Chapter 21. Double the Trouble!

26.9K 342 19
                                    

Chapter 21. Double the Trouble!

Wednesday
10:00 am
Classroom

Tinadtad ako ng tanong kahapon nila Borge. Akala mo nasa The Buzz kami ee. Hot seat talaga. Para kong reyna ng showbiz sa tindi ng issue. Kulang na lang ata iprito ko ng buhay nila Borge dahil hindi ko agad sinabi sakanila yung nangyari nun sa Tagaytay. Hanggang ngayon, hindi pa din sila nakontento at paulit-ulit akong tinatanong.

“Ee paano ko nga ikikwento iniwan niyo ko diba?” I told them. At pinakwento nga nila ulit saken ang buong detalye. Wala pa kasi yung prof namin, halos thirty-minutes late na nga ee. At ngayon lang… oo, ngayon ko lang hihilingin na sana dumating na si mam!!

“Aww.” Sara wiped an imaginary tear. “Naiiyak ako. Dalaga na talaga ang Ellie naten.”

I frowned at it. “Joke lang yun ni Sef! Hindi yun totoo!! Ano ba kayo?”

Inakbayan naman ako agad ni Borge. “Ellie, si Sef yun!! Si SEF!! Malay mo, he’s serious about you!”

Serious? Ee hindi ba niya narinig yung sinabi ni Sef kahapon? CLOWN nga daw ako diba? At kelan pa sineseryoso ang mga clown? Hindi ko nga alam kung anong sumapi sa kanya at tinawag niya kong clown!! Ee kung tawagin ko kaya siyang MANYAK sa harap ng lahat ng tao sa MUP? Naku, baka magpa-manyak naman sakanya ang mga taong ito! Haha. Wag na nga lang!

Bago pa namin mapagpatuloy ang usapan na ito… bigla ng dumating si MAM!! Sa wakas!! Finally!! Dumating din ang terror naming prof!!

“Get a one whole sheet of yellow paper!” 
Bungad agad ni Mam. Wala man lang good morning class I’m sorry I’m late!!Tsk. The manners!!

“Oi.” Bulong ko sa katabi kong babae, si Rica. “Penge namang yellow pad.” 

Rica glowered at me, “Ahy sorry!” pero hindi naman parang nagsosorry yung tono ng boses niya. “Ubos na kasi ee!!” Ee isang dangkal pa ng yellow pad yung nasa table niya!!

Usually, mabait naman ang babaing ito saken ee. I should have known… ganito pala talaga kalakas epekto ni Miguel Josef Uy Monteverde sa mga tao!! I gritted my teeth. Sabunutan ko toh ee. Lechugas siya!! Malditahan daw ba ko? Aba. Hindi uubra saken ang mga ganyan!!

“Alam ko na.” I said. “Kaya pala…”

Rica arched a brow at me. “Kaya pala ano?”

“Kaya pala hindi nagkamali si Sef sayo!” I told her. “Ang damot mo kasi!” Sabay irap. Hahaha. Aba hindi ako yung tipong inaapi-api!! Hindi ata niya ko kilala, Eleonor Malicsi Dimaculangan ata ito!!

Wala ng nasabi si Rica. Haha. Tameme siya ngayon! Sus. Para lang sa yellow pad pinapakita niya ang kanyang mabahong ugali!! Hmpf!! Pagumpugin ko pa sila ni Sef ee!!

Si Darren ang nagbigay saken ng yellow pad at nagsimula ng magsulat si mam ng isang katutak na accounting problem sa board. Well, seatwork lang naman daw pala ee, ibig sabihin pwedeng pwede ang kopyahan!! Haha.

Lumipat ako sa tabi nila Japo at Darren kung saan nandun ang sagot. After twenty minutes ng pangongopya ko… kailangan ko munang lumabas ng room. Nasasakal kasi ako ee. Parang iba yung ihip ng hangin dito sa room. Nakaka suffocate.

Ang sasama kasi ng titig saken ng mga classmates ko, it was as if susunugin nila ko!!

Ako kasi yung tipo ng tao na kontento ng tahimik sa isang sulok at walang nakakapansin saken. Ako din kasi yung tipo na walang pakialam sa kung anong iniisip ng ibang tao. Oo, ganon ako… But still I’m not used to the indifference of my classmates!! Ayoko kasi sa lahat yung may nagagalit saken ng ganyan lalo na’t wala naman akong ginagawa sa kanila!!

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [ 1 of 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon