Yani's POV
Hindi ko parin maiwasang makaramdam ng lungkot at
sakit sa tuwing naaalala ko ang nakaraan.Ewan ko ba,akala ko tapos na ang masalimot kong kahapon na siyang paulit-ulit na nagpaparamdam sakin ng sakit na hindi ko alam kung kailan matatapos.Pinahid ko ang mga luhang unti-unting pumapatak sa pisngi ko.
Hangga't maari ayaw ko munang mabahiran ng lungkot ang araw na ito.Pinangako ko na sa sarili kong hinding hindi na ako iiyak dahil sa mapait na kahapon.Tumayo na ako at muli'y inayos ko ang aking sarili.Buti nalang at hindi tuluyang nasira ang make up ko sa pag iiyak ko kanina.Pag nagkataon eh baka lalong mahuli pa ako sa tagpo namin ni Jessie.
Yes,magkikita kami ng dati kong kaibigan na yun.At dahil hindi na man na ako busy sa araw na ito kaya pinaunlakan ko na siya.Pagbaba ko ng unit ay panaka naka'y binabati ako ng mga taong nakakasalubong ko sa lobby.Lalong lalo na ang mga receptionist.Alam kong nahihiya rin ang mga itong makipag usap sa akin dahil iniisip siguro nang mga itong di ko sila papansinin.
"Good afternoon Ms.Mariane."
bati sa akin ng dalawang babae."Good afternoon din sa inyo."
nakangiti kong sagot sa mga ito.Naglakad na ako palabas ng building ng marinig ko ang pinag uusapan ng mga babae kanina.
"Ang ganda ganda niya talaga noh at ang bait-bait pa."
"Sinabi mo pa,lagi pang nakangiti kaya nga lagi namin siyang binabati pag nakikita namin siya eh."
"Yun nga lang hindi tayo pwedeng magpapicture sa kanya.
Bawal eh.Kainis.."Napangiti ako sa narinig ko
mula sa mga ito.Sinipat ko ang aking wrist watch.Alas kuwatro ng hapon.Okay pagbibigyan ko muna ang mga receptionist.Kahit man lang sa kunting minuto ay mapasaya ko sila.Naglakad muli ako pabalik sa mga ito."Hi!can i have your cellphone?"
nakangiti kong tanong sa dalawang receptionist.Sabay pang napatingin sa akin ang dalawang babae na lumaki ang mga mata.
"Narinig ko kasi ang pinag usapan niyo kanina so i guess.."
"Naku maam Mariane,
pasensiya na po kayo sa
narinig niyo po galing sa amin."
nahihiyang sabi sa akin ng isa.Lalo pa akong napangiti sa sinabi nito.Kaya naman pala ganoon na lang paglaki ng mga mata nito ay dahil takot ang mga ito na baka magalit ako sa mga narinig.
"Heyy.diba gusto niyong makipag picture sa akin?
So come.Habang may oras pa ako.Kayo rin baka magbago pa
ang isip ko.."Sinadya ko pa talagang bitinin ang sinabi ko.Lalo pang lumaki ang mata ng mga ito sa narinig.
Pero agad ding nakabawi ang isa at nagpipigil na lumapit sa akin.
Ang isa naman eh akala mo naka kita ng multo.Nakatakip pa ang kamay nito sa bibig."Sigurado po
kayo Maam Mariane?"
tanong sa akin ng isa."Yes."
"Oh myG!!"
Rinig kong tili ng dalawa.
Agad namang kinuha ng isa
ang cellphone nito at mabilis na lumapit sa akin.Isa,dalawa..hindi ko na mabilang kung ilang beses kaming kumuha ng litrato.Basta ang alam ko eh napasaya ko ang mga ito.At walang paglagyan ang tuwa ko sa habang na katingin sa dalawa.
YOU ARE READING
Please Stay With Me
RomanceLarawan ng isang masayahing babae si Yani.Bakas na sa mukha nito ang ngiti na siyang naglalarawan kung anong klase siyang tao.Hanggang makilala at mahalin niya si Dim.So far perfect couple na nga silang ituring ng mga taong nakakakilala sa kanila.Ei...