaya't wala akong karapatang itali siya. Nobya... Kahit na ba handa siyang pakasalan ako, hindi ako sumangayon.

Iyon ang maling desisyon ko. Bata pa lamang siya. Labing walo samantalang ako ay lagpas na sa biente anyos.

Kailangan kong maging masaya para sa kanya. Kahit na masakit.

Napahawak ako sa aking sentido namg bigla itong kumirot nang may humawi ng kurtina sa aking silid. Nanuot ang sakit nang tumama sa akin ang sinag ng araw.

"Lean! Ang aga pa para maglasing ka! Ano bang pinaggagawa mong bata ka?" Mas lalong sumakit ang ulo ko sa mataas na boses ni Mama. Kinolekta niya ang tatlong malaking bote ng alak na walang laman at hinarap ako.

"Ma... iniwan na ako ni Isabella. Ang mahal ko, iniwan ako... Mahal ba talaga niya ako? Hindi man lang niya ako tinawagan para ako ang maghatid sa kanya. Hindi siya nagpaalam sa akin." Lantang nakadipa ako sa kama. Ipinikit ko ang mata at dinama ang kirot sa aking sentido maging sa aking puso.

Ngayon lang ako nagmahal. Ganito pala ang pakiramdam.

"Ma... ang sakit..."

Suminghap ako ng maubusan ng hangin. Ramdam ko ang paglapit niya sa akin. Lumundo ang kama. Pinasadahan ng malamya niya kamay ang aking buhok.

"Anak... huwag mong isarado ang sarili mo. Isipin mo, mag-aaral siya dahil may pangarap siya. Hindi mo kayang kontrolin ang buhay niya. Babalik naman siya, hindi ba?"

"H-Hindi ko alam... Wala siyang sinabi, Ma..." May kumawalang hikbi sa akin.

"Alam mo, masakit din para sa kanya na umalis kaya siguro niya ginawa iyon. Tandaan mo, mahal ka niya. Dalawang taon lang iyon. Dalawang taon, napakabilis lang umusad ng panahon. Hindi mo mamamalayan, nakabalik na pala siya."

"Ma. Hindi ko kayang mawala siya sa akin," hinawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon.

"Lean! Para ka namang babae kung magdrama. Imbes na ikulong mo ang sarili mo ay magpaka-busy ka. Mahal mo siya, 'di ba? Hintayin mo... Magtiwala ka sa kanya. Nobya mo siya at sa isang relasyon kailangang matatag ang pundasyon para maging matibay ang pagitan niyong dalawa. Tiwala lang..."

Napakabagal umusad ng oras.

Pagkagising ko ay hapon pa lamang. Hindi pa nagdadaan ang araw, lugmok na ako ng hindi siya kasama.

I miss her...

Kinuha ko ang phone ko sa ilalim ng unan at sinubukang tawagan siya. Kinagat ko ang labi ko at umupo sa kama. Kanina pa ako nakahilata, namanhid ang katawan ko.

Naka-ilang tawag na ako, hindi pa rin siya sumasagot. Napagpasyahan kong i-text nalang siya.

Ako:

I love you.

Tumayo na lamang ako at bumuntong hininga. Hindi ko na hihintayin pa na sumagot niya sa akin. Aalis na lamang muna ako upang aliwon ang aking sarili.

"Papa, lilibot lang ako sa syudad," paalam ko sa aking ama na nasa salas nanunuod ng balita sa telebisyon.

Nang tumalikod ako ay tinawag niya ako. Rinig ko ang yabag niya papalapit sa akin. May humaplos sa aking puso nang naramdaman ko ang mabigat niyang kamay sa aking balikat. Marahan niya itong pinisil, "Alam ko ang pinagdadaanan mo ngayon anak, pero sana hindi malaki ang maging epekto ni Isabella sa buhay mo."

Nanatili akong walang kibo.

"Batid kong ito ang unang beses mong magmahal ng espesyal na babae sa buhay mo. Napapansin ko ang pagkawala ng kontrol ng emosyon mo. Kapag hindi mo pa inagapan iyan ay mas lalo ka lamang mahihirapan."

Bagsak ang aking balikat na pumihit paharap sa kanya at parang bumalik ako sa pagkabata nang ngumiti siya. Ginulo niya ang aking buhok.

"Maglaan ka ng oras sa iyong sarili. Bakasyon mo ito, bakit hindi ka makisaya sa mga kaibigan mo o pinsan?"

"Wala akong kaibigan, papa. Isa pa, ang mga pinsan ko ay nasa Maynila. Babyahe pa ako para puntahan ang mga iyon? Kuntento na ako dito. Hihintayin ko na lamang si Isabella na bumalik."

Umalingawngaw ang halakhak ng aking Papa sa buong bahay dahil sa katahimikan. Pinagmasdan ko siya, nagtataka sa kanyang reaksiyong pinapakita. "Bakit? Anong nakakatawa sa sinabi ko?"

Umiling siya, "Totoo nga ang sinabi ng asawa ko maging ang iyong kapatid..." pumalatak siya habang ngumi-ngisi sa akin. Puno ng pagtataka ko siyang tinignan. Ano bang pinagsasabi niya? Wala akong maintindihan.

"Hindi ko alam kung kanino ka nagmana, Leandro. Jusmiyo! Manila, ring a bell?"

Lumunok ako.

"Oh, ano ngayon? Pa, aalis na nga ako." Akmang tatayo ako nang batukan niya ako. Dahil sa isa siyang retiradong sundalo ay tila naalog ang aking utak sa pinaglalagyan nito. Dumaing ako sa kanyang ginawa.

"Tanga! Inutil! Ang totoo niyan pinulot lang kita sa tae nga kalabaw eh! Siguro puro dumi lang laman ng utak mo."

"Mahal kita, papa. Pero ano bang pinagsasabi mo d'yan? Diretsahin mo nalang kaya ako kaysa magpasikot-sikot. Daming alam, may gana oang tawagin akong inutil."

"Edi tanga nalang," bwelta niya sa akin.

Hindi ko siya kinibo.

Pilit kong iniisip ang kanyang sinabi.

Napakamot siya sa kanyang batok, siguro dahil sa yamot. "Si Isabella ay nasa Maynila. Imbes na maglungga ka sa iyong silid, bakit hindi mo siya puntahan? Ano pa ang silbi ng kotse, private jet plane o barko kung hindi mo ito gagamitin? Isip isip din anak. Pumupurol utak mo."

Biglang pumalakpak ang aking tainga sa narinig.

Oha oha kamusta naman guysss bumote at kumento hahaha sexy time na ba ituuuuu?

GhostlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon