Chapter 23

9 1 2
                                    

"Miss Mariane andiyan na po
ang sasakyang susundo sa atin."
tawag sa kanya ni Xixi mula sa likuran.





Hindi niya paring magawang bumitaw sa pagkatitig kay Dim at sa batang si Sophy na karga karga ng lalake.




"Susunod na ako Xixi,salamat."
sagot niya sa personal assistant.




"Okay po hintayin ko
na lang po kayo sa labas."
paalam nito sa kanya.





Parang nataranta naman siya sa narinig mula dito.Iisipin palang nga niyang mag isa siya sa harap ng mag amang ito ay hindi siya mapakali.





"No Xixi
sabay na tayo,wait lang."





Sagot niya sa PA tsaka
humarap muli sa mag ama.






"Kailangan ko ng umalis.
Nice meeting you little girl.
Pakabait ka sa daddy mo huh.
Bye sa inyong lahat una na ako."
paalam niya sa mga ito.






Mabilis na siyang tumalikod.
Hindi na niya inantay pang mag salita ang isa man sa mga ito.
Mahigpit ang kapit niya sa braso ni Xixi habang naglalakad sila palabas sa lugar na iyon.





"Ms.Mariane ayos lang ho kayo?"
pagkuwan tanong sa kanya ng babae.





Tumango lang siya
bilang sagot sa tanong nito.
Agad naman siyang pumasok sa loob ng sasakyan at tahimik na umupo.Nagtaka man ang PA niya sa kanyang kinikilos ay hinayaan nalang muna siya nito.






Hindi niya alam kung bakit ganoon nalang ang kaba niya pagkatapos ng muling pagkikita nila ng dating nobyo.Ang lalaki na naging dahilan ng minsang pagguho ng mundo niya noon limang taon na ang nakakaraan.






Ang masakit na katotohanang gumimbal at nagpabagsak nang buhay niya.Ang walang kasing sakit na pagsundok sa kanya ng konsensiya.Ang pagkamuhi niya sa myembro ng pamilya nito na naging dahilan ng pagkawala ng pinagbubuntis niya noon.Pero sa isip niya mas nakakabuti nga ang nangyari sa kanya pagkatapos niyang malaman ang totoo.







Ang katotohanan na ipinagkait sa kanya ni Dim.Ang pagtalikod nito sa kanya na walang pasabi sabi.Ang masasakit na salitang sinabi nito sa kanya.Ang walang awang pinagtutulakan siya mula dito.Ang aksidenteng pagtulak nito sa kanya noon dahil mas kinampihan nito si Amy.






Si Amy na ilang araw palang nitong nakilala ay agad na pinalit nito sa kanya.Ang babaeng kung makakapit kay Dim ay wagas na wagas.Ang babaeng naging sanhi ng tuluyang pagkasira ng knilang relasyon.Si Amy na mas hamak na maganda at sexy sa kanya.
Si Amy!Si Amy!Sh*t na si Amy!






Napabuntong hininga siya.
Pakiramdam niyang sumikip
ang dibdib niya sa mga naiisip.
Sa mga tagpong ilang minuto lang ang nakakaraan.Napasulyap siya sa labas ng bintana at nakita niya ang pag ambon nang langit.
Pakiwari niya'y umayon sa kanya
ang panahon.






Iniwas niya ang tingin sa labas at pasalampak pang napasandal sa upuan.Bakit ba siya binabagabag ng utak niya.Tapos na ang lahat ng bangungot niya noon.Winaksi na niya iyon sa isipan.Binaon na sa limot.At kahit kailanman ay di na dapat bang balikan.







Pero sadyang mapilit ang utak niya sa pagpapaalala sa kanya ng nakaraan.Nakaraan na dapat ay hindi na binabalikan.Na hindi na dapat pang pag aksayahan nang oras at panahon.Nakaraang wala ibang idinulot sa kanya kundi pagkamuhi.Pagkamuhi na ayaw na niyang maramdaman muli.






Bumalik sa matino ang pag iisip niya ng mapansing huminto ang sinasakyan nilang van.Narinig niya mula sa mamang driver na may kunting aksidente sa daan.
Anong klase kayang aksidente na man yun.May kunting aksidente bang nangyayari?Eh ano namang klase yun? Ang dami niya yatang tanong ngayon.Hahay..






Please Stay With MeWhere stories live. Discover now