Never question if you are in love or not,
because if you were you wouldn’t need to ask.Saturday
7:30 AMEleonor Malicsi Dimaculangan
“Wow, Ate Ellie!!” Nabulalas ni Em-Em, who was standing by my door way. I was already sitting on my bed, mejo kakagising ko lang din kasi. No, no, no… scratch that… Actually, kanina pa ko gising… it’s just that I’m not moving from my bed. Haaaiiii, sabado nanaman kasi. Yeah, sa wakas ito na… how many times did I pray for this day to come?? Ito na… as in ito na talaga ang huling sabado… ang… ang huling date ko kay Sef!! “May sakit ka ba?? Naunahan mo pang gumising ang alarm clock mo!!” I smiled at my sister, by alarm clock syempre she was referring to herself. Haha. Siya naman tlaga kasi ang taga gising ko, ever since. Haiii, gusto ko sanang sabihin sa kapatid ko na syempre last day ko na to with Sef, ayoko naman ma-late.
“Aalis ka?” Punong-puno ng curiosity ang kapatid ko. Chismosa talaga. Amp. Haha. I simply nodded, stretching my hands. “Sino kasama mo?”
I gave a yawn. “Si Sef…” I tried to sound normal. As if parang wala lang… like it wasn’t much of a big deal.
Em-Em looked quite shock, then as expected she threw me a teasing smile. “Kaya pala, excited ka!!”
Normally, I would have jumped over my sister at makikipag-argue sakanya. But I only laughed at her. Bakit naman hindi ako maeexcite diba?? Em-Em has no idea that I’ve been dying for this day to come. Ito na. Finally, dumating din ang ikatlong Sabado!!! Buwahahahaha. Sabi naman sayo Ellie diba? Konting tiis lang?? I want to end this day and fast… Sa mga susunod na araw… I will definitely be SEF FREE!! Buwahahahaha… matatapos na din ang lahat ng ito… no reason to talk to him, no more reason for him to talk to me… as in wala na…
Kaso lang… pagkatapos na pagkatapos ng araw na ito… alam kong merong konting side effects… pano ba naman kasi diba? Right after our Christmas with Sef… Sa one week na natitira bago ulit mag-resume ang klase, I think mga three times siyang bumalik dito sa bahay. Yeah, he brought food with him. Palabok, manok… he didn’t attempt to bring any sweets, alam kasi niyang against si Mama sa matatamis. I have no idea what’s he’s trying to accomplish. Kung parte pa din ba yun ng jokes niya… or if it was just a part of his schemes of making fun of me.
Pero sana naman… hindi na niya dinamay pati pamilya ko. I let out a deep sigh. Talo pa nga ako ni mama’t Em-Em ee… mas alam pa nga nila kung kelan at anong oras darating si Sef. One time pinagluto pa siya ni mama ng ginataang adobo. My dad, who seemed absolutely against him, ee dahan-dahan na din niyang napa-amo. One night, pagalis ni Sef, I found myself sitting by the garage. Napapaisip kasi ako, masama na kasi yung epekto ni Sef sakin ee… biruin niyo ba naman, matutulog na lang ako siya pa din nasa isip ko… tapos gigising ako sa umaga, siya pa din unang pumapasok sa isip ko. Sabihin niyo nga saken, NORMAL pa ba yun?? Samantalang dati, simple lang naman ang buhay ko ee… simpleng routine araw-araw… dati I slept thinking what food to eat for breakfast the next day, kung anong pagkaen kakainin ko sa lunch, merienda at dinner… o kea kung pano ko madudugasan si Mrs. Navarro sa mga damit na ibebenta ko sakanya galing korea o kea kung anong susunod na movie ang ida-download ko… Pero lately… parang… nag-iba lahat toh ee… That night, my dad saw me lost in my own thoughts, kaaalis lang ni Sef nun. My dad sat next to me, nagpupunas pa nga siya ng grasa sa kamay. “Okay na siya saken.” He said. I looked at him questioningly. “Si Sef. Ok na.”
“Pa naman. Ano bang mga sinasabi niyo?”
“Sagutin mo na.”
Natawa ko. “Pa, nu ka ba? Hindi yun nanliligaw sakin.”
BINABASA MO ANG
LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [ 1 of 2 ]
Roman d'amourHaving a bad day? This is a light rom-com that will surely put a smile on your face. Enjoy & have FUN! :) PS. This novel has violated all the rules of grammar in all possible ways, and the author is already aware of that. ;) © Elliedelights