Chapter 45-1. Tequila Baby!

22.4K 275 9
                                    

10:55 PM
Sanchez Residence

Eleonor Malicsi Dimaculangan

I was in an inverted sitting position on the sofa, sa salas nila Max. Imbes na nasa lapag yung paa ko, siya itong nakadantay sa sandalan. Para kong binitin ng naka patiwari, my head was hanging on the edge, habang baliktad akong nanunuod ng TV.

Tahimik ang buong bahay, si Max nasa kwarto na niya, yung bagong maid, mukang nagpapahinga na din. Ako na lang ata ang bukod tanging gising. I flipped the channel and smiled in amusement ng gumana yung remote kahit pinindot ko ito ng nakabaliktad.

Sa totoo lang, I was tempted to go home. Ayoko na sanang mag-stay pa dito kila Max ng dalawa pang gabi… di naman siguro ako papagalitan ni Tita, syempre, anak nga niya itong nangaaway sakin ee. Hmp.

But who am I kidding? Si Max yan! Si Max…

And it was back again, that aching feeling in my chest. It was horribly painful. Sa totoo lang, I don’t feel any hatred or anger towards Max neither for Sef. For truth be told, SA SARILI KO ako naiinis, nagagalit. Wala naman akong ibang dapat sisihin hindi ba? Kung hindi ang sarili ko?

Grabe Ellie, sobrang EPIC FAIL ka!! Parang sa lahat na lang ng bagay, lahat na lang, failed ka!!

Whenever I think about Max… iniisip ko kung ano yung gusto niyang sabihin na hindi niya masabi-sabi, na kailangan pa niyang lumayo sakin? Na kailangan pang maging ganito? Pano kung habang-buhay na kaming hindi magkikibuan? Forever na niya kong hindi kakausapin? Bumigat lalo ang dibdib ko… Max is my older brother, my best friend. Kaya importante siya sakin. Halos buong buhay ko, sinanay ako ni Max na andiyan lang niya sa tabi ko… tapos ngayon? Pag-lumingon ako, wala na siya… 

… Siguro yung hindi niya masabi sakin, yun yung SAMA NA LOOB NIYA na naipon all these years. Siguro nga, I must have taken him for granted. Lagi ako nagpapalibre sakanya, lagi ko siyang inuutusan, lagi ko siyang inaaway… parang lahat ng masasamang ginawa ko ke Max ee pumasok sa isip ko.

And Sef? Well, Sef would be another thing. Haaaiiii…

I’ve known that it would come into this… that he would reject me… alam ko na yun, alam nating lahat yun. But what I wasn’t expecting ee, na sa ganitong paraan ni Sef gagawin… making it more painful, more unbearable. Alam niyo ba yung feeling na, pinresent mo na sakanya yung best painting ng sarili mo pero… wala, rejected ka pa din? Oh well, hindi din naman ako umasa na irereciprocate ni Sef yung nararamdaman ko, I know that was impossible… ang akin lang… sana… hinayaan na lang niya kong ma-in love sakanya, hayaan lang niya ko na maramdaman ko toh even for a little more while… hanggang sa ako na lang mismo yung titigil… hanggang sa ako na lang yung mapapagod tas, aayaw na lang ako. Hindi yung ganitong… pinagtutulakan niya ko mismo papalayo!!

I closed my eyes so darn tight and let out one deep breathe. I tried to convince myself na lilipas din toh Ellie… lilipas din ang lahat ng ito…

Suddenly, I could hear footsteps coming down the stairs. Si Max. He appeared from behind the couch that he was looking down on me as I was looking up at him. Halos matagal din kaming nagtinginan, pero wala samin ang kumikibo. Until, Max’s lips slightly parted as though he was about to speak ng biglang may nag-doorbell.

DIIIIIIING ~ DONG!!

“I’ll get it.” He muttered in a deep voice at madali siyang lumabas ng pintuan.

Bumangon na ko sa pagkakahiga-slash-upo ko sa sofa, sino naman kaya ang darating ng ganitong oras? I instinctively turned off the television. Sa totoo lang, for some unexplainable reason, I was feeling quite relieved na may bisitang dumating. Para bang kailangan ko ng kahit na ano, kahit na sino na makakapag-layo sakin mula sa lahat ng mga iniisip kong to.

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [ 1 of 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon