Chapter 39-2. Asaran Blues!

23.8K 286 35
                                    

Kapag Christmas, talagang pinaghahandaan ng mga Tito’t Tita nila Ellie ang araw na ito. They would spend time & money with the foods, with the games, sa mga regalo, at premyo. Meron silang program, merong ice breaker. Walang hiya-hiya sa kanila. Kanta kung kanta, sayaw kung sayaw. And it was the first time Miguel Josef Uy Monteverde experienced such event. A family event that is.

Sa totoo lang, Sef dated a lot of girls. A lot, meaning lots & lots & lots of girls. Iba-iba. Mula sa mga pa-cute na sobrang insecure, mga smart rich girls na masaya rin namang kasama, mga magagandang super model-like ang features, hanggang sa mga flirt na super girly na party animals na tipong sa eastwood na nakatira, mula sa mga simpleng babae hanggang sa mga pa-shy lang sa simula. Sobrang dami na. At sa lahat ng yun, madalas pinapakilala siya sa mga pami-pamilya nila. So, truth be told, hindi ito ang first time na naipakilala siya sa buong angkan. But this, however, was the first time he had so much fun. Yung parang siya lang talaga si Sef, hindi siya yung mayamang kelangan ng VIP treatment. Hindi siya isang Monteverde na kailangan i-please lahat ng tao, yung tipong ija-judge siya even the smallest move na gagawin niya. Kahit nga ata pag-hinga pinagmamasdan siya ng mga tao. Dito kela Ellie, it’s just him. He talk, he smile, he laugh without being criticized, without being judged. Siya lang si Sef. No more, no less.

Natuwa pa nga siya lalo dahil sinali siya nila AJ at Em-Em sa iba’t ibang games, sa TALONG GAME, sa CATCH MY BIRDY, oo ganyan ang mga title ng laro, si AJ at Agnes ba naman daw ang nag-isip ng mga games na yan ee. Well, what can you expect? Pangalan pa lang enjoy na what more kung nilaro diba? Haha. And sure thing, Sef enjoyed every minute of it. Twice pa siyang nanalo at nakakuha ng premyo. Yung isa 500 na cash, yung isa naman alarm clock.

Nag-laro din silang dalawa ni Ellie as pair pa nga ee, sa larong ANG MANSANAS NI EBA. It was the familiar game of eating the apple na naka-sabit sa string without using your hands. Pinaganda lang talaga nila AJ yung pangalan. Hahaha. They won of course, dun nga niya nakuha yung 500 na cash price.

Walang tigil naman sa kakatanong sa kanya ang mga pinsan ni Ellie na sila Agnes, Mae at Anna. Si Ate Karla naman panay lang ang asar sakanila ni Ellie. Syempre, na-meet din ni Sef ang kapatid na lalaki ni Ellie na si Eddy.

He was a nice guy. A year younger lang pala kay Ellie. Mabait siya, mapagbiro at masayang kausap. Madali nga silang nagkasundo nito kasi nga hilig din ng binata ang mga kotse. Pinakita pa nga ni Sef ang dala-dala niyang Pajero na naka-park lang sa labas ng bahay.

“Wow. Okay tong wheels mo Kuya.” Eddy said ng silipin nito ang loob ng kotse ni Sef. “Good condition aa?”

“Uh, yeah. Still brand new. Christmas gift sakin ng lolo ko.”

“Nice. Haha.” Eddy was grinning excitedly while running his hands sa manibela. Naka-upo na nga siya sa may driver’s seat. Bawat haplos kala mo pagmamay-ari na niya yung Pajero. “Cool.”

“Wanna try it for a spin?” Alok ni Sef, offering Eddy his car key.

“Talaga?”

“Yeah, sure. Just make sure iingatan mo.”

Aabutin pa nga lang ni Eddy yung susi when Ellie came ruining the moment. “Ed, ano yan? Bumaba ka nga jan!”

Parang batang napahaba ang muka ni Eddy. “Ate namaaaaan!! Pajero toh!! Pajero!! Ipapa-drive lang sakin!!”

“Bababa ka jan? O bababa ka jan?” As if binigyan niya ng choice ang kapatid. Haha.

Inis na nagkamot ng ulo si Eddy, pero agad naman itong sumunod sa Ate niya. “Tsk. KJ ka talaga Ate ee.”

“Hindi sayo yan, baka mamaya madisgrasya ka pa. Paskong-pasko.” First time niyang nakitang ateng-ate si Ellie.

Sef smiled and patted the young man on his back. “Yaan mo, next time! Dalin ko yung race car ko.” He whispered.

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [ 1 of 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon