Chapter 37-4. Ellie's Chocolatey Buddy!

23K 297 12
                                    

Eleonor Malicsi Dimaculangan

Minsan iniisip ko, ano kaya ginagawa ko habang nagpapasabog ang Dios ng talento sa mundo?? Kasi, bukod sa pag-kaen ng marami ng hindi tumataba, at ang matinding talent ko sa pangongopya tuwing exams at bukod sa pagiging saksakan ng tamad, wala na kong iba pang naging talent kundi ang mag-luto. haha. Yeah, hindi ko naman ipinagmamayabang na masarap akong magluto ng adobo, tinola at sinigang. At naku, higit sa lahat ang pamatay kong Spaghetti na lasang Italian. Hindi, hindi ko yan pinagmamayabang, lalo pa at hindi ako laking probinsya. Laking maynila talaga kasi ako. Manila-girl kung baga.

Sa totoo lang, nahawa lang naman ako sa hilig ni Pepita sa pagluluto. She was the one who introduced me to cooking. Siya yung kababata namin ni Darren, na kasa-kasama pa nga naming naglalaro sa talyer nung mga bata pa kami. Kaso nga lang pag tungtong namin ng highschool ee lumipad na siya papuntang Canada. Mahilig yun mag-bake ng cookies, cake at cupcakes. Mejo hinawaan lang niya ko sa hobby niyang ito.

At ngayon, salamat sa impluwensya niyang yun at naisipan kong gawan ng cupcake si Sef. I don't want to know what inspired me. Para kong tangang naka-ngiti habang nagluluto. Bawat dagdag ng asukal, bawat halo ng gatas... I was imagining what a certain Miguel Josef Uy Monteverde would look like kapag natikman na niya ang mga cupcake na ito. Haha. Nae-excite tuloy akong ibigay sakanya. Magustuhan kaya niya??

Aaminin ko, first time kong gumawa ng cupcakes para sa iba. Madalas kasing customer ko ee itong mga kapatid ko at sila Mama't Papa, isama na din natin sila Manong Domeng at Kuya Rolly yung mga mekaniko sa talyer. Haha. Actually, kasama ko pa nga sila Mama at Em-em nung niluluto ko ang mga ito kaninang umaga. Hindi ko alam kung anong sumapi sakin at naisipan kong gumawa ng cupcake. Pati nga sila Japo at Borge present nun, kasi nga pinipilit nila kong pumunta sa linshak na Christmas Party na ito. Ee parang lagi naman akong WALANG choice kapag sila Borge na ang namimilit. Ang galing nga nila ee, hindi ko alam kung papano nila napapayag si Papa na pasamahin ako ngayon. Haiii... ibang klase talaga ang mga tropa kong ito. IMBA.

Tapos ngayon, ANO?? Mag-isa akong kumakain dito at mag-isa akong pumaparty. Isinama lang din pala nila ako dito para IWAN!! Mga animales talaga... okay na sana ee, solo ko na nga din dapat si Sef, kaso bigla naman siyang hinatak nung mga babaeng yun. Nakaka second round na nga ako sa pagkaen ee, hindi pa naman ako sanay ng kumakain mag-isa.

"Merry Christmas SEF!" Narinig kong bati nung babae. Nakatayo kasi sila sa may harapan ko. Biglang hinablot nung babae si Sef sa balikat, pulling him to lean down at her para maka-kiss siya sa pisngi ni Sef.

Para kong tangang nanunuod lang sa kanila... my eyes were fixed on Sef alone. He was smiling habang tinatanggap ang mga regalo na inaabot sakanya nung mga babae. Ngingiti din kaya siya kapag binigay ko yung regalo ko sakanya?? Napalunok ako. Parang bigla akong nanlamig... oh sheet Ellie, wag mong sabihing KINAKABAHAN KA??? Punyeta, wala sa lahi natin ang duwag!! Dios mio, iaabot mo lang naman yang cupcake oh. May mas hihirap pa ba dun??

Nakatayo lang ako dun, para kong nakapila... waiting for my turn to give my gift for him... kaso lang wala talagang chance, sobrang nagkakagulo na yung mga babae. One gift after the other tapos may bonus pang kiss sa cheek ni Sef. Nakangiti lang si Sef, as if he was pleased with the fact na napapalibutan siya ng mga babae. Nag-eenjoy ang loko!! Napansin kong mga kutis artista yung mga babaeng nakapalibot sa kanya. Yung mga girls na tipong kayang makipag sabayan sa isang kagaya niya. Mga girls na hindi makakaalis ng bahay hanggat walang nakalagay na make-up sa muka nila. Haha. Tinitignan ko palang yung mga suot-suot nilang mga heels parang nasasaktan na ako ee.

Hindi ko na namalayan nakatitig lang ako kay Sef. Tapos as in sobrang bilis lang, nagkatinginan kami, and I was forced to look away. I noticed him smile even more as he was trying to make his way towards me. Papalapit siya ng papalapit while still receiving praises from the girls. "I'll see you girls later."Sef was saying, pinipilit niyang makawala sa mga babaeng nakapaikot na sakanya. "Thanks, thanks." He was chanting.

And finally, yeah, finally he was standing there before me, nakatingin lang din siya sakin... and boy was my heart beating so fast?? Para kasi siyang magpropropose na pakasalan ko na siya. Hahahaha. Feeling ko naman daw!!

I looked at the bag of cupcakes na kanina ko pa talaga hawak-hawak. Hindi ako makatingin sa kanya as I felt my cheeks turning redder than usual. GAAAAAH!!! BAKIT GANITO?? PUNYETS!! SHEET ELLIE!! NOW'S THE TIME!! IBIGAY MO NA!!

Papaabot na sana yung kamay ko sakanya... right that moment, habang inaabot ko sa kanya ang cupcakes na yun, parang pakiramdam ko, It was my heart I was about to give to him. Ang weird, ni ayaw ngang tumigil sa pag-tibok ng puso ko ee... para kong tanga, bakit first time mo lang bang mag-aabot ng regalo ha Ellie?? Huwag ka nga!! Umayos ka!! Pakerr!!

Para cupcake lang ibibigay mo meron ka pang nalalamang kaba-kaba... at may puso effect ka pa jan!! Animales!! Pero swear, mas lalo akong kinabahan when I noticed Sef wasn't smiling at all. Yeah, he looked rather serious, wala yung ngiti na binibigay niya dun sa mga babaeng naunang nagabot ng regalo sa kanya. He was staring a me with unexpressionless eyes. Gusto kong pumikit, gusto kong isara ang mga mata ko para hindi makita kung ano pang magiging reaksyon niya... Kaso lang, minsan talaga kapag feeling mo perfect timing na ang lahat... in the end, hindi pa din pala... kasi bago pa man makuha ni Sef biglang dumating ang number one BEST FRIEND KO!! Syempre, walang iba kung hindi si Bea Madrid.

"SEEEEFF!!" She screamed excitedly, even wrapping her hands around Sef for a tight embrace. "I've been looking all over for you." As usual, para nanaman akong hanging nakatayo dun. Bea stood between me and Sef, her back facing me. Nagulat si Sef, para bang hindi niya ineexpect ang biglang pagdating ni Bea. He forced a smile. Ang weird ni Sef kasi kahit na bumati siya ng, "Hi." sakin pa din siya nakatingin.

And goodness, I have to admit Bea Madrid is stunningly charming that night. She has quite irresistible charisma at nagmuka siyang porselanang manika with her classy black dress lalo na yung buhok niya na naka ayos pa ng bonggang-bongga. Kaso lang parang may something sa itsura niya. She looked a bit drunk, marami na sigurong nainom ito.

“Sef,” sabi ni Bea, touching him ever so softly on his cheek. “Merry Christmas! Here’s my gift, open it.” She handed Sef a small box wrapped in a golden gift wrapper. "Go, open it." She insissted.

Sa totoo lang, it would be better for me to leave. Kaso lang, gustuhin ko mang tumalikod, ayaw ng mga paa kong gumalaw. I was rooted there. Naalala ko si Japo kanina, nakatayo lang siyang pinapanuod ang lahat ng mga pangyayari... kagaya ko ngayon.

Sef smiled at Bea. “Ah, yeah, sure.” He was saying as he opened the box hurriedly na kala mo excited na makita ang laman nito. At ayun, isang Raymond Welch na relos ang nasa loob nung maliit na kahon. Sef’s smile widened.“Uh...thanks Bea.” He muttered softly and quickly returned the watch in the box.

Sef was smiling. Sheet!! Napatingin ako sa hawak-hawak kong gift bag na walang ibang laman kung hindi ang lilimang cupcake na kakaluto ko lang kaninang umaga. Kumpara sa isang Raymond Welch?? Anong laban ng cupcake ko jan?? Hahaha. Funny ka talaga Eleonor!! Papano mo naisip regaluhan ng cupcake ang isang Miguel Josef Uy Monteverde?? Clown ka nga atang talaga... at kapag binigay mo yan sakanya, magmimistulang JOKE lang ang mga cupcakes mo na yan at hindi titigil yang si Sef sa kakatawa. That’s for sure!!

My gripped tightened sa gift bag na hawak ko. Napahigpit ang hawak ko dito na para bang ayoko ng bitawan pa. And for the first time... sa tanan ng buhay ko... ngayon lang ako nakaramdam ng ganito... ng ganitong klaseng kaba at takot... Hindi ko kayang ibigay ee, naimagine ko na magiging itsura ni Sef pag binuksan niya itong regalo ko... as usual, he would just laugh at it.

Huwaw. Ang weird nuh?? Parang hindi ako ang nagsasalita... parang hindi isang Ellie ang nagiisip ng ganito. Pero, ewan ko ba... dinaga talaga ako ee...

“Salamat Bea, uh... if you will excuse me for -- ” Narinig kong sinabi ni Sef, papalagpas na sana siya kay Bea but she didn’t let him through. Meron kasing nakalimutan si Sef, hindi ba routine na ng mga nagbibigay sakanya ng regalo na i-kiss siya right after they’ve handed him their gifts?? Pero ibahin niyo si Bea... she didn’t aim for his cheek... it was her own pair of lips that stopped Sef from finishing what he was supposed to say.

Napayuko ako as I bit my lower lip... sabi ko sayo Eleonor ee wag na lang... wag mo na nga lang talagang ibigay!! Hahaha. Oh ano pang hinihintay mo?? Tara na!! GO!!

RETREAT NA ELLIE!! Haha. Istorbo ka lang sa moment nila!!

TO BE CONTINUED.

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [ 1 of 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon