Chapter 43-3. Suntok sa Buwan!

22.8K 278 22
                                    

Sometimes, life can really take us by surprise…

Sef opened his bag na kakakuha lang niya ke Japo. He needed something to distract him… The moment na nasilip niya ang laman ng bag niya… there was this odd looking notebook that stood out, he was sure it doesn’t belong to him. Kay Japo kaya? But then, hindi uso ang notebook sa isang kagaya ni Japo.

Sef took out the said notebook, suddenly curious kung kanino ito. Walang pangalan, ni walang section na nakalagay. He scanned the first few pages, mga accounting notes, puro numbers na wala namang saysay. Just by looking at the handwriting, Sef suspected that the owner is probably a lady. Sef thought na kahit nga ata yung may-ari nito hindi maiintindihan ang sariling notes. Tapos bawat page pa ee puro may doodle ng dahon, ng spiral, ng zigzag at ng kung anu-ano pang shapes. Ni wala na sa linya yung mga numbers, para bang scratch paper ng solutions ng tamad na estudyante. Until sa mga sumunod na pages, hindi na notes ang laman nito… nagmistulang listahan na ito ng mga pagkain. Drawing ng burger, ng coke, ng fries… and for some unexplainable reason… this reminded Sef of… Ellie.

“Tsk.” He grunted. Throwing the notebook on the foot of his bed. Hindi niya namalayan yung yellow pad na lumabas mula dito, and the letter landed underneath the bed – completely unnoticed.

Eleonor Malicsi Dimaculangan

Kung pwede lang talaga, gugustuhin kong maglaho na lang bigla!! Four days na ang nakakalipas, but I’m still nervous as hell, I couldn’t think of anything else besides that letter… and Sef. Yung parang kahit anong gawin ko, kahit anong pagkain pa nasa harap ko, kahit ano pang movie ni John Lloyd Cruz ang panuorin ko, papasok at papasok pa din ito na parang naka-TATOO na sa isip ko. Hindi lang basta henna tattoo, permanent ink na talaga!!

Gaaah, nabasa na kaya ni Sef? Ano kayang itsura niya habang binabasa? Nanghihina ako sa mga sarili kong tanong. I could imagine Sef na teary-eyed sa kakatawa. I could clearly hear his laughter in my head, so vivid and lucid as though anjan lang siya sa tabi ko.

NGAYON KO LANG NAPAHIYA ANG SARILI KO NG GANITO!! Dios ko, may reputasyon akong inaalagaan!! At dahil lang sa iisang papel, masisira yun!! Sheet tlga. Sheet na sheet!!

Dios ko, ano ba naman kasi tong napasok ko?? Bakit ba umabot pa sa ganito Eleonor?? Gggrrrr… hindi ee, kasalanan toh ni AJ!! Tama, si AJ!! Punyemas!! Lahat na lang ng plano niya PALPAK!! Kung hindi naman talaga niya ko pinagawa nun ee di sana wala na kong pinoproblema ngayon!! RRRRR… KAINIS!! KAINIS!! WWWAAAH, bakit ko ba kasi inilagay sa BAG na yun???

I scratched my head angrily at ng di pa ko nakuntento I covered my face with both hands. Hiyang-hiya talaga ko!! Hindi ko nga alam kung anong dapat kong reaksyon kapag nagkita kami ng gagung yun!! Actually, sa apat na araw na yun, hindi ko pa din nakikita ni anino niya dito sa MUP. Mabuti naman. That’s a good thing right? Or… it means… he’s…

“Ms. Dimaculangan!” Sigaw ng bakla kong professor. I’m probably close to gay people pero isang malaking exception to the rule itong prof kong ito. Galit na galit yan sakin. Ayaw kasi niya sa mga kagaya kong ginagawa lang daw ang mga gusto kong gawin ng walang pakialam kung maganda ba o pangit sa mata ng ibang tao. Yeah, that was how he sees me. Lagi din kasi niya kong nahuhuling naghihikab sa klase niya. Haha. “You seemed very… distracted. Is there anything you might want to share with the class?”

“Huh?” I muttered in confusion. “Wala po sir.”

“So, Ms. Dimaculangan tell me… what word that starts with the letter ‘I’ that is concerned with the processing of raw materials and manufacturing of goods?”

“Uh,” Sinubukan kong mag-isip. “I? Uh…” I looked around the room to scan the faces of my classmates. Hinihintay kong may mag bulong ng sagot. “Starts with the letter I sir?”Tinaasan na ko ng kilay ng prof ko. “I as in…Istablishment?” Bisaya ka man dong? Ee wala na ko maisip, basta daw nag-start sa letter I ee. Naririnig ko ang pigil na pagtawa ng mga kaklase ko.

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [ 1 of 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon