Chapter 08. Paparazzi.

31.8K 388 14
                                    

Love-Nat
by: Elliedelights 

-----------------------------------

Chapter 08. Paparazzi

-----------------------------------

Miguel Josef Uy Monteverde entered his room and did not even bother to turn on the lights as he threw himself down the bed. He preferred the darkness that engulfed him, it suited his mood.

He let out a sigh as he stared up the ceiling, his mind obviously elsewhere. He knew he has to do something to get his mind off things...

A minute or so, he reached in his pocket, took his cellphone and dialed the familiar numbers that he has already memorized by heart and said the simplest words with a heavy heart:

"I--I lost it..."Exactly the same moment... nakahiga na din si Ellie sa kwarto niya...

● ● ● ● ● ● ● ● ● ● ● ● ● ● ● ● ● ● ● ● ● ● ● ● ● ● ● ● 

Grrr... anong ikot pa ba ang dapat kong gawin para makatulog... haaaiii... pag naiisip ko ang buong gabing ito... parang superrr daming nangyari... mula sa ipis sa shower room hanggang sa Karinderia ni Aling Pacita... napaka laking sagabal talaga nung si Miguel Josef Uy Monteverde sa buhay ko... yung pinagipunan ko ng ilang taon diba??? Ibabayad ko lang pala para ilibre siya!!! E di sana hindi na ko kumain sa labas... nakakaloka!!! Pero... maganda na rin sigurong nangyari yun. Siya pa ngayon tuloy ang may utang na loob saken dahil ako pa ang nanlibre sakanya. Pero... nakakapagtaka talaga itsura niya kanina... ayan tuloy naalala ko nanaman... ganito kasi nangyari pagkawala nung wallet niya...

After ten minutes bumalik si Sef na hingal na hingal... kaw ba naman mag-ambisyon kang habulin ang magnanakaw diba??

Sef: Sorry. Teka... tumatanggap ba sila dito ng cheke??

Ako: Tignan mo lang... kung di nila isampal sayo yun!!! Wag ka na nga, binayaran ko na...

Sef: Aah. Ganun ba??? (nakatingin pa din sa direksyon ng magnanakaw na para bang dinadasalan niyang bumalik ito para ibigay ang wallet niya)

Ako: Hoy!!! Ano ba't magkano laman ng wallet mo? May ginto siguro dun ano?

Sef: Wala naman saken yung tatlong libong cash ko dun... (malungkot niyang sinabi) Ang aken lang... kahit ibalik niya yung ibang litrato dun... at yung...

Aba't... nila-LANG lang nitong animales na toh ang tatlong libo??? Ee halos pang tatlong taong baon ko na yun aa??? And if I know... litrato lang ni Japo ang nandun... pero matapos nun, tahimik na siya... walang imik hangga't sa nakarating kami sa bahay ko. Ang weirdo talaga ng baklang yun!!! Ni hindi nga nag-babye ee... hmpf!!! Mabute nga yan... para tigilan na niya ko...

Pagpasok ko kanina ng bahay ee... nagkakagulo sila Mama't Papa sa tv. Habang kumakain pala kami dun sa karinderia ee may nagaganap ng hostage taking sa may Quirino Grandstand. Ito namang sila Mama superr maka-isyoso... para namang may magagawa sila... superr napagod din ako sa practice sa soccer kaya dumiretso na lang ako sa kwarto ko... pero ito nga ako't hindi makatulog... hhhaaaaaiii.... iniisip ko pa din yung perang pinanlibre ko kay Sef... SAYANG TALAGA YUN!!!!!!!!! KAINIS!!!!!!!

At nang nakatulog ako... the last thing i had in mind was the troubled face of Sef nung nawala yung wallet niya...

7:oo AM the next day...

Em-Em: Ate ELLIE!!!! HOY!!!! LATE KA NANAMAN!!!!

Huh?? Napaunat ako ng... ARUY!!! Ano ba toh... ang sakit ng buong katawan ko... para kong binugbog aah... sheet... dahil toh sa soccer... argh!!!

Em-Em: Ate...

Oo na. Si bunso naman kasi talaga ang lagi kong taga gising... Bumangon ako ng dahan dahan at halos mapatalon sa kama ng na-realize kong male-late nanaman ako... haaiii... as usual... halos isubo ko na ng buo yung almusal kong hotdog at itlog at halos mapaso na ang dila ko ng nagkamali pa ko ng nainom... yung kakatimplang kape ni Papa pa yung nakuha ko...

Ako: WWWAAAhhh...

Eddy: Ano ba yan, Ate!!!

Ako: Ee... mainit ee...

Mama: Eleonor... parang meron pala akong narinig na kotse jan sa tapat ng bahay naten kagabe. May naghatid ba sayo?

Em-Em: Oooohhh... haha. Si Miguel ba yun??

Pagka-mention ng pangalan niya... naalala ko nanaman yung perang iningat-ingatan ko na nasunog lang kagabe dahil sa pagkawala ng wallet niya... tapos... yung itsura nanaman niya... haii naku... nakakainis...

Ako: Ano?? Hindi ako yun!!!! Tumigil ka nga Em.

Matapos nun, dali-dali na ulit akong umalis... late nanaman ako nito... sheet...

Halos takbo't lakad na ang ginawa ko pagdating sa third floor ng unang klase ko... Miyerkules kasi ngayon... kaya meron akong Financial Management... hindi naman nagche-check ng attendance yung prof namin dun... yun nga lang mahilig magpagawa ng seatworks kaya kapag nahuli ka or nag-absent ka... ee di it's either wala na kong makokopyahan or zero na ko.

Ewan ko ba... lagi na lang akong late... hindi na ko natuto...

Pag tapak ko sa isang corner... napatigil ako... at napasandal sa pader... ayun... sa may balcony... si Sef. He looked so serious habang nakatingin sa kawalan sa first floor. Then I realized, he was staring at the school clinic. I could see through the railings na may tao sa clinic, si Ms. Elena yung head school nurse namin. Kung hindi ko lang alam ang tunay na kulay ni Sef, I would think na pinagmamasdan niya si Ms. Elena.

But then a minute or so… biglang dumating si....... JAPO??? haha. sinasabi ko na nga ba ee... kapag sineswerte ka nga naman Eleonor... totoo nga talaga ang mga hinala mo... may namamagitan nga kila Sef at Japo...

Dahan-dahan akong sumilip... yung klase ko nawala na sa isip ko... mukang napaka seryoso ng pinaguusapan ng dalawang ito... tinalasan ko ang aking panrinig... hindi ko maintindihan ang buo nilang usapan pero... may mga ilan akong salita na naririnig mula kay Japo... tulad ng... "mahal kita pre,", "time to move on,” “Forgive and forget.”

Napaka chaka naman nitong dalwang bakla na toh... dito po sa may balcony sa tapat ng classroom namen nag emote... at napanganga na lang ako ng biglang umakbay si Japo ke Sef... pero si Sef malayo pa din ang tingin... obvious na mukhang broken hearted... kawawa naman... tsk tsk... ibang klase din tong si Japo... siya pa may mukang maki pag break up... hahahaha... nakakaloka naman...

Ee mukang nagiging seryoso na lalo ang usapan nila.. kaya naman nakinig pa lalo ako... ng biglang...

Borge: HOY!!!! ELEONOR!!!! (pinalo ako sa likuran)

Ako: AHY PALAKA!!!

Borge: ANONG GINAGAWA MO JAN HA???

Ako: Ahehehe... w--wala... (laughs weakly)

Anakshotang animales talaga tong si Borge kahit kelan... kung kailan naman napaka ganda nung mga nangyayari oh...tumingon ulit ako kila Sef at Japo para tignan kung narinig nila ang napaka lakas na boses ni Borge... pag lingon ko... ang napaka LAPIT na muka ulit ni Sef ang bumulaga saken...

Sef: Haha. Sabi ko na nga ba ee... stalker kita nuh!!! (nakangiti na ulit siya)

Ako: A--ANO???

Japo: Yo, zup?

Ako: Zup, zup ka jan??? (Bakla!! sa isip-isip ko)

Borge: Wow. Anjan ka pala Papa Sef!!! Ahyy... haha. (kinikilig ang loka-loka.. naku... kung alam lang niya...)

Biglang lumabas ng klasrum sila Jill, Meg at Sara...

Jill: Ui. Borge!!! Ellie!!!

Meg: Dali ano... walang pasok sa Friday...

Sara: Oo nga... go na tayo!!! Three days, two nights din yun!!!

Borge: Kung ako nga... game ako dun... ikaw ba Jill? Lam naman naming strict parents mo ee...

Sara: Sabihin mo kay Tita may gagawin tayong importante para sa school... dito nakasalalay ang grades mo... pag di ka sumama... babagsak ka!!!!

Japo: Oo nga naman Jill... (pa-cute effect nanaman) Sumama ka na... sabihin mo ke Tita hahatid sundo kita...

Ako: T--t--TEKA NGA!!!!! Ano bang mga pinagsasasabi niyo??? Di ako maka-connect... busy ang line...

Borge:Yan kasi napapala ng laging late...

Sara: Magbagong buhay ka na nga Ellie...

Meg: Haha. Si Mam sa Financial Management nagpapagawa ng Case Study... naisip namin mag-overnight tayo somewhere para dun...

Napataas ang kilay ko??? Case study??? Tapos mag-oovernight???

Ako: Asa naman kayong may magagawa tayo pag nag-overnight tayo...

Sef:
 Meron akong alam na hotel sa may Tagaytay... pwede tayo dun!!!! (dinededma lang ako)

Ako: Teka nga bakit TAYO? Kasama ka ba? Excuse me...

Borge:WWWAAAAHHH!!! TALAGA!!!! (sabay yakap sa bisig ni Sef) Naku tara na... (biglang flirt mode) Siguradong MAG-EENJOY KA PAPA SEF!!! RRRRrrrr...


Sef:
 Haha. Ganun ba? Muka nga... (sabay tingin saken with kindat effect pa!!!)

Aba't talagang... GGGGRRRRRR.... Sinusubukan niya ang pasensya ko!!!!!!

BAKA NAKAKALIMUTAN NIYA, MAY UTANG PA SIYA SAKEN!!! 

To be continued.

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [ 1 of 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon