LOVE-NAT: isang makulit na lovestory!
by: ElliedelightsChapter 01. Potchi is the Word!
Hindi biro ang buhay college. Hindi biro ang umupo ng walong oras sa loob ng classroom at magmuni-muni at magkunwaring nakikinig sa mga propesor. Hindi biro ang tuition fee na binabayaran ng mga magulang ko pang-kolehiyo ko. At higit sa lahat, hindi biro ang kumopya sa accounting quiz na siyang sinasagutan ko ngayon! Bawat numero. Bawat puntos. MAHALAGA!
Kaya nga dito sa kursong nakuha ko - B.S. Accounting - tatlong bagay lang naman ang kinakailangan mo para mabuhay:
1.) Calculator na hindi nauubusan ng baterya
2.) Mga butihing kabarkada na handang ibigay sa'yo ang sagot sa kahit anong paraan! Wala dapat iwanan! Score ng isa, score dapat ng lahat!
3.) And last but not the least, a pair of trained eyes para makita ang mga sagot kahit gaano pa ito kalayo!
Kung wala ka ni-isa sa mga ito. Ha. Good-bye! Ika nga nila, "No man is an island!" At sinasabi ko na, take it from someone na nabuhay at nakaabot na ng 4th year dahil sa tatlong bagay na 'to. Hinding-hindi ka tatagal sa kolehiyong ito kapag nagiisa ka lang.
Pero minsan talaga hindi maiiwasang magkalimutan. Talagang kinakailangan ko pang sipain ang upuan ng bestfriend kong si Borge na siyang naka-upo sa harapan ko.
Sino ba naman ang hindi matataranta? Halos forty-five minutes na ang nakakalipas at blangko pa rin yung papel ko. Bukod sa isinulat kong pangalan ko, wala na kong iba pang maisagot.
Animales talaga 'tong si Borge oh! Kapag ako na-zero sa quiz 'di ako magdadalawang-isip na igapos siya sa riles ng train papuntang Busan. Haha.
Ilang minuto pa at pasimpleng lumingon sa'kin si Borge. Ayan na! Sa wakas! Anakshuta 'yan! Kala ko tuluyan na akong nakalimutan ng babaeng 'to eh.
Pumindot na si Borge sa calculator niya na sobrang laki ng screen. Tipong kahit nasa dulo ka ng classroom, kitang-kita mo pa rin yung mga numero.
Tumingin muna ko sa direksyon ng prof namin na siyang nag-babasa lang ng MUP paper. Area's clear!
Sabay tingin sa calculator ni Borge. Una niyang nilagay ay 1. Ibig sabihin question number 1. Tapos sumunod ay 950,000 na siyang sagot sa nasabing numero at dire-diretso na ang ritwal naming dalawa. Ita-type muna niya yung question number tapos yung mismong sagot!
Oh 'di ba? Creative? Anong say niyo? Naisip ba yang gawin ni Einstein noon? Kahit nga si Newton o kahit sino pang genius yan siguradong walang magagawa sa iba't ibang style namin ni Borge sa pangongopya! Haha.
Teka, baka naman isipin niyo B.I. na kami niyan! Naku hindi naman namin masyadong gawain ito. Medyo-medyo lang.
Basta kami ni Borge ang pagtatabihin niyo, asahan niyo na -- asahan niyong wala kaming gagawing matino. Haha.
Sa totoo lang meron akong reputasyong iniingatan dito sa Matute University of the Philippines. Lagi talaga kasi akong napagkakamalang tomboy. Lalo pa at saksakan ng iksi ng buhok ko. As in, short hair (literal na boy cut), tapos ni wala pa kong kaarte-arte sa katawan. Kahit mangisay ka sa harap ko, di mo ko mapapasuot ng bistida o palda. Ultimo bag ko pang lalaki - bag pack.
Pagkatapos kong makuha 'yung sagot para sa last na number, pinasa ko na lang agad yung test paper ko. Wala nang re-check re-check.
"Ms. Dimaculangan, mukhang nadalian ka ah?" Bati sa'kin ni Sir. Syempre ngumiti na lang ako. Hindi niya alam na ang lubos kong pinag-aralan kagabi ay kung ano cheating arrangement namin nitong sila Borge at kung anong pinaka madaling paraan para makakopya! Haha.
BINABASA MO ANG
LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [ 1 of 2 ]
RomanceHaving a bad day? This is a light rom-com that will surely put a smile on your face. Enjoy & have FUN! :) PS. This novel has violated all the rules of grammar in all possible ways, and the author is already aware of that. ;) © Elliedelights