Eleonor Malicsi Dimaculangan
Kapag ako nagkaroon ng chance na mabigyan ng super powers, siguro hihilingin ko na sana kaya kong mag-transport from one place to another. Siguro, hindi na din ako male-late kapag may powers akong ganun ano? Haha. Siguro, makakapag libot ako sa buong mundo ng libre. Ang cool nuh?? Siguradong pupuntahan ko kung nasaan man si John Lloyd Cruz... pero sa ngayon?? Parang... parang mas okay yung powers na katulad nung kay Superman para basag agad bungo ni Bea sakin!! Nyahahaha. Baka naman isipin niyo napaka brutal kong tao... actually, kahit ipahiram na lang sakin ni Panday yung espeda niya para putulin ko labi nung si Bea!! AMP!!
Eh 'di ba ganun naman talaga ginagawa ng mga super heroes?? Ang puksain ang mga KONTRABIDA sa buhay nila!! Bukod sa mga minamahal kong propesor sa MUP, wala naman ng iba pang kontrabida sa buhay ko kung hindi itong si Bea Madrid!!
Nakakatawa naman ako!! Hahaha. Buhay na buhay pa si Bea, pero pinapatay ko na siya sa isip ko. Suddenly, gumana na ulit ang utak ko. And I realized... I can’t hate Bea just because she’s... well, expressive. Wala naman akong nakikitang dahilan para kamuhian ko si Bea. In fact, just by thinking about it, she did nothing to harm me in the first place. Kahit yung incident sa EK. I don’t think na meron siyang ginawang masama sakin. All she ever did was that... ang bumuntot kay Miguel Josef Uy Monteverde.
At hindi yung sapat na rason para hilingin ko na sana matamaan si Bea ng kidlat, o kaya na sana mamaga yung mga labi niya, o kaya sana matuklaw siya ng ahas o kaya mahulog siya sa kumunoy, o kaya...
Napabuntong hininga ako. Yung malalim. Haiiii...
May tanong ako...
Ano bang dapat kong maramdaman?
Ano bang dapat kong isipin??
Natawa ko sa mga sarili kong tanong. I felt so stupid!! Simple lang naman ang sagot ee, syempre WALA. Wala ka dapat maramdaman Ellie. Wala ka dapat isipin. GAAAAAD!! Remember yung strategy mo nun??
Dedma.
Ignore.
Act as if WALANG NANGYARI...
Pero... napangisi ako, minsan talaga, hindi pala effective ang strategy na ito... pano ba naman... alam kong WALA akong photographic memory... pero bakit ganito?? Kahit ipikit ko mga mata ko, the picture of Bea and Sef kissing back there, ang paulit-ulit kong nakikita. Animales!! Kulang na nga lang ata ee i-paint ko silang dalawa!! Daig ko pa si Mr. Big ni Borge nito aa??
Lumapit ako sa may mini-bar na itinayo sa may bandang gilid nung garden. “Isang tubig.” Sabi ko dun sa barista na nandun. Kelangan pa nga niya ulit tanungin sakin na tubig ang inoorder ko.
When all of a sudden, as if the angels knew na kelangan ko ng makakasama...
“Nakakailang bote ka na niyan Japo?” Narinig ko yung pamilyar na boses ni Borge sa may bandang kaliwa ko. Napalingon ako at nakita ko ang mga mahal kong kaibigan na sila Borge, Meg at Japo.
“Uh, di ko na maalala ee. Hahaha.”
Dali-dali akong lumapit sa kanila, at napansin ko kaagad ang namumulang muka ni Japo. Ganyan yung itsura niya kapag marami ng naiinom. Para siyang pinaliguan ng sampal sa buong muka sa pula.
“Ellie!” Tawag ni Meg.
“Oh, Ellie!!” Umakbay naman sakin si Japo, amoy na amoy yung alcohol sa hininga niya. Alam kong hindi pa siya lasing. Marami pang drum ng beer ang kelangan bago tuluyang tamaan yang si Japo. “San ka ba nanggaling??”Diba dapat ako yung nagtatanong nun?? AMP!!
BINABASA MO ANG
LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [ 1 of 2 ]
RomanceHaving a bad day? This is a light rom-com that will surely put a smile on your face. Enjoy & have FUN! :) PS. This novel has violated all the rules of grammar in all possible ways, and the author is already aware of that. ;) © Elliedelights