Chapter 04

26 2 0
                                    

Yani's POV

Napatingin ako sa relo ko, tskk almost thirty minutes na akong nakatayo sa gilid ng kalsada para mag abang ng trysikel.Nakuuu kung kailan pa ako nagmamadali tsaka pa ito nangyari.Hindi ako pwedeng  malate marami pa akong ereview pagdating sa klassroom namin.Nasa second year college na ako sa kursong mass communication. So far, mataas parin naman ang mga grades ko tulad ng dati kaya natutuwa naman sa akin sila tiya.Sumasali na rin ako sa mga singing contest at kalaunan nga ay kinuha akong singer sa isang music bar malapit sa pinapasukan kong unibersidad.

Nakita kong may papalapit na trysikel pinara ko ito kaagad.Huminto ito sa tapat ko at mabilis akong sumakay.

"Manong sa UN po tayo."sabi ko kay manong dryber.

Pagpasok ko palang ng klasroom namin ay napansin kong nakatingin sa akin ang mga kaklase ko.Lahat sila nakangiti na weirduhan ako sa mga ito hindi ko nalang sila pinansin. Mabilis kong tinungo ang upuan ko at binuklat ang notebooks ko.Saglit pa ay ramdam kong may umupo sa kabilang upuan na alam kong si Fanie yun,ang kaklase kong bakla.Naku isa pa to alam kong mkipag tsismisan lang ito sa akin kaya kunwari hindi ko siya napansin focus parin ako sa pagrereview.Nang biglang may humalik sa pisngi ko!

Pak!! alam kong napalakas ang paghampas ko sa hawak kong notebook sa mukha ng pangahas na taong nasa harapan ko. Nanatili itong nakaupo na ngayon ay hawak na ang notebook kong nakatakip parin sa mukha nito.Katahimikan. Maya maya pa ay inalis na nito ang notebook sa mukha at nagulat ako ng makilala ito.

"Dim?!!" gulat kong sabi.
"Good morning yab's sarap ng salubong mu sa akin ahh sapak ahaha".wika nitong nagpatawa sa mga kaklase ko.

"Pero ayos lang kasalanan ko naman.Makita lang kita buo na ang araw ko".at inabot niya sa akin ang tatlong pulang rosas na hawak pala nito.Napa "ohhh.." naman ang iba.

"Thankyou yab's.."nakangiti ko naring sabi sa nobyo ko at hinaplos ko ang pisngi niya.
"Sorry yab's huh..nasaktan pa tuloy kita.."nahihiya ko pang  wika.

"No problem yab's basta ikaw..
lakas mo sakin eh.tsaka wala namang nabawas sa kagwapohan ko kaya ok's lang talaga."biro pa nito sa akin.

"Ang corny mo ahh.."sabay hampas ko sa balikat niya.Tawa lang ito ng tawa.

"Hmm..yab's,hindi naman sa tinataboy kita ahh kaso kailangan ko talagang mag review eh darating na ang professor namin within twenty minutes kaya tsu tsu tsu.."natatawang taboy ko sa kanya.

Tumayo naman ito kaagad.

"Okay yab's..alam ko namang firstlove mo na yang pag aaral eh.Mag aantay ako sayo sa canteen para sabay na tayong kumain at ihatid narin kita sa dorm mo mamaya."sabi nito.

"Teka,wala kabang pasok yab's? at isa pa alasdos pa ng hapon uwian namin .."sabi ko sa kanya.

"Tinapos ko na ojt ko yab's kaya naman marami na tayong time together babawi ako sayo.."nakangiti paring wika nito sa akin.

"Okay,see you yab's..ingat ka".wika ko sa kanya.

Lumapit siya sa akin kinuha niya ang kamay ko at dinala niya ito sa mga labi niya tsaka hinalikan.

"I will..iloveyou yab's ko.."lambing nito sa akin.

Nahihiya akong sagutin siya kaya lumabi nalang ako.

"Wala bang iloveyou too diyan??
yab's naman.."pangungulit pa nito sa akin.

Hayy..alam kong hindi niya ako titigilan pag hindi ko pinagbigyan ang gusto nito.
Lumapit ako sa kanya at bumulong..

"Mahal na mahal din kita mr.Lopez.."nakangiti kong sabi sabay ng mahinang tulak ko sa kanya.

"Iloveyou more soon to be mrs.Lopez.."nakakalokong sabi nito na sinabayan pa ng flying kiss.

Napapailing nalang ako habang pinagmamasdan ko si Dim papalayo.Isang taon na mahigit ang relasyon namin at sa loob ng mga panahon na yon ay napakasaya ko.Hindi lang siya basta nobyo ko,siya nadin ang bestfriend ko.Napakalambing nito sa akin.Kahit busy kami pareho sa pag aaral namin ay nakakahanap parin ito ng oras para magkita at mkapamasyal kami.Kahit kailan walang palya ang pagcecelebrate namin sa monthsary.Katunayan nga nung first anniversary namin ay dinala niya ako sa tinutuluyan niyang apartment at ipinagluto.Napaka espesyal ng araw na yun bukod kasi sa birthday ko din nun.Pero lalo akong nasorpresa ng dumating sina tiya at pinsan kong si William.Kompleto na ang araw ko dahil kasama ko ang mga taong mahal ko.

"Miss salmoro,are you with us?"
rinig kong tanong ng proffesor namin.

Dumating na pala ito na hindi ko napansin.Napahiya tuloy ako ng wala sa oras.Tumango nalang ako sabay upo.Hindi parin mawala ang mga ngiti ko sa labi.

"Inlababo kasi iyan si Yani sir kaya lutang.."at nagtawanan ang mga kaklase ko sa sinabi na iyon ni Fanie.

Wala naman akong narinig pa galing kay sir.Pinasalamat ko nalang yun.Kinalabit ako ni Fanie.Kaya napatingin ako sa kanya.

"Ang yummy ng jowa mu girl huhh kakainggit ka..at mukhang mabait na mayaman."turing pa nito na halatang kinikilig.

Nginitian ko nalang ito at hindi na ako nagsalita pa dahil nag uumpisa ng magdiscuss si sir.

Two thirty na ng pumunta ako ng canteen.Naala ko palang mag aantay sa akin dun si Dim.Nakita ko nga siyang nakaupo sa pinakadulo kung saan paborito naming pwesto.Tumayo ito ng makita ako at kinuha sa akin ang hawak kong mga libro.

"Yab's dadalhin muba ang lahat ng mga ito?".tanong nito sa akin na ang tinutukoy ay ang mga libro.

"Kailangan yab's eh alam mo naman final na kaya todo review ako ngayon."sabi ko sa kanya.

"Okay,sipag talaga ng yab's ko..kaya mahal na mahal kita ehh."

Nilapag niya ang libro sa mesa at napansin kong nakaorder na pala siya ng pagkain.Napangiwi ako sa pagkaing nakita kong nakahain sa tapat ko.Narinig kong tumawa ito.

"Yab's naman ehh alam mo naman diba na hindi ako kumakain niyan?"wika kong nayayamot.Nawalan tuloy ako ng ganang kumain.

"Yab's need mo rin kumain ng gulay like this one masarap naman ah masustansiya pa, hindi yang puro tinapay na may palamang strawberry jam na yan..".akmang susubuan niya pa ako.Natural tumanggi ako hindi ko talaga ito kayang kainin.

"Hmmf..yab's please iba nalang.Tsaka alam mo naman na favorite ko yung jam eh,pero sige kakain ako ng gulay pero wag yang ampalya na yan please ang pait ehhh.."nakangiwi ko pang sabi sa kanya.

"Yab's makinig ka sa akin.una hindi ito mapait,pangalawa ako nagluto nito kaya paniguradong masarap at malasa,trust me okay?.pag yan hindi mo magustuhan hindi na ako tutuloy sa pagsicheft". pangungumbinsi parin nito sa akin.

Fine panalo na ito.Titikman ko na,huminga muna ako ng malalim bago ko sinubo ang isang kutsarang gulay na iyon.
Tama nga ito nagustuhan ko ang lasa at nakapagtatakang hindi nga mapait.Natuwa naman si Dim na nagustuhan ko ang niluto niya.Kumain narin siya. Pagkatapos ay nagpasya na kaming umuwi.Inihatid niya ako sa dorm ko gaya ng sinabi nito.

"Yayain pa sana kitang mamasyal kaso alam kong dami mo pang gagawin.Basta sa linggo yab's ha magsisimba tayo."sabi pa nito sa akin.

Isa ito sa nagustuhan ko kay Dim ang pagka makaDiyos nito. Sa ngayon bihira nalang ang lalakeng gaya ng boyfriend ko kaya napakaswerte ko sa kanya. Bago pa siya umalis ay hinalikan pa niya ako sa labi.Napatingin tuloy ako bigla sa paligid na baka may nakakita buti nalang wala pang tao nung mga oras na iyon.

Please Stay With MeWhere stories live. Discover now