Chapter 35

17 1 0
                                    

Dim's POV

"Malayo paba kuya pogi?
Im really so tired na talaga."
reklamo muli ni Jessie.

Kasalukuyang naglalakad kami ngayon papunta sa batis para mag swimming.Kasama namin ang isang tour guide papunta roon.Mahigit sampung minuto palang kaming naglalakad ay puro reklamo na itong kasama ko.Lalo na si Jessie at Cassidy.
Habang si Yani naman ay tahimik lang habang nakaakbay dito ang nobyo.Sina Amy at Gino naman ay puro kulitan lang sa anak nitong si Terdy.

Pakiramdam ko tuloy na out of place ako dito.Nasasaktan parin kasi ako habang nakikita kung gaano kasaya si Yani sa piling ni Harold.Parang ang sarap lang hablutin ang dalaga sa pagdikit ng katawan nito sa lalake.Pero syempre wala akong karapatan na gawin yun.Kasi kahit ganun pa man masayang masaya na ako na naging maayos na ang lahat sa amin ni Yani.

"Andito na po tayo sir maam."
pagkuwan saad sa amin nung lalaking tour guide.

Tiningnan ko ang buong paligid.
Ang sobrang linaw ng tubig na umaagos mula sa malalaking bato na nasa taas ng bahagi ng lugar.Halos hindi ko maimagine kung paano napunta ang mga batong yun sa bawat parte kung saan ito nakapwesto.Para kasing sinadyang gawin ang mga iyon.
May hugis mahabang mesa at bilog na upuan na yari sa bato at lahat ng yun ay makikinis.

May mga puno pa sa tabi nito na siyang nagbibigay lilim sa kung sino mang gustong magpahinga.
Nakakamangha lang talaga ang ganitong uri ng kalikasan sa gaya kong laman ng syudad ng Manila sa mahabang panahon.Ramdam ko pa ang lamig ng simoy nang hangin kahit tirik na tirik pa ang araw.Naakit na akong lumusong sa tubig ng batis.

"It's amazing!" hangang sabi ni Cassidy.Pumikit pa ito at tila ninanamnam ang paligid.

"Baby Terdy halika ka at sama tayong mag swimming."
masayahang sabi naman ni Jess.

Nagpaalam naman na sa amin ang lalakeng tour guide at nagsabing babalik ito bago dumilim.Abala na ang mga kasama ko sa pagbibihis para lumusong na sa tubig.Una na ngang lumusong si Jessie na akay pa si Terdy at nakasunod naman sa mga ito ang mag asawang sina Amy at Gino.

Habang sina Yani at Harold naman ay nagkasya na muna sa pagbabad ng mga paa sa tubig habang nakaupo sa batuhan.
At ang malditang si Cassidy ay nakaupo lang sa isang bilog na upuang bato na katapat ko.

"Cassidy ba't di kapa nagbibihis?
Huwag mong sabihing takot ka sa tubig niyan?" biro ko dito.

As usual tinaasan lang ako ng kilay nito at tiningnan pa ako ng masama ng maldita.Napaka grr talaga ng babaeng ito.Kung hindi lang ito kapatid ni Amy eh baka pinatulan ko na ito sa pagiging mataray nito.Sa hindi ko akalain ay lumapit ito bigla sa akin at umupo sa tabi ko.Pasimple pa itong ngumiti at tiningnan ako.

Napalunok ako ng laway ng magsalubong ang mga mata namin.Bulag lang naman ang lalakeng hindi mabibighani sa taglay na ganda nito.Kahit lagi itong nakasimangot ay lutang na lutang parin ang karisma nito na hindi mo pwedeng baliwalain na lamang.Sa wari ko'y lalo pa itong gumanda ng masilayan ko ang nakangiti nitong mukha.

"Easy lang baka mabaliw ka.
Siguro ginahasa muna ako sa isipan mo noh? Pervert."
walang gatol na sabi sa akin ni Cassidy.Napagkamalan pa tuloy akong manyak ng babaeng ito.
Pero imbes na mainis ay naisip kong sakyan ang sinabi nito sa akin.

"Ikaw nga diyan eh kung makatingin ka.Aminin muna kasing pinagpantasyahan mo narin ako ngayon." patutsada ko dito.

"Kapal mo huh.
Baka nakalimutan mong may atraso ka pa sa akin hikboy!!"
sinadya pa talaga nitong diinan ang salitang iyun na siyang kinaiinisan ko.Sabi kasi nitong puro ako sinok ng gabing lasing na lasing ako habang hinatid niya ako pauwi.At isa pa nag thankyou na ako dito yun nga lang hindi nito tinanggap,sa kadahilan na dapat may kapalit.
Ibang klase talaga ang lola niyo!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 26, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Please Stay With MeWhere stories live. Discover now