Dim's POV
"Sir Dim dumating na po
ang mga stocks sa kitchen
na galing po ng Singapore."
balita sa akin ni Syra ng tumawag ito sa akin kahapon.Si Syra ang assistant manager
ng restaurant ko sa Tagaytay. Mahigit apat na taon narin ang resto ko na ito na nasa mismong kabisera ng naturang lugar.Kita mula dito ang Bulkang Taal na siyang nagbibigay atraksyon sa lahat ng costumer na dumadayo dito.Bukod sa magandang lugar na kinatatayuan nito ay ang mga ipinagmamalaki kong specialty ng iba't-ibang pagkain na tiyak ay balik-balikan ng costumer ko.Kahit busy ako sa iba ko pang negosyo ay priyoridad ko parin ang resto ko.Every weekend kong pinupuntahan ito para narin ma tutukan ko ang bawat takbo nito.
Dito korin naman kasi nagagawa ang bagay na siya talagang nais kong gawin---ang pagluluto.Ang passion ko sa buhay.My 1st love."Dim sigurado kabang ayos
lang na sasama kami sa inyo
ni Terdy sa Tagaytay? baka kasi makadistorbo lang kami doon."
nag aalangang sabi sa akin ni Amy."Ngayon ka pa nahiya
eh daang beses kana naming naisama doon." nakangiting sagot ko dito."Iba naman na kasi ngayon.
May dala na akong kasama.
At kilala mo naman iyang batang yan napakakulit,mana sa ama."
umiiling na wika nito sa akin.Napasulyap ako sa dalawang batang abala sa paglalaro nang kanilang ipad sa loob ng kotse.
Katabi ng mga ito si Aling Tess ang yaya ng anak kong si Sophy. Natutuwa naman ako dahil hindi na inaaway ng batang si Terdy si Sophy.Dati kasi laging umiiyak ang anak ko dahil inaasar ito ng batang lalake.Natingin uli ako sa katabi kong si Amy.Nasa mukha parin nito ang pag aalinlangan."Hey ayos lang iyan.
Big boy na iyang anak mo
kaya nakakaintindi na iyan kapag sinisita mo." sabi ko dito."Naku kung alam mo lang."
nakasimangot paring sabi
nito sa akin.Pinaandar ko na ang kotse ko
at mabilis ko itong pinatakbo.
Tahimik lang ang dalawang bata sa biyahe.Ang katabi ko namang si Amy ay abala sa pakipag usap sa kabilang linya.Kausap nito ang asawa nitong nasa ibang bansa para sa isang proyekto nito doon.
Pigil pa ang tawa ng katabi ko sa hindi ko malamang dahilan nito.
Siguro naglambingan na naman ito ng asawa nitong si Gino.Tatlong taon na ang nakakaraan ng ikinasal ang dalawa at agad namang nabuntis ang babae na ipinanganak ang batang lalake na si Terdy.Lagi nga reklamo sa akin ni Amy na ubod ng kulit ng anak nito gaya nga ni Gino.Saan pa nga ba ito magmana eh di sa ama nito.Laging sagot ko dito sa tuwing busangot ang mukha nito sa kalokohan ng anak na lalake.
Noon pa man inamin na sa akin ni Amy na gusto nito ang binata.
Kaya ng malaman nitong hindi pala magsyota si Jessie at si Gino ay lalong naghangad ito na sana magustuhan ito ng binata.Kaya sa kadespiraduhan ko noon na tantanan ako ni Yani ay nakipag sunduan ako ditong magpanggap ito bilang nobya ko sa harapan ni Yani kapalit ang tulong ko na ipa lapit ito kay Gino.Sa ngalan nga ng pag ibig ay pumayag ito.Sobra ko mang pinagsisihan ang nagawa ko noon ay wala akong choice dahil iyon ang nararapat.
Nasaktan ko man ng labis ang dating nobya at nasira ang buhay nito noon ay masaya narin ako dahil nakaya nitong bumangon na naging daan para marating kung ano man ito ngayon.At ang isa pang resulta ng kasunduan na ginawa ko ay nang nagkalapit ng tuluyan si Amy at Gino kahit na sabihing hindi rin naging madali ang naging relasyon ng mga ito.
YOU ARE READING
Please Stay With Me
RomanceLarawan ng isang masayahing babae si Yani.Bakas na sa mukha nito ang ngiti na siyang naglalarawan kung anong klase siyang tao.Hanggang makilala at mahalin niya si Dim.So far perfect couple na nga silang ituring ng mga taong nakakakilala sa kanila.Ei...