Chapter 03. Sef is the Name! (edited)

40.8K 544 25
                                    

Love-Nat by Elliedelights

Chapter 03. Sef is the Name! 

For a while, I thought my heart stopped and time seemed to drag on forever. Hindi ko ma-gets, parang hindi kayang i-comprehend ng brain cells ko ang mga sumunod na pangyayari. Mas gugustuhin ko pang mag-solve ng isang libong accounting problems o mag-analyze ng isang dangkal na financial statements kaysa harapin ang mapait na katotohanang ninakawan ako ng unang halik ng multong ito!

Siguro nga hindi ako babaeng maituturing sa kilos, galaw at pananalita pero kahit papaano naman importante pa rin sa akin ang first kiss na 'yun. Anakshutang animales talaga! Hindi ko lubos na maisip na ako, si Eleonor Malicsi Dimaculangan, ay nanakawan ng halik ng walang hiyang multo na ito!

Grrr... gusto ko talagang mag-wala! Kailangan niyang panindigan ito!

Lechugas, wag kang O.A. Ellie, halik lang 'yan!

"Oh, okay na miss." He then said. The arrogance in his voice was hard to miss. "You're safe now. A simple thank you will do." He then stepped away and I felt –

T-teka ano raw? Thank you? Gusto niyang mag-pasalamat ako sa kanya? Ako? As in, AKO?! Narindi talaga 'yung tenga ko, para bang bigla akong sinampal at nagising mula sa isang masamang bangungot. Nakaramdam ako ng matinding pangangailangan na tawagin ang lahat ng pari sa buong mundo para ma-exorcise na nila ang naliligaw na kaluluwang ito!

"Wag mo ko masyadong titigan miss, baka ma-in love ka! Simpleng thank you lang ayos na!" He said it like everything that happened was just a random joke. Obviously, it was a meaningless kiss to him. Anakshuta naman Ellie! Anong aasahan mo sa isang kagaya niya? Multo nga hindi ba?! Kaluluwa na lang 'yan, wala ng puso 'yan!

Parang may lumabas na laser beams sa mga mata ko at nag-mistulang bulkang sasabog ang dibdib ko. I never thought I could hate a ghost this much! Lord naman kasi eh, bakit hinayaan niyong mangyari ito? Alam niyo naman pong mahalaga sa akin ang first kiss na 'yun. Hay naku Ellie ikaw naman talaga itong may kasalanan, hindi ka kasi nakikinig sa mga sinasabi sa'yo ni Borge!

Ipinikit ko ang mga mata ko at huminga ng malalim na malalim.

Relax, Ellie! Relax!

Huwag mong patulan ang multong 'yan. Oo nga pala, multo lang siya at maaaring guni-guni ko lang ang lahat ng ito. Nasobrahan lang ata ako sa pagbabasa ng Law books ko at na-law-loka na ako! Haha. Hindi mo papatulan ang multong iyan Ellie. Hindi ka baliw!

Tumalikod na ako't nag-simulang maglakad pabalik sa The Manor.

"Oy, t-teka lang... saglit... miss!"

Hindi ko na siya pinansin pa. Ilang beses din niya akong pinapatigil, pero dedma lang ako. Patuloy lang siya sa pagsunod sa akin kahit na takbo't lakad na ginagawa ko. Hindi ko talaga siya kakausapin, maglalaho rin 'yan mamaya! Pero nung nakaabot na ako sa labas ng The Manor, hindi na talaga siya kinaya ng pasensya ko.

"Miss, pipe ka ba? Hindi ka ba talaga marunong sumagot kapag kinakausap ka? O baka naman masyado kang nadadala sa gandang lalaki ko?" Ay naku, sinasabi ko na sa inyo! Sagad na sa buto ito mga kaibigan! NAKAKAINIS! Makaka-tikim talaga ito ng matinding exorcism sa akin!

"Pwede ba? Wala akong panahon sa mga manyak na kagaya mo! Kaya pakiusap lang, iba na lang multuhin mo!"

Napakunot 'yung noo niya, tila ba nagiisip. "Multo?" He repeated the word like it was something he has never heard before. "Right." He nodded, staring intently at me. "You're that same girl the other day. Ha. Itong gwapo kong ito? Pagaakalaan mong multo?"

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [ 1 of 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon