xxiv | Isabella

5.2K 148 21
                                    

"Bakit hindi mo alisin 'yan? Sigurado namang naghilom na ang sugat mo."

Isang buwan na ang nakaraan ngunit hindi pa rin niya tinatanggal ang benda. Nakita ko ang pagtaas baba ng adams apple niya nang lumunok. Kumamot siya sa batok at inakbayan nalang ako.

"Design 'to para kunyari bad boy ako." Ngumisi sa kanya pero pansin ko ang pagkabalisa sa mata niya.

Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin. Kung ayaw niyang sabihin sa akin ang tunay na rason, mas gugustuhin kong ako nalang ang gagawa 'non. Magaling akong sa gapangan! Lagot siya sa akin mamaya.

"Tara na, ihahatid na kita sa room mo." Hindi ko talaga alam kung ano ang pumasok sa kokote ng lalaking ito. Nandito siya kuno sa unibersidad bilang isang istudyante pero walang ginawa kung hindi ang ihatid ako at bantayan.

Hindi ko nga alam kung anong degree course niyang kinuha. Nanatili pa rin itong misteryo sa akin.

At natutuliro na ako kasi lagi siyang may nililihim sa akin! Kagaya nalang ng gabi gabi siyang umaalis at umaga ng bumabalik sa bahay.

Akala ko pa naman matapos nang pangyayaring iyon noong isang buwan at lelevel up na ang nasa pagitan naming dalawa pero pakiramdam ko ay taliwas ito sa nangyayari.

Lagi na siyang umiiwas.

Para bang nagbalik siyang multo pero hindi naman. Ang tanging gawain niya lang ay ihatid,  sundo ako at bantayan sa mga umaaligid daw na mga lalaki.

Hindi niya ba nakuha na siya lang ang gusto kong lalaki? Kailan pa siya naging insekyur sa mga iyon?

Hamak naman na mas yummy siya sa mga iyon, hamak naman na mas nakakalaman siya sa mga iyon... At hamak namang siya lang ang itinitibok ng puso ko.

Siya lang ang gusto ko.

Hindi pa ba niya nakukuha ang punto ko? Ang gusto ko lang ay makapagtapos,  pero matapos 'non ay kanyang kanya na ako. Ano ba ang rason para maging ganito siya kaatat?

Iyon ang lulutasin ko ngayon...

Idinilat ko ang isang mata ko. Nakita ko siyang payapang natutulog habang nakayakap sa aking baywang. Mabagal na ang paghinga niya tanda ng mahimbing na tulog.

Kinagat ko ang labi ko at sinilip pa siya sa talukap ng mata niya pero bagsak talaga siya.

Dahan-dahan kong pinagapang ang kamay ko sa kanya. Inangat ko iyon at binaklas ang benda sa kamay niya. Mahaba iyon, halatang ayaw niyang may makakita.

Anong tinatago mo, Leandro?

Kunit noo kong itinuloy ang ginawa ko. Hindi ko alam, parang napakatagal ng oras. Gusto ko ng makita! 

"I-Isay..."

Kumalabog ang puso ko nang marinig ko siyang sabihin ang pangalan ko  pa-ungol.

Oo na!  Sexy ka na!

Hala, tulog!

Kahit na kinilabutan ako ay pinabaliwala ko nalang iyon at pinagtuunan ng pansin ang paghubad sa kanya ng benda.

Kinagat ko ang labi ko.

Walanjo, pati ba naman benda pagnanasaan ko?

Ganito na ata ako kamanyak ngayon! Iba talaga ang impluwensiya sa akin ni Leandro, nakakabaliw!

Nangunot ang noo ko at nagseryoso nang tuluyan ko ng mabaklas ang benda. Pinasadahan ko ang palapulsuhan niya paikot at nanginginig na binitiwan iyon.

Paano siya nagkaroon ng ganito?

Nababalutan ng tinik ang kanyang kamay. Sinubukan kong hawakan iyon ngunit nakadikit lang sa balat niya at mukha marka lang.

Nagulat ako nang gumalaw ang kamay niya at inilayo sa akin.

"Anong ginawa mo, Isabella?" asik niya sa akin at sinusubukang ibalik muli ang benda.

Inis akong humarap sa kanya at nanggigigil na sinabunutan ang nagwawala niyang buhok na kagagaling sa pagtuloy.

"A-Aray! Ano ba?!" hinawi niya ako pero nanlaban ako. Naiiyak ako pero gusto ko muna siyang bugbugin bago ngumawa at kausapin siya.

Pumaibabaw ako sa kanya at kinalmot ang hubad niyang dibdib pababa, "Ba.... Bakit naglilihim ka sa a-akin? Ano bang ang nangyayari sayong lalaking ka? Naiinis na ako! Punyeta ka!"

Nag-igting ang panga niya at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. Mabilis na nagkapalit ang pwesto namin. Pinako niya ang braso ko sa kama.

Tumama ang nagbabaga niyang tingin sa akin. Ang ilang hibla ng buhok niya ay tumatabing na sa mata na nakadagdag pa ng pagkalisik ng awra niya.

"Huminto ka nalang, Isay. Hindi pwede..." kinagat niya ng mariin ang kanyang labi at umiling, "Hindi mo maaaring malaman."

Kunot ko siyang tinitigan.

Nagniningning ang mata niya, may nagbabadyang luha sa kanyang mata at sobrang lungkot nito. Kumirot naman ang dibdib ko nang ibaon niya ang kanyang ulo sa aking leeg at doon inilabas ang luhang pinipigil.

"Magiging maayos din ang lahat. As long as we stick together... Hindi lalala ang mga mangyayari." Nangilabot ako sa uri ng boses niya kasabay ng pagtama ng mainit niyang hininga sa aking leeg.

"Ipangako mo sa akin na hindi mo ako susukuan. Ipangako mo na hindi mo ako i-iiwan. N-Nagmamakaawa ako..."

Sunod sunod ang ginawa kong pagtango. Marahan kong pinasasahan ang kanyang buhok at nilaro ang buhok niya.

"Shh... Dito lang ako. Hinding hindi kita iiwan," sumiksik siya na parang bata sa akin hanggang sa lumalim na ang paghinga niya.

Hindi ko naman nagawang makatulog dahil inaalala ko pa rin ang lalaking nasa ibabaw ko.

Hinayaan ko nalang siya na dumagan sa akin kahit mabigat.

Oh bakit ba?

Mesherep keye!

Ramdam ko ang lahat na nakadikit sa akin. Kung hindi ko lang pinoproblema ang kalagayan niya ay baka najugjug ko na siya ng tulog!

Bumuntong hininga ako at pinikit ang mata. Lumabas sa aking isipan ang imahe ng aking Ama na nagpapakahirap sa probinsiya. Hindi ko na rin siya masyadong natatawagan dahil abala ako sa pag-aaral... lalo na kay Leandro.

Hindi bale na. Ilang kendeng nalang naman ay makapagtatapos na ako. Magsusunog ako ng kilay para kay Ama, nang matamasa naman niya ang marangyang buhay.

Para ipamukha na rin niya kay Ina na hindi siya kawalan sa buhay namin. Mukhang pera siya!

Kung babalik man siya sa buhay namin, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Pero wala naman akong magagawa dahil desisyon pa rin ni Ama ang masusunod. Kung may puwang pa rin ito sa buhay niya at hahayaan ko.

Basta maging masaya siya, kahit ayaw ko... susundin ko nalang.

"Uhmm..." rinig ko ang pagdaing niya nang tinulak ko siya palayo sa akin. Hinayaan nalang niya ako pero niyakap niya ako ng mahigpit tila ba ayaw niya akong pakawalan.

Dumantay ang tingin ko sa marka niya.

Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit siya mayroon 'non, pero aalamin ko kahit anuman ang mangyari.

Hindi ko nanaisin na malagay ang buhay niya sa peligro. Hindi ko kaya...

Mapait akong napangiti, "Mahal kita, Leandro."

Vote and comment ka naman dyan! Mamamatay na si leandro ganyan ka pa rin. Multuhin ka sige hahaha

92 nov 11
84 nov 12

Thank youu

GhostlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon