Eleonor Malicsi Dimaculangan
Five hours. Oo five hours. Siguro naman sapat na yun para isiping hindi na sisipot si Miguel Josef Uy Monteverde. Sinabi ko naman na sa inyo noon pa, hindi ako martir kaya wala akong balak na maghintay dito hanggang sumapit ang dilim at tuluyang magmanhid ang pwet ko sa kaka-upo. Malapit na nga sigurong isipin ng mga tao dito na may balak akong bilin ang Starbucks. Atchaka, masyado na din na-eexpose ang likod ko sa suot kong damit. At higit sa lahat, nanginginig na ko sa gutom. Wala akong balak mamatay sa gutom dahil lang sa paghihintay kay Sef nuh. So, siguro naman, I have enough reasons to leave.
Come to think of it, hindi naman talaga ito ang unang beses na ginawa niya toh… nung sa EK pa lang ee, iniwan na niya ko in exchange for Bea. Haha. The only difference back then was that nakasama ko siya kahit papano. Yung ngayon naman, pinaasa lang ako. Hahaha.
Okay lang nuh!! Well at least, I made my part sa pustahang ito. Siya itong hindi tumupad. It’s his loss.
Pero Eleonor Malicsi Dimaculangan… ito na. Tapos na ang lahat ng ito. Kapag lumabas ka na, make sure everything will end. As in lahat… pati yang… nararandaman mo!! Okay?? Wag na si Sef, wag na sakanya… utang na loob lang…
Ito pala ang mahirap sa lahat… yung… kapag… UMASA ka?? Haha. Ellie, hindi porket sweet siya, hindi porket niregaluhan ka niya ng guitara, hindi porket niyaya ka niyang makipag-date sa kanya, hindi porket inattempt niyang i-kiss ka dati… hindi porket nag-spend kayong dalawa ng Christmas, o kaya hindi porket nakuha na niya ang loob ng pamilya mo… hindi ibig sabihin nun GUSTO KA NA NIYA. None of it means anything… Just because Sef seemed to like you doesn’t mean he really does.
Yan, ayan na nga ba ang sinasabi ko ee… ang problema kasi sa mga babeng kagaya mo Ellie… you make them believe that you don’t like him, but the truth is you really do… at si Sef naman?? Sus. Lalaki yan… and you know what they say… the problem with boys is that, they can make you believe that they love you, even if they don’t. As simple as that.
Kaya pwede ba?? Itigil mo na ang ilusyon mo jan. Nagmumuka ka lang tanga.
Kaya go na Ellie. I think it’s time for you to go.
Pagkatayong-pagkatayo ko, there was this familiar figure standing beside me. “Ellie,”Goodness, parang gusto kong yumuko, parang nahulog puso ko. Haha. Pano ba naman kasi it was Sef. He looked as usual, stunningly handsome.
Ano ba toh?? Ang alam ko nagiilusyon lang ako kanina, pero hallucination?? Haha. Hindi naman ako naka drugs. Sef looked rather serious, yung parang hindi mo pwedeng i-joke. “Kanina ka pa?” Parang natapakan ang pride ko sa tanong niya!! Kasi parang… first time kong maghintay ng ganito!! KAINIS!!
“Ano ka?” I answered defensively. Nakasimangot na nga ako ee, kasi nanginginig ako sa INIS!! Gusto ko sanang paduguin ilong niya!! GGrrrr… “Kararating ko lang nuh!!”
Napatingin sakin yung security guard. Yung tingin na parang, Kararating lang daw oh, ee halos ikaw na nga nagbukas nitong Starbucks.
Nakita din ni Sef yung tingin ni manong, “Sorry, I wasn’t supposed to be late. But something came up and…”
“Sinabing kararating ko nga lang ee!” I hissed angrily as I tried to walk pass him but he blocked my way. Sef grabbed my hand and dragged me with him papalabas ng Starbucks. Seryoso pa din yung muka niya. Hindi na lang ako nagreklamo. Hawak niya kamay ko ee. Hahaha. Grabe Ellie, diba galit ka? Galit ka!! Haha. Sandali, mamaya nga hawak pa nga kasi nya kamay ko!!
Dinala nya ko sa Pajero niya na naka double parking. Hawak pa din niya kamay ko as he opened the door sa passenger seat. “Get in.” It was a direct command but I just stood there, not moving. Nakakunot ang noo ko, di nya ko madadaan sa mga ganyang galit effect niya nuh!! Mas di hamak na intindihin niya dapat ang GALIT ko!!
BINABASA MO ANG
LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [ 1 of 2 ]
Roman d'amourHaving a bad day? This is a light rom-com that will surely put a smile on your face. Enjoy & have FUN! :) PS. This novel has violated all the rules of grammar in all possible ways, and the author is already aware of that. ;) © Elliedelights