Eleonor Malicsi Dimaculangan
Right that very moment, parang gusto kong sumigaw at sabihan si Sef ng, UWI MO NA ULIT AKO SA INYO OH!! BALIK NA LANG TAYO, PLEASE??
Ahy, shocks, nawili ka Ellie?? Hahaha. Oi hindi aa... Mas okay na sigurong bumalik sakanila kesa harapin ang angkan ng mga Malicsi. Pramis! Hindi niyo kilala yang ankan kong yan... lalo na yang Tito ko! Nakuu, hindi niyo na itatanong ex-marine kasi yan. Tapos yang tita ko, yan ata ang reyna ng majong sa village nila. At yang pinsan ko? Ayan ang head ng frat - Frating Gutom!! At yang isa ko pang Tito? Nakuuu, yan ang kapitan ng mga sunog baga sa barangay nila! Haha. Naiimagine ko na nga ang sasabihin sakin ng mga Tito’t Tita ko. Alam ko na kung anong naghihintay sakin kapag bumaba ako ng kotse ni Sef.
Dios mio, dealth penalty na ito!! Wahahahaiii...
Parang mas okay pang lumipad papuntang Libya at maki-gyera dun kesa harapin ang hatol ng mga kamag-anak ko!! Bakit ganun? Isang gabi lang naman ee, atchaka... ngayon lang naman ako hindi nakapag-paalam. ATCHAKA WALA NAMANG NANGYARI!!! Sayang nga ee. Hahaha. Ee di kung ayaw nilang maniwala sakin, fine, ee di IPAKASAL na nila kami nitong si Sef!! Hahahaha. Ee di naging pabor pa saming lahat yun? Malalahian kami ng Monteverde. Kahit ilang Sef junior pa hilingin nila sakin ee okay na okay!! Buwahahahahaha.
Oo nga nuh, bakit hindi ko na lang yayaing mag-pakasal saken si Sef ngayon? Para hindi na nakakahiyang humarap sa pamilya ko.
TOINKS!! Lechugas ka talagang babae ka. Kung anu-ano pang iniisip mo!! As if naman, he’d agree. Atchaka, hellow?? Never mo kayang pinangarap na mag-propose sa lalaki!! DUH!! Magtatalon pa yan sa tuwa at wala nanamang katapusan sa pang-aasar!!
I took a deep breath. Kaya mo yan Ellie!! Sabihin mo lang ang totoo, siguradong maiintindihan naman nila ee. When I turned to look at Sef para sana mag-paalam, nakababa na siya sa kotse at nag punta sa may pintuan ko para pagbuksan ako.
Wala na kong nagawa as he opened the door for me. Dahan-dahan akong bumaba, I must be looking pale already. Ng bigla ba namang...
“SSSEEEEEEEEEFF!!!” It was the usual deafening scream of Ate Karla that greeted us. Tumakbo siya papalabas nung gate sabay yakap ng mahigpit na mahigpit kay Sef. Remember, kaya nga Yakap-sul tawag ko sakanya?? Haha. Ngayon na-experience na din ni Sef yung feeling. “Kamusta ka na? Mas lalo ka atang guma-gwapo aa?”
Sef only smiled shyly. “Okay lang. Nothing changed, really.”
Napataas ang kilay ko. That was the last thing I was expecting. Ang warm welcome na kagaya ng kay Ate Karla. Akala ko pa naman tutuhugin na nila ko agad.
WTH... Masyado pala akong napa-paranoid that I didn’t notice na busy pala ang lahat ng mga kamag-anak ko. Mga tito’t pinsan ko binubuhat yung karaoke na ni-rent pa nila sa barangay. Mga tita ko naman, busy sa pagaasikaso nung mga nilulutong inihaw. May mga lamesa’t mono blocs na naka setup. Naka-maximum yung volume ng speakers namin na ang tugtog ee mula pa sa 70’s. Siguradong si Tita Lory nanaman ang nagpatugtog nun. At syempre hindi mawawala sa picture ang mga chikiting na takbuhan ng takbuhan kung san-san.
AND THEN REALITY HIT ME!! OH SHEET!! December 24 pala ngayon... Christmas Party ng angkan ng mga Malicsi!!!! Nakatulog lang ako kela Sef at andami ko ng nakalimutan!!
Napatigil ang mga Tito at mga pinsan ko… All eyes were on Sef, who seemed very at ease. “Hello Good morning.” Sef waved a hand & gave them his killer smile.
“YYYAAAAAAAAAAAH!!” Excited na nag tilian yung mga babae kong pinsan at agad na pinalibutan si Sef.
“Ako nga pala si Mae.” Agad namang inabot ng pinsan kong si Mae ang kamay ni Sef para makipag-shake hands.
BINABASA MO ANG
LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [ 1 of 2 ]
RomanceHaving a bad day? This is a light rom-com that will surely put a smile on your face. Enjoy & have FUN! :) PS. This novel has violated all the rules of grammar in all possible ways, and the author is already aware of that. ;) © Elliedelights