Chapter 30-1. Ang Kwento ni Miss Elena!

25.8K 345 16
                                    

Sara Louisa Dela Rama was watching through her window habang papaalis na sila Ken, Jill at Japo. She didn’t even bother to walk them out her house. Pero biglang bumukas yung pinto ng kwarto niya and Borge came in. Hindi man lang lumingon si Sara. They just stood on their places as silence befell upon them.

“Asan na si Ellie?” Sara then asked, her voice was barely a whisper.

“Umalis na, kasama si Sef.” Borge answered. Yung tono ng boses niya parang sinasabing, as if you care. “Ellie doesn’t deserve what you did.”

“I know Borge,” Sara said, still looking out the window. “I was just…” She sounded confused. “I… was just…”

“You were what?” Borge scoffed. “Wag mong sabihing nagseselos ka?”

Sara remained standing before the window. She didn’t utter any reply.

Borge took a step towards the sofa. “You like him don’t you?” Sa tanong ni Borge, biglang napalingon si Sara sakanya. “I mean, Max. You like him right?”

Sara didn’t answer. She sat down at the edge of her bed before saying, “Aalis na nga pala ako tonight, papuntang Australia.” Borge was simply looking at her friend. “Dun muna kami until New Year.” Patuloy lang sa pakikinig si Borge ng biglang siningit ni Sara. “Could you tell Ellie that I’m sorry?”

She was truly sorry. Naunahan kasi siya ng selos… at ng inggit? Haha. Funny isn’t? A girl like her who has everything was feeling all these towards her friend. At hindi lang basta friend. Dahil si Eleonor Malicsi Dimaculangan lang yun. Oo. Si Ellie lang.

Borge shook her head in disagreement. “No,” Borge reached out for the door. “You should tell her that yourself.” With that, Borge walked out her room.

Sara Louisa Dela Rama grew up thinking she could have everything. Tama nga siguro si Darren nung tinawag siya nitong spoiled brat. Nasanay kasi si Sara na nakukuha ang lahat ng gusto niya… but right now, she couldn’t seem to have that one guy she liked so much: si Darren Max Sanchez.

Eleonor Malicsi Dimaculangan

“Ellie!” Sef was trying to get my attention as he parked before a restaurant. The first thing that came across my mind was that, lilibre ulit ako ni Sef. Hindi naman ako ganun ka slow para hindi maisip agad yun. Hindi man lang nga ako nakakain kila Sara ee. Kung sa bagay, mas matagal pa nga ata yung binyahe ko papunta sa bahay nila kesa sa tinagal ko dun. “Wag mong sabihing aayaw ka sa libre?”

He already stepped out the car, pero ako nakaupo pa din dun. Oo, alam ko, given na yung katotohanan na mukha akong libre. Pero… hindi ba parang mali na toh? I mean, baka kasi… MASANAY ako masyado na nililibre ako ni Sef? Na… hinahatid niya ko? And that was the last thing I wanted to happen. Ang masanay ako.

Lumabas ako nung kotse and looked around, maganda yung lugar na pinuntahan namin. Simple lang siya na commercialized building. Para siyang square na tabi-tabi yung restaurants. “Oh, san mo ba gustong kumain?”

I wasn’t listening to him as I walked towards the bench na nasa gitna mismo nung square. Meron pa ngang mga fountains ee. Nakakatuwa naman ang ambiance dito.“Oi Ellie.” I heard Sef walking after me. Iniwan ko kasi siya bago pa siya pumasok nung resto. Akala niya kasunod niya siguro ako. Haha.

Sa totoo lang, hindi naman sa ayokong magpalibre…. wala lang din kasi ako sa mood kumain. Alam niyo, ang isang Dimaculangan na katulad ko ee meron din namang mga prinsipyo sa buhay at isa na dun ay: Magalit na saken ang buong mundo, wag lang ang mga taong mahal ko. Oo, ako yung tipong walang pakialam sa kung anong iniisip ng ibang tao. Pero, hindi ibang tao si Sara saken. Kaibigan ko siya. That’s why I am bothered this much.

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [ 1 of 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon