"Oh my Gosh ang ganda niya!
Mariane please tingin ka naman dito please!!""We love you ms.Mariane!!"
"Ang ganda talaga ng boses mo grabe nakakainlove kaya idol na idol ka namin eh!!"
"Ms.Humble Princess pakiss!!"
Walang humpay na hiyawan
ng mga fans pagkalabas palang niya mula sa back stage.At lalo pang nagsigawan ang mga ito ng tuluyan na siyang nakatayo sa harapan ng mga ito.Kasalukuyang nasa Taguig
Global City Market Market sila kasama pa ang iba pa niyang kapwa artista.May mall shows kasi sila sa araw na iyon para epromote sa mga fans ang bago nilang pelikula na siya ang bida. And of course ang nalalapit na pagrelease ng kanyang new album na The Humble Me.Kaya naman hindi magkamayaw ang mga fans niya ng makita siya ng mga ito.Nauna nang lumabas kanina ang iba pa niyang kasama na naghandog ng kani-kanilang surprise number para sa lahat ng fans.Abot tenga naman ang mga ngiti niya habang nagsalita sa harap nang napakaraming tao gaya nito.
"Good evening po sa
inyong lahat! Hello Taguig!!"
sigaw niya sa kanyang mga fans.Matinding sigawan naman
ang sinagot ng mga ito sa kanya.
Bukod sa pagiging singer niya ay isa narin siyang ganap na artista.
Ni sa hinagap ay hindi pumasok sa isip niya ang pag aartista.Dati pa naman kasi ang pagkakanta lang ang pangarap niya.Ang maging isang sikat na singer.Pero sadya nga talagang
mabait sa kanya ang Diyos.
Isang linggo lang ang nakalipas simula nang tumanggap sila ng award na kapwa niya Dj mula sa Intertainment Media sa Manila ay biglang tinawagan siya nang isa sa pinakakilalang producer at inanyayahan sya nitong pasukin ang mundo ng showbiz kasabay ang pagsabak niya sa training for both acting and singing.Sumang ayon siya kaagad.
Nanghihinayang man siya sa maiwang trabaho niya noon ay mas nangibabaw para sa kanya ang abutin ang pangarap niyang maging isang singer.Hindi man niya siguradong makakamit iyon agad agad isa lang ang nagbigay lakas ng loob niya,ang mga taong handang sumuporta sa kanya.Bakas parin sa mukha niya ang matinding kasiyahan.Katatapos lang ng mall show nila sa araw na yun.Kahit na ramdam niya pa ang pagod sa buong maghapon ay masiglang masigla parin siya.
Hindi nga maalis sa mga labi nya ang ngiti.Na para bang wala ng wakas iyon."Uii Mariane nasa cloud nine kana ba diyan huh? huh?huh?"
paulit ulit na tanong sa kanya ni
Katya.Si Katya Aguilar.
Isa sa mahusay na aktres sa henerasyon nila.Kasama niya ito sa pelikulang pagbibidahan niya ngayon.Maganda,matangkad at higit sa lahat humble.Kaya nga sila nagkasundo dahil pareho sila ng ugali.Makulit rin ito gaya nya.Sa halip na sagutin ito ay lalo pa niyang pinalapad ang ngiti niya na para bang ilang saglit nalang
ay aabot na ito sa tenga.Hindi naman ito naasar sa ginawa niya at umupo lang ito sa katapat na upuan kung saan siya nakapwesto.Nasa back stage pa rin kasi sila at nag aayos nalang sa kanilang sarili.
"Ui humble princess baka mapunit na yang bibig mo sa
sobrang laki ng mga ngiti mo."
pagkuwan wika nito sa kanya.Nginitian lang niya uli ito.
Marahan niyang pinitik ang noo nitong nakakunot.Agad namang napa ouch ang kaibigan niya sa ginawa niya.Hawak pa nito ang ulo.
YOU ARE READING
Please Stay With Me
RomanceLarawan ng isang masayahing babae si Yani.Bakas na sa mukha nito ang ngiti na siyang naglalarawan kung anong klase siyang tao.Hanggang makilala at mahalin niya si Dim.So far perfect couple na nga silang ituring ng mga taong nakakakilala sa kanila.Ei...