Chapter 16

29 1 0
                                    

Dim's POV







"Dim andito na tayo."
rinig kong wika sa akin ni Amy.






Pero sa halip na sagutin ito ay nanatili parin akong nakapikit na para bang napakahirap para sa akin ang imulat ang mga mata ko.Ang sakit pa ng ulo ko.Dagdag pa ang sugat ko sa may kaliwang pisngi dahil sa pakipagsuntukan ko kanina sa bar.



"Dim ano ba.."
halatang naiinis
ng wika nito sa akin.


Pinilit kong magmulat at nilingon ito.Bahagya pa itong nagulat ng binalingan ko.Ako naman ngayon ang nagtaka sa nakikitang hitsura nito ngayon.



"Bakit.?"
mahinang tanong ko dito.



"Umiiyak ka.."
sagot naman nito.



Agad akong napahawak sa pisngi ng maramdaman kong basa nga iyon.Hindi ko na naitago dito ang totoong nararamdaman ko.Kahit na ilang beses kong pinahid ang mga luhang pumatak sa pisngi ko ay para bang wala itong balak na tumigil.Nakakahiya man dito ay hinayaan ko na ang sarili kong ibuhos lahat ng sakit sa dibdib ko sa mga oras na yun.




Kahit pala lalake ka,sa oras na hindi mo na kaya ang sakit ay bibigay karin.Katulad nga nang ginagawa ko ngayon.Wala parin akong tigil sa pag iyak habang hinahagod naman ni Amy ang likod ko..






Alas otso ng umaga ng magising ako kinaumagahan.Gustuhin ko mang pumasok sa trabaho ay di ko kaya.Masyadong magulo ang takbo ng utak ko.Masakit parin sa akin ang mga nalaman.






flashback




Sa wakas nakarating narin ako sa labas ng building ng condo ko.
Namiss ko rin ang lugar na ito. Mahigit anim na oras din ang binyahe ko mula Maynila pabalik dito.Halos anim na buwan akong namalagi sa site ng daddy.Nagka roon kasi ng problema sa isang project nito sa Singapore kaya kailangan nitong lumipad papunta roon.




Pero naisip ko ding nakabuti sa akin ang pagpunta ko sa Maynila. Para umiwas narin kay Yani. Lumayo mula rito at sa mga posibleng pang mangyayari.




Papasok na ako sa building ng unit nang makasalubong ko ang head ng security.Agad nito akong binati at nagkumustahan.Kilala ko narin naman kasi ito.Sa tagal kong namalagi sa unit na ito ay naging kaibigan ko narin halos lahat ng empleyado rito.



"Sir Dim nga pala,bago ko pa malimutan may isusuli ako ."


Sabi nito na saglit akong iniwan at tinungo ang information desk.
Nakita kong may inabot ang isang babae rito na hindi ko malaman kung ano.Lumapit uli ito sa akin at inabot sa akin ang isang susi.



"Nalaman naming sayo yang susi na iyan.Malamang ay naihulog mo yan kung saan." sabi pa nito.



Tama nga itong susi ito ng unit ko pero..



"Sir Dim may problema ho ba.?"
tanong nito sa akin.



"Sino ang nakakita nitong
susi at kung saan ito napulot.?"
takang tanong ko dito.



"Napulot po iyan ng housekeeper nung araw na may isang babaeng aksidenteng nahulog sa hagdan."
wika nito.



"Nahulog sa hagdan.?"
tanong ko uli dito.



"Yes sir Dim.
Ang pagkakaalam namin hindi sa unit na ito nakatira ang naturang babae malamang bumisita lang yun.Mismong ang nakatira sa flat #3 room6 ang tumulong at nagdala sa babae sa ospital."



Please Stay With MeWhere stories live. Discover now