Chapter 39-1. Asaran Blues!

23.5K 304 13
                                    

Eleonor Malicsi Dimaculangan

Ganito ba talaga yung feeling kapag meron kang pinapakilala sa pamilya mo?? I’ve never imagined na darating ang araw na ito sa buhay ko… that a Miguel Josef Uy Monteverde will meet my entire family… mula sa lola’t lolo ko hanggang sa mga pamangkin kong nasa sinapupunan pa lang ng mga pinsan ko!!

Halong kaba at excitement ang nararamdaman ko. WWWWAAAAAAHHH!! Ano ba ito?? Diba you’re only supposed to be this way kapag BOYFRIEND mo na yung tao?? GAAAD, bakit kasi hinayaan mong ihatid ka ng antipatikong lalaking yan??

I grabbed the first piece of clothes in my cabinet at sinuot agad ito. Ellie, kahit kelan ka talaga… BILISAN mo na nga lang jan at baka mamaya kung anu-ano ng ginagawa nila kay Sef!!!

Halos lumipad na ko pababa ng hagdan, at naabutan kong nagtatawanan si Em-Em at si Sef. Sa totoo lang, I kind of like what I’m seeing. I love it when someone’s being nice with my family.

Papano kaya nagagawa ni Sef yun ano? Madali talaga niyang nakukuha ang loob ng mga tao… naisip ko tuloy, how could he say such words back in Tagaytay, ‘Papano kung walang nagmamahal sayo?’

Hindi talaga ko makapaniwalang nasabi niya yun… andito naman ako?? WWWEEEH!! Ellie… hahahaha.

“Oh, ano?” I tapped Sef lightly on his shoulder. At halos matawa ko ng napansin kong punung-puno ng pagkain yung plato ni Sef. “Kaya mo bang ubusin yan? Haha.”

“Aah,” Napakamot si Sef sa ulo niya. “Hindi ba magagalit mom mo?” He whispered hesitantly.

“Kuya Sef, bawal ang nagtitira ng pagkain dito.” Em-Em said while munching over her BBQ at naki-kagat na din ako dito.

Parang nalulula si Sef when he stared back on his plate. Gabundok naman na kasi ang nilagay ni Mama sa plato niya. I knew he was somehow scared kasi nga alam niyang hindi niya ito mauubos. Tsk. Oo na , sige na… naawa na ko!! “Akin na nga.” I then told Sef as I took his plate. I transferred the excess sa isa pang plato.

“Em, pa-abot naman nung mga uling jan!!” We heard the voice of Kuya Andrew mula sa labas.

Tumayo si Em, inabot yung plastic ng uling. “Kuya Sef aa?” She then said, smiling. “Yung secret naten. Quiet ka lang.”

I froze at napatingin ako mula kay Em to Sef, who by then was smiling back at my sister. Kinabahan ako. It then occurred to me that Em-Em has an obsession with Sef, I mean with Miguel. I felt the blood creeping up my cheeks. Parang bigla akong nanlata. Sa daldal na taglay ng kapatid ko… anakshutang animals talaga… siguradong nasabi na niya!!! “Anong secret?” I asked angrily pero tumakbo na agad si Em-Em papalabas ng pintuan. But before she could actually step outside meron pa siyang dinagdag, “Kuya Sef, mamaya maraming games… partners tayo aa?” Salamat naman… my question was being ignored.

Sef nodded, “Sige ba!”

Napalunok ako and I couldn’t even look at Sef. Naiimagine ko na yung mga pinagsasasabi ni Em-Em sakanya. I knew my sister too well. Alam kong matutuyo laway niya kapag pinatahimik mo even in just a minute. I could hear what she told him, May gusto ang Ate ko sayo.

WWWAAAAAAAAHHHH!!! Namula ang buong muka ko, hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Hindi ako makatingin kay Sef even as I returned his plate to him. “K-k-kung ano man sinabi sayo ng kapatid ko,” I said, and I probably sounded nervous. “W-wag kang maniniwala dun.”

I saw the way Sef gave an angry frown as he intentionally avoided my gaze. Parang bigla siyang nawala sa mood at kala mo galit siya sa mundo. “I really don’t care.” He said it so bluntly, without even a smile.

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [ 1 of 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon