Cassidy's POV
Kanina pa ako nababagot dito sa bahay.Medyo nanibago ako sa sobrang tahimik ng paligid.Tsaka ko pa naalala na ngayon nga pala ang araw ng out of town nila ate.
Nasanay na kasi akong maingay ang loob ng bahay na ito dahil sa makulit kong pamangkin na si Terdy at idagdag pa ang ama nitong ubod ng daldal.Kaya tuloy minsan hindi ko mapigilang makisali sa lahat ng trip ng mag ama.Na madalas nga ikakasakit ng ulo ni Ate Amy.Napangiti nalang ako habang iniimagine ang busangot na mukha ni Ate sa tuwing puno nang ingaay ang buong bahay.
At ang puro kalat na sala at kuwarto.Sana nga pala hindi nalang ako pumunta kina Daddy.
Bad shot lang naman ako palagi sa pamilya nito.Napaaway pa tuloy ako ng wala sa oras dun.
Kabuwisit.Kinuha ko ang cellphone ko sa loob ng bag at agad na idi-nialled ang numero ni ate.Tumagal din ng hundred years >echos< lang ang usapin naming magkapatid.
Sapilitan to the highest level ang peg ko para pumayag lang ito na sumunod ako sa kanila.Mabuti nalang at nagdilang anghel si kuya Gino.Kaya heto ako ngayon nag aayos na ng gamit para sa pag alis ko bukas ng umaga.Mag alas nuwebe na ng gabi ng maisipan kong pumasok na sa kwarto ko para matulog.Pero sadya yatang pupuyatin na naman ako nito ni Mr.Kupido.
Paano ba naman kasi pinaalala na naman niya sa akin ang mukha ng lalakeng mahal ko.Ang lalakeng tanging minahal ko ng ganito kalupit.Daig pa nga nito ang ipo-ipo sa bilis nang hagupit nito sa puso ko.Kasing lalim na yata ng Pacific ocean ang tindi ng nararamdaman ko para dito.Ewan ko ba,kahit sa loob lamang ng limang buwan ng pagsasama namin ay talo ko pa ang salitang tanga sa pagkabaliw sa kanya.Yeah ako na talaga si baliw.To the point na kailangan kong iwanan ang trabaho ko para sundan siya dito sa Pinas.
Ganoon ako kaloka sa kanya.
I've been four years in States at stable ang work ko doon.Ni kahit sa loob ng mga taon na yun ay di ko naisip ang umuwi dito sa Pinas kahit pa lagi akong pinilit nila Daddy.Well,hindi naman nila ako masisi eh.Hindi ko kasi vibes ang new family nito.Si Daddy naman naiinis ako
lagi dahil pinipilit na nitong mag asawa ako.Eh twenty five palang naman ako.Since nung namatay si mama sa probinsiya ay hindi narin kami masiyadong nag uusap ni ate.Sabagay kahit dati pa naman ay di talaga kami bati.
She was so quiet,serious at strict.
Minsan ko nga lang siya marinig na nagsasalita.Ang damot damot pang ngumiti.In short,bad vibes din kami.Kaya nung nasa States na ako ay bilang lang sa daliri ko yung mga pagkakataon na nag uusap kami sa cellphone kahit sa skype nga eh napakadalang.Nalaman ko na lang na ikinasal na ang magaling kong kapatid.Ni hindi manlang ako binalitaan at inimbitahan! Ang bait bait!Pero yun nga hindi ko naman siya masisi eh.Hindi nga kasi talaga kami close.
Pero yun nga si God na ang gumawa ng way para siguro magvibes na kami ni ate Amy.
Simula ng iwan ako ni Arl sa States.Este umuwi na kasi siya dito.The truth is hindi naman talaga kami official.Ah fling niya lang ako,shockss ang sakit.Yes ang lupit.Simula palang kasi inamin na niya sa aking may gf siyang iniwan dito sa Pinas.Pero dahil mahal ko nga siya kaya ayos lang sa akin na fling niya.Besides,were living on a same roof.Pagmamay ari kasi ng pamilya nito ang town house na tinitirhan ko sa States.Alam kong una palang sasaktan ko lang ang sarili ko sa pinasok ko.Pero kahit ganun itinuloy ko parin.
Until the day came he left me.
Hindi ko iyon napaghandaan.
Masiyado akong nalunod sa saya sa tuwing magkasama kaming dalawa.Aaminin kong marami narin na akong nakarelasyon dati.Pero iba si Arl.Ibang iba.
Minahal ko siya ng ganun kabilis.
Walang hocus pocus.Ni walang pakipot.Basta sumabay lang ako sa agos ng nararamdaman ko at nagpatangay sa bawat init ng mga katawan namin.Kaya sh*t 101 percent ang sakit!
Ramdam ko ang unti unting pag gunaw ng universe sa buong sangkatauhan ko noong araw na napag alaman kong nakaalis na siya.Yes po readers,hindi niya po sinabi sa akin na babalik na siya ng Pinas.Ni text o note man lang wala talaga eh.Ang lupit ni kuya noh?? Sakit sa bangs😖.
YOU ARE READING
Please Stay With Me
RomanceLarawan ng isang masayahing babae si Yani.Bakas na sa mukha nito ang ngiti na siyang naglalarawan kung anong klase siyang tao.Hanggang makilala at mahalin niya si Dim.So far perfect couple na nga silang ituring ng mga taong nakakakilala sa kanila.Ei...