vi | Isabella

13.9K 385 103
                                    


Linggo... Linggo na ang lumipas. Kahit saan ako nagpunta ay naroroon siya at hindi magawang humiwalay sa akin. Hindi ko na magawang maghanap ng paraan upang dispatsahin siya sa aking buhay dahil simula nang dumating siya.

Noong una, gustong gusto ko dahil iniistorbo niya ang beauty sleep ko kaso... ngayon, parang hindi ko kaya dahil minu-minuto ay hinahanap hanap ko na siya.

May kutob ako sa aking kinikilos. Ang aking pagiging masaya sa kabila ng aking nalaman na ampon ako, sa madalas kong pagiging mag-isa para makasama lang siya. Hindi na ako nakakapaglakwatsa.

Gusto ko siya sigurado ako doon...

Tanggap kong gusto ko siya, pero hindi ko matanggap na nagkagusto ako sa isang kaluluwa na hindi ko magawang makita.

Ayaw kong habang buhay na lamang na ganito ang sitwasyon namin. Gusto ko ng higit pa doon.

"Kailan kaya kita makikita?" bulong ko sa aking sarili habang patuloy na nagkukuskos ng labahin sa batis. Hindi ko maramdaman si Leandro sa paligid kaya't hinayaan ko nalang. Wala atang oras na hindi siya humiwalay sa akin, ngayon lang...

Nag-aalala ako sa kung sakaling mangyayari sa hinaharap.

Siguro matapos ng lahat ng ito ay iiwan niya rin ako. Alam kong pansamantala lang ito, imposibleng may manatiling multo dito sa mundo ng permanente.

Napahinto ako at napabuntong hininga. Biglang may kumirot sa aking dibdib, tila tinutusok ng milyong karayom. Hindi pwedeng habang buhay nalang na ganito.

Wala akong alam sa kung ano ang namamagitan sa amin, kung pumapasok na ba kami sa isang relasyon o purong pagnanasa lamang. Hindi ko magawang tukuyin.

Napapikit ako nang makaramdam ng masuyong halik sa aking pisngi. Nasa likuran ko siya at yakap niya ako. "Bumalik ka pa? Ang dalas mo ng bumubuntot sa akin. Buti't hindi ka pa nagsasawa." Tinapos ko na ang aking paglalaba at sinampay sa sanga ng puno bago humarap sa kanya.

"Saan ka naman ngayon napadpad? Naghanap ka na ba ng ibang babae o may kapwa multo na rin ikaw na kasama?" Hindi ko na aasahang sumagot pa siya sa akin. Para lang akong kumakausap sa hangin. Kunot ang aking noo at tiim ang labi ko.

Hangarin ko na hindi lang puro ganito ang nangyayari sa amin. Simula pa lamang ay makikita ng walang mangyayari rito at wala ng pag-asa pa.

Talagang hindi ko napigilan dahil unti-unti ay nagugustuhan ko na siya...

Sa tuwing aangkinin niya ako ay buong pusong ibinibigay ko ang aking sarili sa kanya. Wala na akong reklamo pa. Tumagal ang ganoong sitwasyon namin ng buwan, tuluyan ng nahulog ang loob ko sa kanya. Napakabilis ng mga pangyayari, namalayan ko na lamang na mahal ko na pala siya. At ngayon ay mas naging mapaghanap ako sa kung ano ang mayroon kami...

"Kailan ka ba magpapakita? Tanging presensiya mo lang ang nararamdaman ko. Leandro, hindi ako kuntento sa ganitong gawi natin. Gusto ko pa ng higit pa roon..."

Kahit anong kulit ko sa kanya ay wala siyang sinasagot kung hindi ang masuyong paghalik sa akin, hanggang isuko kong muli ang aking sarili sa kanya ng hindi napag-uusapan ang tungkol doon.

"Inay! Pinapapunta sa ng propesor ko sa eskwelahan, tutuloy ka?"

"Aba, oo naman. Nang malaman ko ang pinaggawa mo sa buhay." Hinawi niya ang buhok niyang buhaghag at ngumiwi. Masigla naman akong ngumiti at pinagpatuloy ang pagsasaing.

Kahit na nalaman kong ampon ako ay hindi nagbago ang pakikitungo ko sa kanila. Kahit papaano'y sila pa rin ang nagpalaki at nag-alaga sa akin hanggang ngayon. Ang Inay ko, nakasanayan ko ng ganyan siya magsalita. Matalim at laging bagong hasa ang dila, mukhang kahit kailan ay hindi na ito pupurol.

Matapos kong magluto ay dumiretso ako sa aking silid. Sinalubong ako nito ng malamig ngunit nagaalab ba presensiya ni Leandro. Mahigit isang buwan na at hindi pa rin siya umaalis sa aking tabi.

Hinawakan niya an aking kamay at ginaya palabas ng bahay. Madilim na ang paligid at hindi ko alam kung ano ang balak niya. Pabalik na ang ama ko mula sa trabaho at kailangan ko na siyang ipaghanda ng makakain.

"Saan mo ako dadalhin?" kwestyon ko at pinigilan siya. Napa-iling na lamang ako nang muli niya akong higitin.

"Inay! May pupuntahan ho muna ako saglit!" hiyaw ko nang hindi pa kami nakakalayo sa bahay.

"Leandro, saan mo ba ako dadalhin? Kanina pa tayo nagpapalakad-lakad. Pagod na.ako," aking reklamo sa kanya. Bumuntong hininga ako. Gamit ang kanyang daliri ay gumuhit siya ng mga letra sa aking balat.

Gusto kitang masolo

Parang mapupunit ang labi ko sa malawak na pag-ngiti. Namula ang aking pingi at hindi ko mapigilang yakapin siya ng mahigpit.

Nagtaka ako nang lumayo siya at muli akong dinala sa kung saan. Wala na ba itong katapusan? Hindi niya ako masosolo kung puro lakad ang gagawin namin buong magdamag. Masasayang ang oras naming magkasama.

Kalaunan ay tumigil siya. Napasinghap ako sa tanawing aking nakita. Ngayon ko lang napuntahan ang lugar na ito. Napakaganda...

Tanaw dito ang maliliit na kabahayan at ang ilang bulubundukin. Kumikinang ang tubig dahil sa repleksiyon mula sa bilog na buwan.

"Paano mo nalaman ang lugar na ito?" muli siyang gumihit sa akin. Bawat paghagod ng daliri niya ay nakakapaso. Simpleng kilos lang mula sa kanya ay may epekto na ito sa akin. Napakatinding epekto...

Ngayon lang ako nagmahal ng ganito. Mas higit pa sa aking nakaraan. Parang hindi ko na kayang mawalay pa siya sa akin. Nakakahibang...

Tumingin ka sa kaliwa

"T-Tara na, Leandro. Trespassing tayo!" hinila ko siya ngunit pirmis siyang nakakapit sa akin upang patigilin ako. "Ano bang problema mo? Bawal tayo dito, pag may nakahuli sa akin malalagot ako." Taranta kong wika at napahilamos na sa mukha.

Kinagat ko ang aking labi at dalawang beses akong sumulyap sa malaking gate na pinagpasukan namin kanina na hindi ko napansin. Malayo na kami roon at kita ko ang mansyon sa malapit sa amin.

Ang lugar ng mga Miranda...

"Palibhasa kasi hindi ka nila nakikita eh! Bitiwan mo ako, uuwi na ako!" Tumalikod ako sa kanya at akmang aalis nang yakapin niya ako mula sa aking likuran.

Hinawi niya ang aking buhok at kinantilan niya ito ng halik. Napasinghap ako at sumandal sa kanyang dibdib. Napapikit ako nang gumuhit ang kanyang dila sa aking leeg.

"Leandro..." ungol ko at kumapit sa kanyang batok dahil sa kiliting naramdaman.

P... A... A...

Napasabunot ako sa kanyang buhok. Pilit kong tinuon ang atensiyon sa letrang iginuguhit niya ngunit ang sarap ay namumutawi.

L... A... M...

Paalam...

Napahinto ako at napatulala na lamang. Paalam? Ano ang ibig niyang sabihin?

Unti-unti ay humiwalay siya sa akin at pinaharap ako sa kanya. Kusang tumulo ang mga luha sa aking mata ng hindi ko inaasahan. Hinigit ko siya at sinakop ang kanyang labi.

Gan'on na lamang ba? Iiwan nalang niya ako ng biglaan?

Kahit na masama ang loob ay ibinuhos ko ang lakas sa paghalik sa kanya. Napatigil na lamang ako dahil sa may kumawalang hikbi sa aking bibig.

"Mahal kita, Leandro..."

Wala akong nagawa kung hindi ang maramdaman ang lamig nang mawala ang kanyang presensiya. Iniwan niya akong nagluluksa sa pag-alis niya...



Any violent reactions guys? 

GhostlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon