Chapter 43-1. Suntok sa Buwan.

22.6K 277 65
                                    

Eleonor Malicsi Dimaculangan

Bakit ganito? Tamad na tamad na tamad na tamad ako sa buhay ko… haaaaiiiii… I sat down on one of the many benches sa MUP – the one under the shade of the huge tree na hanggang ngayon ee hindi ko pa din alam kung anong uri ng puno. Likas na magubat talaga itong unibersidad namin, maraming puno, halaman at damo. Kaya naman gustong-gusto kong naka-upo dito sa labas kesa sa loob ng classroom. Presko ang hangin at di mo mararamdaman ang mainit na sikat ng araw. Sabi ko sa inyo ee, environmentalist ako. Haha. I enjoy the company of trees, of green grasses… lalo na’t walang SEF na bumabagabag sa kin… walang mga pasaway na kaibi –

“Uyy, Ellie.” It was Kenneth Paolo Fernandez. Ahy, sheet… wala na… SIRA NA YUNG MOMENT. Tsk. I turned to look at him, sobrang dami niyang dala-dalang bag. Kala mo naglayas siya sa bahay nila… then I realized bag nila Meg, Sara, Jill, Borge yung mga dala-dala niya. “Oh, ayan. Ooof.” He placed the bags beside me as he took a deep breath.“Pabantay nga muna niyan, Ellie.” He took out his handkerchief and patted it across his forehead. Mas lalo tuloy siyang nagmukang chinito. Pawis na pawis na kasi siya, parang pinasan na niya ang buong mundo ee. Haha. “Sabi ni Japo, lalo na daw ‘toh.” Lastly, he carefully placed a black Jansport bag on my lap.

“Bakit? Asan ba sila Japo?” I asked habang pinagmamasadan yung bag ni itim ni Japo.

“Andun sa gym, nanunuod ng basketball. Accountancy vs. Engineering.” He explained. “Andaming tao ee…” He waved his hand, fanning himself for a bit of cool air. “Di ka naman manunuod diba? Pabantay muna aa?” He asked already walking away.

“Sige, sige.” I nodded. May choice pa ba ko ee nilagay na niya yung mga bag dito. Haha. “Sinong nananalo?”Pahabol ko.

“Eng!” He said as he broke into a run pabalik sa gym.

Sheet. Parang gusto ko na tuloy manuod… But on second thought… mas okay na dito… peaceful… Atchaka, tinatamad talaga ako. Hahaha. I looked up the sky as I heaved a sigh, blowing air up my bangs. Hmmm… actually, kagabi ko pa tinangka gumawa nung love letter na sinasabi ni AJ… pero dios ko, ni isang letra wala man lang akong maisulat… siguro… kasi… takot akong malaman kung anong maisusulat ko dun… o kaya naman sa simpleng kadahilanang HINDI KO ALAM KUNG PANO GUMAWA NG LOVE LETTER!! Anakshuta yan.

Pero ito na lang ang last chance ko… kung hindi… mauuwi na lang talaga ako sa unang-unang plano ni AJ. WWAAAAHHH!! Di pwede yun. NO WAY HU SAY!!

Sandali, bakit hindi na lang natin simulan ngayon? Tumingin ako sa kanan ko, sa kaliwa, sa likod, sa harap at sa itaas… WALA namang tao… halos karamihan ng estudyante ng MUP nasa gym, nakiki usisa sa laro ng basketball. I smirked despite of myself. Hmmm… napatingin ako sa bag ni Jill… tama, sa yellow pad ko na lang isusulat. At talagang alam kong sa bag lang ni Jill ako makakakuha nun. Hahahaha. Syempre, sya lang naman talaga ang huwarang estudyante saming lahat. Hehe. “Jill penge aa?” I muttered. Well kahit papano nakuha ko namang magdala ng sarili kong ballpen.

I sighed, at ginawa kong patungan yung bag ni Japo. Okay… isipin mo na lang Ellie… pagka gawa nitong sulat… MATATAPOS NA YANG MALAKING PRUBLEMA MO!!!

-------------------------------------------------------------------------------------------------
Just because we are friends
Doesn’t mean I don’t love you,
It just means I’m too scared to tell you
How much I really do.

Darren Max Sanchez

Hinding-hindi ko makakalimutan yung unang beses kong nakita si Ellie. Believe me, mahaba pa buhok niya nun. Haha. Kahit nun pa, she already possessed those pair of round, expressive black eyes. At kapag ngumiti yan, contagious. You’ll feel obliged to smile back at her.

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [ 1 of 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon