Chapter 43-4. Suntok sa Buwan!

21.8K 293 20
                                    

Nanunuod ng Eat Bulaga si Mrs. Dimaculangan ng may kumatok sa gate. “Pa!” She called to her husband, her eyes still glued on the television.“Pa, may tao!!” Wala siyang balak tumayo sa pagkakaupo niya sa sofa, lalo na’t semi-finals ngayon ng Pinoy Henyo!!

Lumabas si Mr. Dimaculangan mula sa kusina and went outside to check kung may tao nga. Nakilala niya agad yung naka-park na pulang Lancer sa tapat ng bahay nila. Agad niyang binuksan yung gate. “Oh, kumpare, napadalaw kayo? Pasok, pasok.” He invited the guests in with a warm smile. Sila, Mr. And Mrs. Sanchez, mga parents ni Max.

Mrs. Dimaculangan heard the familiar voices outside. She reached for the remote and gradually decreased the tv’s volume. Mrs. Dimaculangan was always fond of Max’s parents, humble kasi sila despite their apparent status at sobrang daling pakisamahan ng mag-asawang yan. Tulad ng samahan nila Ellie at Max, sobrang magkakasundo din ang kanilang mga magulang. “Oh, li’kayo…” Mrs. Dimaculangan opened the door and ushered their guests to come in. “Ano bang aten? Teka, kukuha ko kayo ng maiinom.”

“Naku, mars.” Mrs. Sanchez said upon sitting down. “Wag na. Nagmamadali din kami, actually…” She threw a look on her husband. “… Meron kasi kaming kailangan asikasuhin sa Hong Kong. Biglaan ee.” Her voice was soft as though hiyang-hiya itong magsalita. “Ee, gusto lang sana namin ipakiusap si Darren. Mga apat na araw din kasi kaming mawawala. Walang kasama yung bata sa bahay kung hindi yung bagong maid.”

Napangiti ang mom ni Ellie. They all knew how overprotective Mrs. Sanchez could be, lalo na pagdating kay Max. By the looks of it, ayaw iwan ni Mrs. Sanchez ang anak sa bagong katulong. Atchaka walang ibang pinagkakatiwalaan si Mrs. Sanchez kung hindi ang mga Dimaculangan – lalo na syempre si ELLIE. “Naku, walang problema mars! Si Max pa, ee parang kapatid na din yan ng mga anak ko. Welcome na welcome siya dito!”

“Yun nga din sinabi namin sakanya, pero ayaw naman daw niya. Nahihiya’t baka makaistorbo sa inyo dito.” She slightly frowned as she recalled the argument she had with Max that morning. “Pinagpipilitan niyang kaya niya sa bahay ng mag-isa. Ayaw makinig sakin. Kaya mars, naisip ko baka pwedeng, pasamahan na lang si Darren kay Ellie sa bahay oh. Paki sabi na lang kay Ellie na wag iiwang mag-isa anak ko aa… baka mamaya mapano, at di pa naman masyado kilala yung bagong katulong… atchaka kasi nung isang araw meron daw nag-away na mga binatilyo sa kabilang kanto… ee lalo pa ngayon at nagdadala na ng kotse si Max at madalas ginagabi sa daan… baka kasi…” And she went on with her endless concern with her son. Mejo sanay naman na si Mrs. Dimaculangan, especially when this wasn’t the first time na pinagbilin sakanila si Max.


Your prince will come.
He may not be riding a white horse, or have a big castle.
But he’ll want only you & that will be better than any fairytale.

Eleonor Malicsi Dimaculangan found herself seating alone in Starbucks, playing with the empty glass of Java Chips she just had earlier. Kauuwi lang nila Meg at Jill, since it was starting to rain alam niyang mahihirapang makauwi ang mga ito if they stayed. Si Borge naman sinundo na ni Nico. Dapat sasabay na din siya kela Jill, if only Max didn’t call her up to say na susunduin siya nito. Ellie wanted to object, lalo na’t alam niyang siya lang mag-isa maiiwan dito… and to think Sef and his evil minions were still there as well… but Max sounded so serious.“Umuulan,” He said in his usual domineering voice. “Mahihirapan kang sumakay pauwi. Susunduin kita jan, I’m on my way!” At wala ng nagawa ang dalaga but to wait for him.

Paano ka nga ba titingin without letting her know na tumitingin ka?

Sef noticed na nag-iisa na lang si Ellie. He has been throwing quick glances at her direction, but his glance turned into one long stare. Ellie has her elbow propped up on the table as her chin rested against her hand while she was playing with a straw. Tapos biglang lumingon ang dalaga sa labas, she would look anywhere except at him and that annoyed Sef to no end. It was as if, she doesn’t care whether he was here or not.

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [ 1 of 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon