Eleonor Malicsi Dimaculangan
We walked in peace. Walang away. Walang nakaasar na mga side comments. We just walked. I was beside him with a distance of one good centimetre away. Mahirap na, baka hindi ko na alam magagawa ko kapag nagdikit pa ulit ang balat namin. Hahaha. Habang papalapit kami ng papalapit sa pupuntahan namin, the more na kinakabahan ako.
Gaaaah. Bakit ko ba kasi naisipang isama si SEF?? Of all my friends… pwede namang si Max na lang, o kaya si Japo hinding-hindi makakatanggi saken yun.
Remember Yakap-sul? The one who texted me last night? Yakap-sul was the code name of my cousin, si Karla. Why Yakap-sul you’d ask? Well… malalaman niyo din mamaya pag nakarating na kami.
Nga pala guys, I have a theory in mind. THEORY lang. It still needed thorough investigation. Haha. Kasi diba nga si Sef? Naisip ko kasi, madalas I found him staring at Ms. Elena in the 2nd floor lobby at school. He was MAD at her kaya is it possible na kaya siya laging nasa MUP ee because he was hoping to see his brother instead? Yeah, all this time… he was just wishing his brother would drop by at the clinic of Ms. Elena? With this thought, parang kumirot ang dibdib ko. Sinong magaakala na ang napaka gwapo’t mayaman na Miguel Josef Uy Monteverde ee nagtatago ng ganitong KWENTO?? Gosh. Daig pa niya talaga ang mga teleserye sa tv!! GAAAAD!!
Ganito ba talaga? Pati ako dapat malungkot para sakanya? Pati ako dapat masaktan para lang sakanya?
I stole another glance of him and within a second ibinaling ko kaagad ang tingin ko sa mga bahay-bahay at mga gusali. GULAY!! Nakatingin din pala kasi siya saken!! ANIMALES!! WWAAAAHH!! Nahuli tuloy ako. Wag na wag siyang magkakamaling mangasar, uupakan ko talaga siya.
He smirked as usual. “Oi.” He muttered. “San mo ba talaga ko dadalin?”
I ignored him. Dedma lang. Hindi ko talaga siya papatulan.
“To think na talagang nag-bihis ka pa para lang saken.” He was grinning widely now. “Sana sinabi mo na lang na gusto mo kong ma-solo. Marami akong alam na lugar na malapit pa sa MUP.”
Napatigil ako. I was gritting my teeth in anger. NAKAKAINIS!! SABI KO NA EE,MANGAASAR SIYA DAHIL SA DAMIT KO!! “Kapag hindi ka tumigil, ililigaw talga kita! Remember, ako ang MAPA mo!!”
Gusto kong takpan yung mukha niya!! AYOKO MAKITA YANG NGITI NIYA!! NAKAKAINIS nakaka in love kasi lalo ee!!! RRRRR…
“Iligaw?” He asked. “Ee parang kanina pa ko naligaw aa?”
“Ano?”
“Kanina pa ko naligaw.” He repeated, looking intently at me, as in TITIG talaga. “Jan sa puso mo.”
JOHN LLOYD IKAW BA YAN?? Animales!! Hindi ko napigilan ang sarili ko dahil sobrang natawa ko. Taeng mga BANAT yan oh!!
Grabe nuh? Ngayon lang sumagi sa isip ko… as in ngayon lang. Sef has so many qualities na hindi mo aakalaing meron siya. Haha. Ano daw? I mean, diba unlike sa mga leading man ng mga movies at Korean novelas na napapanuod naten ee Sef LOOKED exactly like one, but he was totally different. Hindi siya yung tipong suplado na BAD BOY image. When in fact, yun yung usual na ugali especially someone like him na mayaman at gwapo.
He was the exact contrary of everything. Sa totoo lang, if he didn’t steal my first kiss that night in Eastwood. We could have started as good friends, really… hmmm… but on second thought? Hindi rin pala kami magiging good friend!!!
Sa totoo lang hindi mahirap pakisamahan si Sef. Except for the fact na SOBRANG YABANG NIYA!! Yabang about his looks, yung gandang lalaki niya… Hahaha. And despite everything he has been through, LAGI pa din siyang naka-SMILE. Madali siyang mapatawa. Madaling makipag-kwentuhan sa kanya. Madaling makipag biruan sakanya… and most especially, madali ding… ma in love sakanya?? OH GOOD LORD. What was I thinking just now?
BINABASA MO ANG
LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [ 1 of 2 ]
RomanceHaving a bad day? This is a light rom-com that will surely put a smile on your face. Enjoy & have FUN! :) PS. This novel has violated all the rules of grammar in all possible ways, and the author is already aware of that. ;) © Elliedelights