Fb acc: Layerdine WP
Fb group: Layerdine'sWho wants dedication? Comment ng nakakatats na feedback tungkol sa Ghostly.
Batid namin ang kasiguraduhan sa aming pagmamahalan, pero hindi maiwasan na mag-alangan lalo na't maraming problema ang humaharang.
"Gusto mo?" alok ko sa kanya.
Nanatili naman siyang nakatitig sa akin. Blangko lamang ang ekspresiyon niya. Hindi ko tuloy malaman kung ano ang tumatakbo sa isipan niya.
Dalawang araw na siyang ganito. Para bang may dinadala siyang malaking problema. Lagi siyang nakatitig at walang kibo sa tuwing magkasama kami.
Gusto kong malaman ngunit siya naman ang nagtatago nito sa akin.
Hindi na nga rin siya nangungulit hindi kagaya dati. Pakasalan mo ako, halikan mo ako, liligawan kita, hindi kita iiwan. Puro salita, ngayon nasaan na? Wala na...
Siguro nasobrahan ako sa pagpapakipot kaya lumamig na siya sa akin. 'Ni hindi na niya ako hinahawakan o hinahalikan man lang!
"Okay ka lang ba?" hinawakan ko ang kamay niyang nakapatong sa lamesa at pinisil.
Umiwas siya ng tingin maging ang kamay niya ay iniwas sa akin.
Mariin akong napalunok. Kinagat ko ng mariin ang labi ko. Ramdam ko ang pagtambol ng sunod sunod sa aking dibdib.
Mukhang may kutob na ako...
"Kailangan kong umalis," malungkot ang lumabas na tono sa kanyang boses.
Hindi nga ako nagkamali.
Tumirik ang kilay ko sa sinabi niya.
"M-Magbabalik sundalo muli ako. Tutal naman nag-aaral ka pa-"
Gusto kong lamutakin ang mukha niya sa inis at kurutin ng pino sa utong!
Nasaan 'yong sinabi niya na hindi niya ako iiwan? Na hindi niya ako hahayaan na mag-isa dito sa syudad?
Nasaan na ang mga pangako niya?
Hindi na naman ba matutupad?
Tahimik ako at pilit na itinikom ang bibig kahit gusto ko ng mag-bratatatat sa harapan niya.
"Kailangan mo akong intindihin, Isay." mahinahon niyang wika nang matunugan niyang hindi ako kikibo.
Gusto kong isumbat sa kanya ang pag-iwas sa akin dati ng halos walang pasabi nang dalawang buwan. Gusto kong ipamukha sa kanya kung gaano ko siya kamahal... na kaya kong maghintay... na hindi ko kayang mawala siya.
Siya naman lagi ang nang-iiwan sa akin. Siya naman lagi...
Tunay nga ang napansin ko sa kanya noong mga nakaraan na araw.
Nagbalik siya sa pagiging multo sa buhay ko. Nagpaparamdam, pero hindi mo madama. Susulpot at bigla na namang mawawala.
Tangina.
"Isabella..."
May kumawalang buntong hininga sa akin, mapapansin doon ang bigat na dinadala.
"Paano na 'to?"
Nangunot ang noo niya.
"Buntis ako, Lean."
Nakita ko ang panlalaki ng mata niya. Umiling siya at yumuko. Anong ibig sabihin ng ekspresiyon niyang iyon?
"Isay, hindi pwede..."
Tila may bombang sumabog sa aking pagkatao.
Punyeta!
BINABASA MO ANG
Ghostly
FantasyHanda ka bang isuko ang bataan sa isang estranghero na hindi mo magawang makita o mahawakan man lang?