Dismissal
MUP FieldEleonor Malicsi Dimaculangan
Tahimik lang akong naka-upo sa may bandang itaas ng bench ng MUP field habang pinapanuod ang practice game ng football team ng mga kalalakihan, syempre with matching chips pa kong kinakain. V-Cut Sweet Chili flavour.Favorite ko!! Haha. Na-miss ko toh. Na-miss ko ang MUP. As in, sobra. Mga prof ko lang naman ang hindi ko kailanman mamimiss!! Haha. “Sige, dali!! GOAL!!” I cheered at saktong tinira ni Nico yung bola and it flew and went pass the keeper. “YES!!”
Haaaiiii… I gave a long, deep sigh. Alam niyo, simple lang naman talaga ang buhay ng tao ee… yun nga lang minsan tayo na lang mismo ang nagpapa-komplikado. Siguro iniisip niyo, duwag ako dahil ayokong harapin ‘tong nararamdaman ko. Pero hindi naman siguro masamang isipin ang magiging epekto kapag kumain ako ng LECHONG BABOY hindi ba? Syempre, baka mamaya ma-high blood pa ko, sasama pakiramdam ko at makakaapekto pa sa kalusugan ko. Oh diba? Haha.
Atchaka siguro… nagpapaka-totoo lang ako. Alam ko namang wala ‘tong patutunguhan. Siguro, ayoko na lang ding ma-ulit yung nangyari nun sa Tita ni… he-who-must-not-be-named. So, naging mala-Lord Voldemort na si Sef ngayon? I mean, mas okay na yung ipamuka ko sa sarili ko yung katotohanan kesa sa ibang tao ko pa marinig. And besides, tumatak ng husto sakin yung mga sinabi ni Tita Yolly.
Hindi ko minamaliit ang sarili ko. Hindi ako nagpapa-api… AKO PA!! Palaban ata toh!! Yun nga lang, minsan… syempre… alam ko naman kung pano at saan ilulugar ang sarili ko.
Kaya nga, ginagawan ko na ng paraan ito para hindi na maging KOMPLIKADO pa ang lahat… marami pa kong mas maiging dapat pinu-prublema’t iniisip… at marami pang mas importanteng bagay na dapat kong pagtuunan ng pansin… kagaya ng FOOTBALL na toh!!
“GO NICO!!” I screamed, kahit ako lang tong mag-isang nanunuod nung practice game. Kumaway sakin si Nico and beamed a smile of recognition… tapos bigla kong naalala nung si Sef yung naglalaro… nung niyaya siya ni Nico na sumali… That was when Sef took off his shirt for all the MUP students to see… WWWAAAAAAAAAAHHH!! TOINKS!! Errr… Ehem. Ehem. Nabulunan tuloy ako!! I coughed hard, deym, wala pa naman akong dalang tubig… tae ka naman kasi Ellie ee… kung anu-ano pang iniisip ko!! Animales ka talaga kahit kelan!!
“Drink this.” May kamay na nag-abot sakin ng bottled-water. Kinuha ko naman at ininom ito. Haaiiii… buti na lang may mabuting anak ng dios na naisipang bigyan ako ng tubig “Salamat.” I said ng nahimasmasan na ko, pero parang kamuntik ulit akong mabulunan dahil paglingon ko… It was HE-WHO-MUST-NOT-BE-NAMED ang siyang bumulaga sakin!!
Oh Lord, parang gusto kong maging invisible na lang dun sa kinauupuan ko!! Parang may sumipa sa puso ko at naka-GOAL!! Pakiwari ko magiging isang malaking kamatis na yung ulo ko sa sobrang pula. I wasn’t expecting to see HIM, of all people. Ngayon na lang ulit kasi kami nagkita matapos yung…nakaraang Sabado.
He gave me his usual smile. Buti pa siya… buti pa talaga siya… WALA lang sakanya ang lahat… kaya he could act normal… pero ako?? Pano na ko?? Kaya mo yan Ellie!! Kaya mo yan!!
“Oh, uminom ka pa!” Binibigay niya ulit sakin yung bote ng tubig. “Mukang di ka pa okay. Your face is all red.”
“Ah, hindi… o-okay na ko.” I told him, giving him a weak, awkward smile sabay pinalo ko ng dalawang kamay ko ang magkabilang pisngi ko. Napataas tuloy ang kilay ni Sef sakin as I scooted away from him, masyado kasi siyang malapit. Lord… tulungan niyo ko!!
“Here.” This time, inabutan niya ko ng bag ng Burger King. Naamoy ko agad yung maini-init pa na French fries chaka yung Bulgogi na favourite ko. Pero tinitigan ko lang yung plastic. “Ha?” Grabe Ellie, kelan ka pa naging ganyan ka-slow??
BINABASA MO ANG
LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [ 1 of 2 ]
RomantikHaving a bad day? This is a light rom-com that will surely put a smile on your face. Enjoy & have FUN! :) PS. This novel has violated all the rules of grammar in all possible ways, and the author is already aware of that. ;) © Elliedelights