Chapter 05. Hubad na Katotohanan! (edited)

41.8K 583 48
                                    

Wednesday.

MUP - Room 261.

11:36 am

Eleonor Malicsi Dimaculangan

Sa buhay ngayon maigi ng maging praktikal. Dapat marunong tayong humarap sa mapait na reyalidad ng buhay. Matagal ko nang alam na hindi lahat ng tanong sa mundo ay may kasagutan at karamihan naman sa mga kasagutan ay wala naman talagang kinalaman sa mga tanong.

Kesa pahirapan ko pa ang sarili ko sa kakatanong kung bakit ko nga ba hinalikan pang muli ang lalaking 'yun. Mas maigi pang magpatay malisya na lang. Kita niyo na sinasabi ko? Tayo lang din naman kasi ang nagbibigay ng problema sa ating mga sarili. Kaya tularan niyo na lang ang isang kagaya ko. Wala na akong balak pang pahirapan ang sarili ko. Para sa akin bali wala na ang halik na 'yun! Wala na rin naman akong magagawa, nangyari na ang dapat na mangyari. Wag nang problemahin pa ang mga maliliit na bagay na kagaya nun. Sapat na sa aking naka-ganti ako! Haha.

Hay, kung merong mga tanong na walang sagot syempre meron ding mga katanungan na walang kakwenta-kwenta -- kagaya na lang nito:

"Ms. Dimaculangan! What can you say about the picture?"

Oh 'di ba? Ako nanaman ang nakita ng prof namin sa Business Management. Actually, naramdaman ko ng ako ang pagi-initan niya dahil halos kalahating-oras akong late sa klase niya.

As usual, nahuli nanaman ako sa pag-gising, at saka hindi ko naman kasalanan kung sobrang trapik papunta dito sa MUP.

Halos parang zombie na ang buong klase dahil sa takot dito sa prof namin. Ayaw kasi niya ng maingay, at ayaw niya lalo sa mga estudyanteng nakangiti o nakatawa. Ito na ata ang pinaka masokista naming prof dito sa accounting program, matandang dalaga kasi. Gustong-gusto niyang pinapahirapan kaming mga estudyante niya. Kulang na nga lang ata na ipagbawal niya ang paghinga sa loob ng klase!

Napakamot ako ng ulo at tumayo para sumagot. Diyos ko naman 'di ba? Kahit naman grade 1 alam ang sagot sa tanong na 'yan! Yung picture lang naman kasi sa screen ay isang dosenang itlog na naka-lagay sa isang basket tapos sa gilid nito ay isang malusog na inahin.

"Again, Ms. Dimaculangan! What can you say about the picture?"

Tinignan ko pa ng matagal 'yung larawan. "Uhm," Kunwaring nagi-isip pa ako. "Simple lang po, ma'am, alagaan ng maigi 'yung manok para mangitlog nang mangitlog!" Talagang sobrang confident pa ng pagkakasagot ko.

"Wahahahahaha!" Biglang naghalakhakan ng malakas na malakas ang buong klase. At talaga namang nanguna sila Japo at Borge sa pag-tawa. At si Max? Oo, 'yung kababata kong si Darren Max Sanchez, na siyang naka-upo lang sa tabi ko ay napailing at nangaasar na napangisi sa akin. Halatang nawala 'yung antok niya, kanina kasi halos humiga na siya d'yan sa upuan niya. I scowled at him, gusto kong sabihin sa kanya na mabuti pang bumalik na lang siya sa pag-tulog niya.

Nabasag ang nakakabinging katahimikan. Napakamot ulit ako sa ulo. Bakit, tama naman ako ah? Ito talagang mga kaklase ko, syempre paano mangingitlog ng marami ang manok kung hindi mo ito aalagaan ng mabuti?

'Di ko alam kung anong mali sa sinabi ko. Ano ba naman kasi ang koneksyon ng mga itlog sa Business Management hindi ba?

"KUWAYET!" Sigaw ni Ma'am, 'yung mga kilay niya na laging magka-salubong ay mas lalo pang nag-salubong. Parang naging super saiyan si Ma'am sa galit. Nanahimik agad ang mga kaklase ko at muling nabalot ng katahimikan 'yung classroom. "Are you really testing my patience, Dimaculangan?!" Shit! Galit na talaga 'yan, nawala na 'yung miss sa pangalan ko eh. "GET OUT OF MY CLASS!"

"Po?" Mahina kong tanong. Sabi ko na eh, mapapalabas nanaman ako!

"GET OUT!" She screamed. Naglabasan na 'yung mga ugat sa lalamunan niya.

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [ 1 of 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon