Chapter 06. Batman & Batwoman!

34.6K 499 21
                                    

Love-Nat
by: Elliedelights

-----------------------------------------------

Chapter 06. Batman & Batwoman 

-----------------------------------------------

Tinotoo naman ni Miguel Josef Uy Monteverde ang binitawan niyang mga salita. Totoo ngang hinintay niya ako sa labas ng Girl's Shower room. Nadatnan ko na lang siya na naka sandal sa pader at nakatingin sa kawalan. Sa totoo lang rin, hindi ko matanggal ang tingin ko sa kanya and for some unexplainable reason... I felt a sudden thud in my heart.

Ellie, sus ano ka ba??? HOY!!! Nakakita ka lang ng ipis kung anu-ano na yang mga nararamdaman at naiisip mo...

Nang nakita niya ako, agad siyang tumayo ng tuwid at binati ako ng napaka charming niyang ngiti. Napansin ko lang, lagi talaga siyang naka-smile ano? Kahit nagaaway na kami naka-smile pa din siya. Kahit alam niyang galit na galit na ang kausap niya sa kanya, smile pa din siya. Smile siya ng smile. Everytime he does it, my heart would do some crazy stunts. At hindi ako natutuwa sa ganun... lalo ko tuloy siyang kinaiinisan!!! I hate it!!!Ayokong-ayoko pa naman ng ganung klaseng pakiramdam... a feeling I couldn't explain... that feeling of being... so d**n weak. Tandaan niyo dahil minsan ko lang ito sasabihin: Ako, si Eleonor Malicsi Dimaculangan, wala sa bokabularyo ko ang pagiging MAHINA. 

Sef: Oh, Ms. Dimaculangan... tapos ka na pala. (smiles)

Oh, ayan nanaman siya... binaling ko na agad ang tingin ko sa pintuan palabas ng building... hindi ko siya tinitignan at hindi ako tumigil sa paglalakad ko. Dire-diretso ako palabas with a frowning face pa!

Sef: Oh... sandali lang... haha... ayos lang yung nangyari kanina wag mo ng isipin yun!! haha...

Dedma.

Sef: Tsss... matapos mo kong chansingan di mo ko papansinin? Nakuha mo ng lahat sa akin tapos...

Nakakairita talaga ang lalaking ito!!! Bakit ba ayaw niya kong layuan??? Bakit ba ang KULIT-KULIT niya!!!!

Sef: Oi. Dimaculangan!!!

Ako: Alam mo, KUTO ka ba?

Sef: Bakit? Kasi hindi ako maalis sa ulo mo?? (smiles)

Ako: GGrrr... HINDE!!! Dahil nakaka-PESTE ka!!!

Sef: haha. Well, itong peste na toh ee gusto kang ihatid sa bahay niyo... (smiles ulit) Tara, hatid na kita!!

Nagulat ako. Speaking of... oo nga pala... gabi na... mahihirapan na kong sumakay nito... tapos para pa kong nag-passion dahil sooobrang sakit ng buong katawan ko.

Ngunit, subalit, datapwat... HINDI ako papayag na sumabay sa kanya kahit na alam kong may kotse siya... at kahit alam kong libre pa yun... at kahit alam kong...

Ako: Talaga???

Sef: (napakamot sa ulo) Kaso... nagbago na isip ko ee... peste nga pala ako diba???

Ako: Aba't talagang... KAPAG HINDI KA UMALIS SA HARAP KO NGAYON IKAW GAGAWIN KONG BOLA NG SOCCER!!!!

Sef: Biro lang... alam mo ikaw... (linapit bigla ang muka sa akin and pressed his hands on my eyebrows) Tatakutin mo papalayo lahat ng ipis kung lagi kang nakasimangot!!!

Sheet... ayan nanaman... here goes my heart again....

Thud. Thud.

Pinalo ko yung kamay niya para alisin sa muka ko and slightly pushed him away. Ayoko ng kausapin ang mga kagaya niya!!! Nakakainis at nakaka highblood lang!!! Naglakad na ko papalabas ng campus... at siya hinahabol lang ako...

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [ 1 of 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon