Eleonor Malicsi Dimaculangan
Sabihin niyo nga sakin, normal ba toh? Ako? Isang Dimaculangan? Kontentong naka-upo lang sa sasakyan katabi ang isang Miguel Josef Uy Monteverde habang binabaybay ang highway. Masaya na ko ng ganito, kahit na hindi kami nagkikibuan, kahit na pasulyap-sulyap lang ako sa kanya. I am no longer demanding for more. Masaya na ko! Pramis!! Tapos, tipong blangko ang isip ko. Wala akong maisip na conversation starter. As in WALA, kaya okay na sakin na manahimik na lang…
MANAHIMIK? At kelan pa ko natutong manahimik? GAAAAAAAAHH!!
Naka-focus lang si Sef sa daan. Ang kanyang mala-Adonis na mukha e expressionless. Naisip ko, ano kayang tumatakbo sa isip niya ngayon? At this very moment, normal pa din ba kung hihilingin ko na sana wag na kaming makarating sa pupuntahan namin? Yung tipong dito lang kaming dalawa… nagro-road trip forever?? WAAAAH!! Animales ka naman talaga Eleonor!! Ako na mismo nagsasabi sayo, HINDI NA YAN NORMAL!! Please lang, Lord… I need something to distract me – kahit ano, anything!!
I rested my arm against the window. Tama, sa labas na lang ako titingin – bibilangin ko na lang ang mga kotseng may letter S, E at F sa mga plate numbers nila. Haaaiiii… pero sayang talaga, sana meron akong dala-dalang camera. Sayang kasi ang outfit ni Sef. Pramis, he really looked dashingly handsome in black. Yung itsura ng hunk na nakikita ko lang lagi sa billboard? Dios ko lang talaga, bakit kasi hindi na lang nag-artista tong boypren ko?? Haha. TOINKS! AT NGAYON, GUSTO KO TALAGA NG PICTURE NIYA!!!!! Kahit isang shot lang!! WAAAAAH!! Hahaha.
Suddenly, naramdaman kong nag-vibrate yung phone ko. Hm, sino naman kaya ang nakaalala sakin ngayon? Pagtingin ko –
From: Pusang-gala
mm/dd/2011 03:44:32 PM
Ellieeeeee!!! Peace out!! Labyooooooo!! Hehehe.
I scoffed, half irritated and half pleased. Oo nga pala, iba-iba kasi talaga ang mga pangalan ng mga taong naka-register dito sa phone book ko. Haha. Protection na din para sa mga chismosa’t chismoso. Hehe. Kung Yakap-sul si Ate Karla at Mada Paker naman si Borge… itong Pusang-gala na ito? Syempre walang iba kung hindi si JAPO!! Kailangan ko pa bang i-explain kung bakit ganyan ang binigay kong pangalan sakanya? Haha.
Mejo nag-isip pa ko kung magre-reply ba ko o hindi. On second thought, sige na nga… piso lang naman. Pati talaga sa pag-text kuripot pa ano? Hahaha.
To: Pusang-gala
mm/dd/2011 03:44:40 PM
hmp. wla, wg k na! ntitiis mo n ko ngyon.
Naramdaman niyo na ba yung para kang tangang naka-ngisi habang nagte-text? Ganun na ganun ang itsura ko ngayon as I pressed the sent button. Tsk. Lechugas talaga itong si Japo kahit kelan. Alam ko namang sinadya niya talagang iwan ako. He wanted this to happen… na ma-solo ako ni Sef. Chos! Nag-feeling? Hahaha. Ang akin lang, oo sige thankful ako na kahit papaano sumagi sa isip ni Japo na gawin ito… kaso lang diba? Tulad nga ng lagi kong sinasabi, wag ng ipilit ang hindi talaga pwede.
Dapat ikey-keypad lock ko na sana yung phone ko but then, bigla kong napansin yung salitang CAMERA na naka-flash doon sa screen. Oh sheet!! Oo nga pala, bago na ang cellphone ko!! Hahaha. Asensado na ko ngayon, ito yung regalo nila mama sakin nung pasko. Nawala sa isip ko na meron na palang built-in na camera itong gamit kong phone, masyado kasi akong nasanay sa 3310.
BINABASA MO ANG
LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [ 1 of 2 ]
RomanceHaving a bad day? This is a light rom-com that will surely put a smile on your face. Enjoy & have FUN! :) PS. This novel has violated all the rules of grammar in all possible ways, and the author is already aware of that. ;) © Elliedelights