Chapter 19

18 2 3
                                    

Masayang pinagmasdan niya
ang nobyong himbing parin sa pagtulog.Hinayaan na lang niya dahil alam niyang napagod din ito sa kakalangoy nila sa dagat kanina.Kahapon pa ng gabi sila nakarating dito sa resort niya sa Batangas.Nabili niya ang resort na ito sa isang kaibigang artista.






Noon paman ay pangarap na niyang magkaroon ng resort na katulad nito ngayon.Malayo sa polusyon at sa trabaho.Sa loob ng limang taon niya sa industriya
bukod sa nabiling bahay at lupa sa probinsiya na tinutuluyan ng tiya Maming niya at ang anak nitong si William.Nakapagpatayo narin siya ng skwelahan sa bayan na iyon sa Lipa,Batangas.








Na kung saan nakatira ang batang lalake na pinangakuan niyang paaralin at ang kapatid nitong babae limang taon na ang nakakaraan.Ang batang si James at ang kapatid nitong si Katarina na ngayon ay kapwa nasa grade9 na.Paminsan minsan kapag may oras siya ay dinadalaw niya ang paaralan at lalo na ang mga bata.






May sarili narin naman siyang condo sa Makati kaya hindi na naging mahirap pa sa kanya ang pagdadrive sa bawat tapings or guesting na dinadaluhan niya.
Pwera nalang kung malayo ang location kaya kumukuha siya ng driver para ipagmaneho sila ng PA niyang si Xixi.






Pinagmasdan niya ang medyo maalong dagat at ang papalubog ng araw sa mga sandaling iyon.
Kay ganda ng tanawing nakikita niya.Pumikit pa siya at sinamyo ang sariwang hangin.Ang bawat haplos nito sa kanyang balat na nagbibigay ginhawa sa kanya.
Sobra sobra niyang namiss ang lugar na katulad nito.At lalo pa siyang nasiyahan nang gumalaw ang natutulog paring nobyo na na sa kanyang kandungan.






"Mariane honey.."
mahinang sambit nito.






Ngiting ngiti siya habang tinitingnan ito.Katulad parin dati nagsasalita ito habang natutulog. Parang kailan lang tatlong taon na pala sila ni Harold.Naaalala pa niya noon ang pagtatiyagang panliligaw nito sa kanya.Hindi ito sumuko kahit na ilang beses na niya itong pinagtutulakang palayo sa kanya.Kahit na noong nasa probinsiya ito at sya naman nasa Manila dahil sa pag aartista.
Halos buwan buwan siya nitong binibisita noon.Isang rason lang naman kung bakit hindi niya ito magawang mahalin ay dahil sa masakit parin sa kanya ang mga nangyari sa kanila ni Dim.






Umabot pa sa puntong kinuntsaba niya ang isang kasamahang actor noon na magpanggap bilang boyfriend niya para lang tantanan siya nito.
Effective naman ang kalokohang pinlano niya.Hindi na kailanman ito nagpakita sa kanya.Ni walang balita siyang narinig pa mula sa lalake.Hanggang sa nakatanggap siya ng tawag mula sa kaibigang si Fanie noon na binalitang nasa hospital ang binatang si Harold.






Nahold up daw ito sa loob mismo ng sarili nitong kotse ng nagmagandang loob ang binata  na isakay at dalhin sa hospital ang babaeng buntis kasama ang asawa nito na nadaanan nito sa may bandang Siyudad.Pero hindi inasahan ng binata ang sumunod na nangyari.Tinutukan siya nito ng baril sa ulo at pilit na pinapa labas ng kotse.Agad naman sana siyang bababa ng tyempong may
dumaang pulis sa puwesto nila.
At marahil sa pagkakataranta ng holdaper ay naiputok nito ang baril sa binata na tumama sa likod nito.






"Hmmm ang  bango
naman ng honey ko pakiss nga."
mabilis siya nitong kinintalan ng halik sa labi na siyang pumukaw sa diwa niya.






Pinamulahan tuloy siya ng mukha sa ginawa sa kanya ng nobyo.Mabuti nalang at medyo may kadiliman na ang lugar kaya hindi nito nakita ang pamumula niya.Dahil malamang pauulanan na naman siya nito ng unlimitted the moves na mga kakornihan.






"Buti naman gising kana.
Hali na punta tayong kusina ipagluluto kita ng masarap na hapunan na tiyak magugustuhan mo honey."yaya niya sa nobyo.






Please Stay With MeWhere stories live. Discover now