Eleonor Malicsi Dimaculangan
Parang… parang…fairytale.
Wow. Yan na ata ang pinaka weirdest na nasabi ko!! TOINKS. Pinaka na nga, weirdest pa.
Ellie, hello… you don’t believe in fairytales!! I know… kaya nga ‘parang’. I mean nakaka in love kasi yung lugar… as in yung lugar, not the person I am with okay? Tapos… uhm, Sef and I were just walking around, talking about random stuffs tapos si Chow-Chow naka buntot lang samin… Somehow… everything… just feels right… seems right…
Para bang sana, wag ng matapos toh… haha. Ano yan? Lalakarin niyong dalawa ang buong hacienda ng Tita ni Sef?? Kontrabida ka talaga Ellie!! Ngayon lang ata ako nakaramdam ng ganito… yung parang hindi matapos-tapos yung ikikwento ko sakanya… parang, kahit magdamag kaming mag-usap… o kaya kahit… tahimik lang naming libutin tong hacienda, okay lang… Sheet Ellie. And weird mo talaga!! Epekto ng mapait na lunch?? Kinikiliabutan ako sa mga sinasabi mo ee!!
Pero… Hm. Fairytale huh. Siguro para kaming Shrek. Teka, fairytale ba yun? Chaka, ang ganda ko naman para maging ogre. Sige na nga, hmm… Frog and the Princess na lang. I remembered my dream last time. Yung naging isang malaking giant na palakang Sef si John Lloyd? Haha. Yung malaking berde na palaka na fresh pa from putik… Kikiss ka dun Ellie? Ew. Eerrr… Beauty & the Beast na nga lang. Syempre si Sef yung Beast!! Perfect. Hahaha. At ako si Beauty?? Ew. Di bagay. Parang kabayo ang dating. Beauty.
Shocks kung anu-anong naiisip ko. Pa fairy-fairytales ka pa kasing nalalaman. Ano yan, kayo si Romeo at Juliet?? Ellie, umayos ka!! U-MA-YOS KA!! Oo, oo… alam ko… haha. Gusto ko lang naman i-enjoy ang araw na toh lalo na’t… LAST NA TOH!! As in huling Sabado na. Haha. Pagkatapos ng araw na toh… Tapos na lahat… tapos na ang lokohang ito… tapos na ang LARONG ito… ang pustahan lang naman na to ang siyang dahilan kung bakit ko pinagtiya-tiyagaan ang lalaking ito ee. Ows, kaya pala ayaw mo ng matapos ang paguusap niyo?? Hmp. SHATTAP!!
Sef took me near the lake. “This is my most favourite spot.” He opened his arms wide na kala mo pwede niyang yakapin yung lawa.
Dinala niya ko sa isang malaking puno na merong nakasabit na malaking duyan na gawa sa banig!! Agad ko namang inangkin yung duyan, humiga ako dun na kala mo ako si Cleopatra.
WOW!! This is what I’m talking about!! Super relaxing… okay talaga dito. Kahit ata tawasin ako ni Sef parang ayoko ng umuwi. Okay naman sakin kahit araw-araw ko pang kainin mga luto ni Tita Yolanda. Umaga, tanghali, hapunan. Teka, diba nakakababa ng dugo ang mapapait? Hindi kaya mawalan ako ng dugo nun??
Sef then took a seat sa may paanan ko. “Grabe,” he said, looking at my…WAIST!! Na-conscious tuloy ang lola niyo. Kita mo toh, lumalabas nanaman ang pagiging manyak niya. “San mo ba nilalagay ang lahat ng kinakain mo?”
Natawa ko sa tanong niya. I grinned sheepishly at him. “Bakit, sexy ko nuh?” Sabay tawa ng malakas.
“Pwede na din.” He made a face of slight disappointment. “But still,” He smiled at me, umiiling. “…definitely stillnot my type.” Ah, ang kapal!! The nerve!! Ggggrr… Feeling naman niya type ko siya!! Kahit maghubad siya sa harap ko, hindi ko pagiintresan ang katawan niya. Ows, talaga lang Ellie aa? Baka kainin mo yang mga sinabi mo!! Hahaha. Ehm, ok… sige na nga, slight lang.
“Pero, serious question, Ellie…” Nakangiti pa din siya, but there was a different spark in his eyes when he looked at me. Like he was… serious. Yeah, tingin pa lang yan and it made me blush a little. Sheet. “Just, curious… Tell me, na… na inlove ka na ba?”
BINABASA MO ANG
LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [ 1 of 2 ]
Roman d'amourHaving a bad day? This is a light rom-com that will surely put a smile on your face. Enjoy & have FUN! :) PS. This novel has violated all the rules of grammar in all possible ways, and the author is already aware of that. ;) © Elliedelights