Chapter 15. Black Sando, Black Baller.
Saturday.
10:15 AM
Ang sarap-sarap pa talaga ng tulog ko... actually, kung hindi tumalon sa kama ko sila Borge at kung hindi nila ako pinagpapapalo ng unan mga mamayang hapon na dapat talaga ako gigising ee.
Borge: Oi, ELLIE!!! Gumising ka na... gising na lahat ng mga manok dito sa Tagaytay!!!
At bigla ba namang nagsabay-sabay silang...
Borge, Jill, Sara at Meg: ELLIEEEEEEEEEEE!!!
Ellie: Arrrgh... (tinakpan ko pa ang tenga ko ng unan)
Unang-una sa lahat, napaka sarap kasing matulog dito sa kwarto namin, ang lamig-lamig ng aircon... balot na balot ako ng kumot... sorry naman hindi kasi sanay ang balat ko sa mamahaling hangin... sanay lang kasi to sa electric fan. haha. Atchaka, nakakatamad pa talagang bumangon, ikaw ba naman diba mapuyat ka sa hanggang alas tres ng madaling araw na GIRL TALK... punyemas... at lalong napatagal ang kwentuhan ng nasabi ko yung dramang nangyari samen ni Sef kagabi... hindi na tumigil sila Borge kakaasar... hindi na nila tinantanan yung jacket ni Sef. At hindi nila ko tinantanan na humingi nga daw ako ng sorry kay Sef.
Hinaltak na ko ni Borge patayo ng kama.
Sara: Come on, Ellie!! Hinihintay na tayo ng breakfast naten!!
Jill: Tara na dali..
Kahit si Jill nakihaltak na din saken...
Ellie: Okay. Okay. Babangon na ko!!!
So, lahat sila nakaligo at nakabihis na... samantalang ako... naka pajamas pa din at... t-teka... suot-suot ko pa din yung jacket ni Sef!!! Oo nga pala napaka lamig kasi sa kwarto namin kagabi... hindi kaya nung kumot kaya... wwwaaaahhh... sandali... hatak-hatak na ko ng mga babaeng toh sa may hallway... papunta na kami sa may plenary hall kung saan napaka raming pagkain ang naka hain dun sa isang corner... buffet ang style...
Pagpasok namin, yung boys agad ang bumulaga sa amin... hindi ako makatingin kay Sef... parang gustung-gusto ko ng hubarin yung jacket na suot-suot ko... SHEET!!! ANO BA NAMAN KASI TONG PINASOK KONG SAKIT SA ULO???? PUNYEMAS!!! Kaya mo yan Ellie... bakit ba??? Wag kang papaapekto!! Si Sef lang yan!!! HMP!!!
Japo: Oh, good morning girls!!! (Sabay akbay saken) Ganda ng jacket mo aa? hahaha...
Ellie: (Tinignan ko siya ng masama) Pakyu!
Max: Oi (binatukan si Japo) Delikado yan. Mas maigi ng asarin ang lasing kesa sa bagong gising!!
Japo: Ahh. Ganun ba? Haha. Sige sige. Mabuti pa nga umalis na ko. (biglang lumayo na saken)
Borge: Oh, ano pang hinihintay naten??? TARA NA. Kain na tayo.
Pumila na kami isa-isa... may waiter na nakatayo dun sa corner, siya yung nagaabot nung mga plato. Mejo wala pa ko sa wisyo ko ee... kaya tatamad-tamad akong sumunod sa pila kay Jill. At pagabot ko nung plato na inaabot nun waiter, nagkasabay kami sa pagabot nung taong nasa likuran ko...
Ellie: Sorr-- (at pagtingin ko... FOCKER!!! SI SEF PALA!!!!!)
Parang nawala antok ko ee... para kong tumira ng isang baldeng kape ng biglang bumilis yung tibok ng puso ko... gising na gising na yung diwa ko... binitawan niya yung kamay ko at hinayaang ako na ang mauna dun sa plato...
ARGH!!! NGAYON KO LANG NARANASAN ANG GANITO... SWEAR!!! FIRST TIME!!! Oo, sige, marami na akong nakaaway sa buhay ko... mga babae, mga lalaki... pero... lahat yun kahit alam kong ako may kasalanan BANGAS lang ang katapat nila at sila na tong hihingi ng sorry saken at tatawanan ko lang sila... kasi walang epekto saken mga sorry nila kahit maglumpasay pa sila jan... pero ito... itong amin ni Sef??? IBA EE... pakiwari ko... ako tong ubod ng sama... tapos yung sagot pa niya... SHEET TALAGA... at higit sa lahat... wala siyang karapatang sabihin saken na isa akong PALAISIPAN sakanya... dahil MAS MALAKI SIYA PALAISIPAN SAKEN!!! Napaka hirap kaya niyang ispelengin!! Taeee... siya kaya iluto ko at gawin kong almusal??? Kinuha ko yung plato and shoved it at his chest.
Ellie: SAYO NA!!! (pagalit kong sinabi)
Halatang nagulat siya sa biglaan kong ginawa sabay kuha pa ng isa pang plato dun sa waiter at tinalikuran ko na lang siya basta... GGGGrrrr... nakakainis siya!!!! Papano niyang nagawang baliktarin ang mga pangyayari??? Papaanong ako pa tong may pakiramdam na ubod ng sama ng ginawa ko??? Ee siya nga tong dapat na nag-sorry sa unang-unang beses pa lang ng pagkikita namin!!! Aba, hindi siya ang nanakawan ng halik... AKO!!! Tapos ngayon, dahil lang sa nasabi ko kagabe... dahil lang sa mga katagang yun... siya na ang BIKTIMA???
Dali-dali na kong kumuha ng pagkaen ko... nawalan nga ako ng gana ee... konti lang tuloy yung nakaen ko, mga 5 hotdog, 2 itlog, nag fried rice din ako, 2 tinapay, 2 ham, nag-bacon nga din ako ee chaka hot cake... tsk... nawalan talaga ko gana... kawawa naman ako!!! Biwisit tlaga sa buhay yang Miguel Josef Uy Monteverde sa buhay ko!!!!
Pagkakaen namin, dumiretso na ko sa kwarto para makaligo at makabihis... sila Borge, may balak nanaman ata mag-swimming... pero si Sara nagyayang maglibot siguradong papayag agad sila Max dun.
Pagkatapos kong magbihis, inayos ko yung jacket ni Sef at ipinatong sa kama ko... ibabalik ko yan sa kanya... oo, mamaya!!! Lechugas kasing lalaki – este bakla - yun!!! Ang sakit-sakit niya sa ulo!!! Sus, alam mo naman kasing pusong mamon din yun tapos pinatulan mo pa!!! Napaka bait din naman ng konsensya ko ano? Hindi naman niya pinamumukang KASALANAN ko talaga yung nangyari kagabe...
Naglalakad na ko sa hotel, hinahanap ko sila Borge... Asan nanaman ba yung mga yun??
Mga sampung minuto na kong naghahanap, nasuyod ko na nga ata buong hotel ee pero hindi ko sila makita. Napadpad ulit ako sa may basketball court... at napansin kong... may grupo ng mga kalalakihang naglalaro.
Hay naku, siguradong babayaran niyo ko para lang mapunta sa pwesto ko ngayon!!! Biruin mo ba naman ang mga kalalakihang ito ay yung mga guests sa hotel... mga kutis mayayaman... naku kahit sino madapuan ng mata ko gwapo ee.... mga tipong ka-uri ni Miguel Josef Uy Monteverde. Napalunok ako... teka lang... easy lang kayo... feeling nyo naman sila dahilan kung bakit ako nanunuod ngayon?? Diba mahilig ako sa sports!! Kayo talaga!!! Gusto ko lang manuod nung LARO nila... hindi naman dahil sa napaka CUTE nung naka jersey na kulay blue... at mas lalong hindi dahil dun sa isang semi calbo na walang suot na t-shirt na may hawig kay Derek Ramsey!! Hahaha.
Awww... biglang dumapo ang mata ko sa isang lalaking nakatalikod, naka plain black siya na sando tapos may suot-suot siyang black na baller... ito talaga napalunok ako at halos pagpawisan... GRABEEEEE... LIKOD PA LANG... PAMATAY NA!!! Ehem... ibig kong sabihin magaling siya maglaro aa... Ehem... pero swear kapag yan kinausap ako... papakamatay na ko sa saya!! Haha...
Naka-glue na yung mata ko sakanya – dun sa lalaking naka black na sando na may black na baller – hawak na niya yung bola at tinaas niya yung kanang kamay niya habang nagdidribble, sumesenyas siya sa mga kagrupo niya na iiscore sila. Tapos... dinikitan siya nung isang binatang naka yellow na jersey, binabantayan siya... titig na titig na ko... waaaahhh... ang HOT talaga ng mga lalaking naglalaro ng basket--- nanlaki mga mata ko yung naka black na sando na may black na baller ee biglang pumaikot habang dinidribble yung bola para malagpasan yung nagbabantay sa kanya... AT NAPANGANGA NA LANG AKO NG MALAMAN KO NA YUNG PINAGPAPANTASYAHAN KO NA NAKA BLACK NA SANDO NA MAY BLACK NA BALLER EE WALANG IBA KUNDI SI MIGUEL JOSEF UY MONTEVERDE!!!!!
To be continued.
BINABASA MO ANG
LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [ 1 of 2 ]
RomansaHaving a bad day? This is a light rom-com that will surely put a smile on your face. Enjoy & have FUN! :) PS. This novel has violated all the rules of grammar in all possible ways, and the author is already aware of that. ;) © Elliedelights