Hindi na siya nagdalawang isip na lapitan ang babae.Hinawakan niya ito sa braso bago pa ito tuluyang umalis.
"Miss,mag usap tayo".
sabi niya hawak parin ang babae.Halatang nabigla man nagsalita ito."Hmm anong kailangan mo?sorry huh hindi kasi kita kilala eh.at may importante pa akong lakad".sabi nitong akmang tatalikod na. Pero hindi parin niya ito binibitawan.
"Hindi ka aalis!" galit niyang sigaw dito.Halata nadin sa mukha nito na naiinis na.
"Sino kaba?at bakit galit ka sa akin?ano bang problema mo?!" galit nading sabi nito.
"Oo nga pala, by the way im Yani girlfriend ng lalakeng nilalandi mo kanikanina lang.."
pang uuyam niya dito."Sorry miss wala akong alam sa sinasabi mo". wika nitong nakakunot noo.
"Pwes sinasabi ko sayo,layuan mo si Dim!.alam ko inagaw mo siya sa akin at ikaw ang dahilan kaya iniwan niya ako!."malakas na ang boses niya.
Lalong nagulat ito sa sinabi niya pero nanatili parin itong kalmado.
"Hindi ko na hawak ang isip at desisyon niya kaya kung ako sayo tanggapin mo nalang."
wika nito na lalong nagpasakit
sa kanya."Akin lang siya,at kahit anong mangyari hinding hindi ako titigil na kunin siya uli't sayo." sabi niyang sabay bitaw sa
braso nito.Napabuntong hininga ito at matapang na nakipagtitigan sa kanya.Maya maya pa'y nagsalita ito.
"Alam kong hindi ito ang huli na magkikita tayo miss kung nasasaktan ka ngayon lilipas din yan..wag mo nang alamin pa ang rason ni Dim kung ba't ka niya iniwan dahil baka hindi mo makayanan.."
YOU ARE READING
Please Stay With Me
RomanceLarawan ng isang masayahing babae si Yani.Bakas na sa mukha nito ang ngiti na siyang naglalarawan kung anong klase siyang tao.Hanggang makilala at mahalin niya si Dim.So far perfect couple na nga silang ituring ng mga taong nakakakilala sa kanila.Ei...