Chapter 11. Special Chapter ni Borge!

32.1K 424 19
                                    

Love-Nat
by: Elliedelights 

--------------------------------------------------------

Chapter 11. Special Chapter ni Borge

--------------------------------------------------------

Beatrice Gong-gora Natividad 

Bakit nga ba parating si Ellie na lang… puro na lang si Ellie, si Ellie at si Ellie?? Bakit, siya lang ba ang bida sa storyang ito?? Ee pano naman yung bestfriend hindi ba? Oo, pagbigyan niyo naman ako. It’s my time to shine naman. Ako nga pala si Beatrice Gong-gora Natividad. Grabe naman, sinabi ko lang ang buong pangalan ko hindi niyo na ko kilala. Oo. Ako si BORGE!!! Yung laging kasama ng paborito niyong si Ellie!! Yung matalik na kaibigan ng pasaway na yun!! =)

Well, hindi ko naman ninanais na palitan siya nuh. Kaya easy lang… hehe… eepal lang ako… isang chapter lang naman ee. Para maiba naman… di pa ba kayo nagsasawa dun? Lagi na lang si Eleonor Malicsi Dimaculangan ang kakwentuhan niyo. Naku… sinisigurado ko sa inyong mas masaya akong kausap kesa dun!! Haha. =)P

So, ano pang hinihintay naten? Let’s get this party started!!! Woohoo…
Siguro naman, by now, nakakaamoy na din kayo sa matinding chemistry nila Ellie at ng napaka gwapong si Sef ano?? Well, syempre, since ako ang bestfriend… super naamoy ko na din yan!!! Pero ito, trivia lang… itong si Ellie??NEVER PA YAN NAGKA BOYFRIEND!!! AS IN NEVAH!!!

Oh, ito… alam niyo ba ang nangyari nung bumabyahe kami patungong Tagaytay?? Nakatulog si Ellie at Sef… at napaka sweet nilang tignan!!! Syempre palalagpasin ko ba ang mga ganung klaseng pagkakataon? Habang mahimbing silang natutulog, kinuha ko yung digi cam ni Jill at sinenyasan ko si Japo na kuhanan yung dalawa. Hahaha. Oh diba? APIR, APIR!!

Mga ilang oras din bago naming narating ang hotel na pagmamay-ari nila Sef. Swear, napaka ganda nung hotel… pati na din yung view… kitang-kita namin ang buong tanawin at ang Taal Lake sa baba.

Unang nagising sa dalawa ee si Sef. Mejo naguunat-unat pa nga siya bago niya buksan yung pintu nung van para tawagin yung guard na tulungan kami sa pagbaba ng mga bagahe namin. Nakababa na kaming lahat pero tulog pa din yung isa!!! At malamang, kailangan ko pang gisingin ang napaka galing na bida sa storyang ito… sino pa? E di ang paborito niyong lahat… si Ellie. Bitter?? Haha. =)

Ellie: Hm. Dito na tayo?

Borge: Ahy, naku iha… wala pa tayo Tagaytay… actually, dito lang tayo para mag-CR!

Sarcastic ng lola niyo? Haha. Bitter ako ee. Bakit ba? Haha.

Sara: Ellie. Andito na tayo!! Alam mo ikaw talaga… Kung hindi laging LATE, lagi ka namang TULOG!!

Ngumiti lang si Ellie. Bumaba siya ng van at napatingin sa napaka gandang structure nung HOTEL. Nagsimula ng mag baba ng mga bag yung mga guys… Pero ang magaling na si Eleonor ee talagang kinuha pa niya yung sarili niyang bagahe. Itong si Ellie… alam niyo kasi… kung hindi niyo talaga kilala itong lokaret na babaeng ito… isang tingin niyo lang sakanya… as in… mapagkakamalan niyo agad siyang TIBO!!! Swear!! Haha. Best friend ako. Hindi ko naman siya binaback-stab or something… pero kahit naman siya ee… alam niyang may aura siyang ganun!!! Alam niyo ba yung may pagka MATON siya talaga kung kumilos. BRUSKO ba? Talagang WALA kang makikitang pagkababae sa mga galaw niya!! Sa totoo lang, itong babaeng ito? Isa siya sa pinaka UNPREDICTABLE na taong nakilala ko sa balat ng lupa. Buhok palang niya ee talaga namang mas malupit pa sa buhok ng mga lalaki. Pero alam niyo ba kung ano ang maganda dito kay Ellie? Lagi lang yang happy-go-lucky… laging masaya… at kapag yan ang kasama mo… siguradong WALANG DULL na moment… tatawa lang kayo ng tatawa… haha… Siya lang yung nakilala kong tao na walang salitang MALUNGKOT sa diksyunaryo niya kahit gaano pa kalaki ang problema niya. =)

Buhat-buhat na ni Ellie ang napaka bigat niyang bag… at ito na GIRLS… ang kilig na moment… haha… bigla ba namang umeksena si Sef… haiii… naku… napaka GWAPO talaga nitong lalaking ito… bakit ba may mga nilalang na kagaya niya mundo ano?? Haiii… sana pala kinuha ko na din yung bag ko para pati yung akin ee siya magdadala…

Sef: Ano ka ba Dimaculangan? Akin na nga yan, alam mo namang ayaw kitang nahihirapan ee… (smiles)

Nakangiti si Sef ng kinuha niya yung bag ni Ellie. Haha. Gwapu niya talaga. Haha. Swerte naman nitong best friend ko kagwapong nilala ang nabibighani sa kanya.

Ellie: Wag ka na nga!!! KAYA KONG DALIN TOH NOH!!! Hindi ko kailangan ng tulong mo!!! (hinahaltak yung bag niya)

Sabi ko naman sa inyo ee… malakas talaga SAPAK nitong babaeng ito sa ulo ee. Tinutulungan na nga siya ni SEF siya pa tong ayaw. No wonder hanggang ngayon wala pa din talagang nagiging boyfriend toh!!!

Borge: Tsk. Ellie. Wag ka ngang masungit kay Papa Sef!! Kaw talaga… (syempre nakangiti naman ako ke Sef habang inaabot ang bag ni Ellie) Pakipot ka pa ee… (binulong ko saa tenga ni Ellie) Thank you Sef! You’re such a gentleman!! =)

Sef: Hindi naman.

Ellie: YAN? GENTLEMAN?? ASSAAA… baka gentlewo--- hhmmmmmmmm… (bigla kong tinakpan ang bibig ni Ellie)

Borge: Hehe. Napaka sweet mo naman Sef. Sige, go. Buhatin mo na yan!! =)

At ng nauna na si Sef buhat-buhat ang bagahe ni Ellie…

Borge: Ikaw talaga, napaka hina mong dumiskarte… bubuhatin na nga yung bag mo ee, aayaw ka pa!!

Ellie: Ee bakit ko pa papabuhat? Para isumbat lang ule niya saken na kesyo napaka gwapo niya, napaka matulungin niya… At ngayon dahil nakialam ka, binigyan mo pa ulit ang baklang yun ng rason na magmaldita saken!!

Sa narinig ko mula ke Ellie. Napataas ang bagong ahit na kilay ko. Huh? Bakla??

Borge: B—bakla??? May sakit ka ba o ano? Si Sef tatawagin mong bakla? HELLOW??

Ellie: Hay naku. Bahala ka kung ayaw mong maniwala. Bakla yan!!! BAKLA!!!

Sira ulo talga tong si Ellie. Ito ba tinatawag niyong BIDA?? Haha. Tapos favorite niyo pa toh… Ee dios mio, sa gwapong taglay ni Josef Monteverde ee tatawagin niyang BAKLA?? Wala talaga sa itsura niya… ito ah, malakas ang pang amoy ko sa mga ganyang bagay… at hindi talaga ako nagdududa sa pagkalalaki ni Sef… ano nanaman kayang problema nitong si Ellie at naisip niyang bakla si Sef? Hmm… si Ellie ang kaduda-duda!!! Hahaha…

Napansin ko naman sa gilid si Meg… para bang napaka tahimik niya at… para bang… may mali kasanya… walang imik lang siyang sumunod kela Sara at Jill. Ako naman syempre tumabi agad ke Ellie.

So it turns out na lahat kaming girls ee nasa iisang kwarto… sheet!!! BONGGA yung lugar, I swear!! Obvious na mahal dito… at di lang yan, ang dami ding guests sa hotel… mga mayayamang guests to be exact. Madaming gwapong guys… hmm… so yummy… haha… for sure mageenjoy ako dito!!! Hell with the case study!!! Haha. =)

Pagpasok namin ng kwarto, tumalon agad si Ellie sa pangalawang kama malapit sa may bintana. Nakangiti ang loka. Minsan talaga parang bata tong si Ellie ee. Madali yan mapasaya sa mga simpleng bagay lang.

Ellie: Wwwaaaahhh… ayos!!! Haha. Akin to!!!

Sara: Oh sige, sayo na. Uwi mo na.

Jill: Easy ka lang Ellie baka mahulog ka nian!! Haha.

Borge: Animales ka. Wag mo ngang ipahalatang walang kama sa bahay niyo!!!

Ellie: Hahaha.. BORGE!! Tignan mo oh… wwwaaaahhh… ang COOL!!! Hahaha..

Mula sa kama, yung hi-tech na bintana naman ang pinagtripan ni Ellie! Meron kasing remote sa may ibabaw nung cabinet, madaming buttons na pag pinindot mo ee mayroong specific function sa loob nung kwarto. Bumukas yung blinds nung bintana at napa WOW kami sa nakita namin. Nasa may sixth floor kasi kami at ayun kitang-kita namin mula sa taas ang malaking pool nung hotel. Andaming HUNKS at mga babaeng naka two piece… hahahaha…

Sara: WOW!!! I can’t wait to use my new pair of swim suit!!! Argh… tara na girls… bilis… mag-swimming na din tayo!!!

Jill: Pero pano na yung case study naten? We still have to do it.

Ellie: Tsk. Mamaya na yun!!! Explore muna naten yung buong lugar!!!

Borge:TAMAaa!!! =)

Habang kaming apat ay nakadungaw sa bintana, si Meg ee tahimik na nakaupo sa kama niya at nagtetext.

Hindi lang naman pala ako ang nakapansin ng ka-weirduhan ni Meg.

Ellie: Ui, Meg!! Ayos ka lang ba? Kanina ka pa walang imik aa?

Meg: Huh? Ako? Oo naman. Hehe. Mejo inaantok lang ako. Dito na lang muna siguro ako sa kwarto. Baka umidlip muna ko saglit.

Sara: Seryoso ka? You’re going to miss all the fun!!

Meg: I’m sure. Hehe. Sunod na lang ako sa inyo mamaya. =)

Borge: Okay sige, sinabi mo ee.

Sama-sama kami nila Sara na nagpunta sa pool. Todo bihis kaming lahat nila Sara at Jill… naka two piece syempre si madam Sara, si Jill naman naka boy shorts. As for me? Aba, papahuli ba ko?? hahaha. Syempre naka isang buong swim suit ako! Oh, si Ellie nanaman hinahanap niyo? Easy lang kayo. Ayaw pa daw kasi niyang mag-swimming kasi may nakita daw siyang court, yayayain daw niya yung guys na maglaro muna ng basketball.

Oh ano sabi ko sa inyo?? Daig pa talaga niyang si Ellie ang lalaki ee. Haha. Kaya nga LAGI yang napagkakamalan!!! Pero yan naman din ang gusto ko diyan sa babaeng yan, meron siyang ugali na tipong wala siyang pakialam sa kung ano pa ang iniisip ng iba. Basta gagawin niya kung ano gusto niya. =) Niyaya naman ako ni Ellie na sumali sa basketball pero… uunahin ko pa bay un?? Syempre mas exciting sa pool, mas maraming GWAPU!!! Hahaha..

Mga ilang minutes after, dumating sila Ken, Max, Japo at Sef sa pool. May dala silang isang case ng mga inumin. Haha. Lam niyo na… Teka… bakit sila nandito?? Asan na si Ellie???

Borge: Oh, kala ko ba maglalaro kayo ng basketball?

Japo: Huh? Bakit? Bawal ba kami magswimming?

Sara: Sira! Sabi ni Ellie yayayain daw niya kayong maglaro ng basketball.

Ken: Talaga? Hindi naman namin siya nakita ee.

Borge:Ahy sows, asan na yung bruha na yun??

Ken: Si Meg din wala aa?

Jill: Nasa kwarto siya, natutulog.

Ito talagang si Ellie oh, dapat bang bantayan ko pa siya minu-minuto??? Yan talagang bruhang yan oh, kung di ko lang best friend yan matagal ko ng inumbag yan ee.

Japo: Sige, saglit. Hanapin ko.

Borge: Wag na Japo. Ako na nga lang… baka nasa may court yun.

Sef: Samahan na kita Borge!!

Talk about HUNKS!! Haha. Sasamahan pa ko ni Papa Sef.

Borge: Oh sure, beybeh! Haha.

Hmmm… tahimik lang kaming naglalakad ni Sef.

Ano naman yung sinasabi ni Ellie na mayabang siya? Ni hindi nga siya masyadong masalita ee, mahiyain nga ata. Tingin ko talaga sa kanya yung tipong GOOD BOY. Haha. GOOD BOY BUT SILENT NA PLAY BOY!! ahaha. Syempre kasi gwapo.

Pinagaaralan kong maigi si Sef. Nagtataka kasi ako kung bakit niya biglang naisip na samahan ako sa paghahanap ke Ellie. Tinignan ko mga galaw niya… wala talaga kong makitang kabaklaan sa kanya tulad ng mga sinasabi ng magaling na bida ng storyang ito!

Borge: Bakit mo naman naisipang samahan ako? (Pa-flirt kong sinabi, ewan ko ba… parang natural na saken ang pagiging flirt ko!! Haha.)

Sef: Ee mas memoryado ko tong buong hotel.

Borge: Hmm. Kung sa bagay. San ba yung basketball court dito? Baka nandun yun.

Ni-lead ako ni Sef papunta dun sa basketball court. At ayun nga si Ellie, enjoy na enjoy… talaga namang natural na nakangiti ang loka… alam niyo sinong kalaro niya?? Dalawang batang lalaki na tipong nasa 10 or 12 years old lang ang edad.

Alam niyo itong si Ellie… kapag nakangiti yan… hindi mo kayang hindi mapangiti din… I couldn’t help myself from smiling… hindi niya kami napansin ni Sef sa gilid… napatingin ako kay Sef… nakooo… ang malalagkit na tingin ni lalaki kay babae!!! Haha… Nako GIRLS, sinasabi ko sa inyo… may trip ang gwapong si Sef sa best friend ko!!! NAKOOO!!! Hahahaha… kinikilig na ko para kay Ellie!!!

Yung tingin ba naman ni Sef IMBA ee.. naka ngiti din siya habang pinagmamasdan maglaro si Ellie. Para bang kontentong-kontento siyang panoorin siya. Naku, chance ko na toh para intrigahin siya!

Pero bago ko pa siya matanong ee, naunahan na ko agad ni Sef.

Sef: Grabe, is she really a lesbian?

Huh? Ano daw? Nabingi ata ako. Tinatanong ni Sef kung talagang lesbian si Eleonor Malicsi Dimaculangan??? WHAT THE… hindi ko na napigilan sarili ko… OVERR talaga… natawa ko ng malakas… super laugh trip!!! Hahaha…

Borge: Seryoso ka sa tanong mo? Hahahahahaha… Si ELLIE tibo sa paningin mo??

Tinitignan na ko ni Sef na para bang may BALIW siyang kaharap. Borge: Hindi yan tibo… ni hindi pa nga yan nagkaka boyfriend ee, girlfriend pa kaya?? Haha.

Sef: Pero…

Borge: Alam mo… kala mo lang yun… hindi lang ikaw ang unang taong nagaakala niyan… di din naman kita masisisi ee, sa kilos at trip ni Ellie sino ba namang hindi magiisip nun sa kanya… pero lam mo, seryoso… mas babae pa yan sa inaakala mo!!! 100% yan!! Ika nga nila diba? Maraming namamatay sa maling akala...

Sef: Pero… sabi niya… hindi daw kami TALO???

This time, hindi ko nanaman kinaya… talagang natawa nanaman ako… MAJOR LAUGH TRIP palang kausap tong si Sef ano?? Hahaha…

Borge: Ibig sabihin lang nun, BAKLA tingin niya sayo!!! Hahahahaha… (tinapik ko siya sa may balikat, yung itsura ni Sef talagang parang namutla siya sa mga sinabi ko.) Tara na nga… ikaw talaga… puro ka JOKE TIME!!! Hahaha… hahanapin tayo niyang si Ellie pag nagutom na yan!! Tara…

Pero parang hindi ako narinig ni Sef…

Sef: Ako?... BAKLA???...


To be continued.

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [ 1 of 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon