Chapter 01

37 2 3
                                    

March 2005..

Graduation day:

Makikita ang kasiyahan sa mukha ng lahat ng studyanteng nagtapos sa araw na yun.Pero may ibang studyante rin ang nag iiyakan dahil malamang mamiss nila ang isa't-isa.Makikita mo rin sa mga magulang ang sobrang kagalakan ng masaksihan ang pagtatapos ng kanilang mga anak.Abala na  ang lahat sa pagkuha ng mga litrato ng mga sandaling yun.yung iba naman ay nag siuwian na..
Nang biglang may umaalingawngaw na animo'y napakagandang musika sa pandinig.at hayun ang nagmamay ari ng nakakahalinang tinig.Nakatayo ito sa gitna ng stage na nakangiti.Sabay winagayway ang kaliwang kamay nito habang kumakanta.Kilala siya sa skwelahan na yun hindi lang dahil matalino siya at bunos pa ang ganda ng boses nito.Kundi dahil likas talaga itong masayahin at mabait sa lahat.Lagi itong nakangiti na akala mo ay sinalo na lahat ng kasiyahan na galing sa langit.Kaya gustong gusto siya ng mga taong nakakakilala sa kanya.

Siya si Mariani Salmoro,
na mas kilalang Yani.
Labing dalawang taon pa siya noon ng maulila sa ina.hindi na niya nakilala ang sariling ama sa kadahilanang nasa sinapupunan pa lang daw siya ay hindi na nagpakita pa ang kanyang ama.Kaya nasa pangangalaga na siya ng kanyang tiya Maming kapatid ng namayapang ina niya.Single mom ang tiya niya at may isang anak na lalake.Nagpapasalamat siya ng malaki sa mga ito dahil tinanggap siya ng walang pag alinlangan.Tinuring na din siyang tunay na pamilya.Kaya bilang sulki sa kabutihan ng mga ito ay nag aaral siya ng mabuti at sikaping makapagtapos.At sa araw araw nga katuwang siya sa pagtulong sa kalenderya ng kanyang tiya na pag aari nito sa  bayan.At dahil likas na magiliw sa mga tao,marami na siyang mga suki.kaya naman tuwang tuwa sa kanya ang kanyang tiya Maming at ang anak nitong si William.

Nagpalakpakan ang mga tao.Hudyat na tapos na siyang kumanta.Ramdam parin ang kasiyahan sa paligid.

"Yani anak sobra kaming proud sayo .." naiiyak na wika ng tiya niya.at agad naman  niya itong niyakap.

"Tiya,para sa inyo po ito.At ipinagmamalaki ko sa lahat na kaya po ako nakapagtapos ay dahil po sa inyo.Maraming salamat po tiya."naiiyak narin niyang wika na yakap parin ito.

"Ahemm..ah eehh..pano naman ako ??.andito ako oohh..pansinin nyo naman ako uiii.." nakangising banat ng binatilyong si William. Sabay na napalingon dito ang mag tiya tsaka nagtawanan.

"Ayy naku William yan ang napapala mo sa kaka nood mo ng aldub na yan.."natatawang wika ng tiya niya.
"Infairness bunso ahh kuhang kuha mo na sila..eehee." patuyang nadin niyang sabi dito.

Nakasanayan narin niyang tawagin itong bunso.
Nagtawanan ulit sila. Ang saya lang sa pakiramdam na kahit hanggang sa pagdating nila sa bahay ay hindi matapos tapos ang biruan nila.Sobra pa siyang nagulat ng madatnan niyang ang daming pagkaing nakahain sa mesa.at may malaking nakasabit na tarpaulin sa ibabaw nito kung saan makita ang mukha niya at ang nakasulat na HAPPY GRADUATION! CONGRATS YANI!!
Ang saya saya niya.Pakiramdam niya sasabog ang puso niya sa sobrang tuwa.At ilang sandali pa ay lumabas na galing kusina ang may pakana ng lahat na nasaksihan niya.Nakasuot pa ito ng apron na lumapit sa kanila,sa kanya ..na dala ang isang cake.

"Im so happy for you Yani,more proud..nakss!! english yun ahh akala mo diyan..Valedictorian of the year.ikaw na talaga eh di wow*=* ".nakangising wika nito sabay kindat sa kanya.

Hindi na niya napigilang umiyak. Ang bait parin talaga ng Diyos sa kanya.Napapikit pa siya habang taimtim na nagpapasalamat.

"Thankyou Dim.."nakangiti na niyang sabi at niyakap ito.Niyakap na din siya nito ng buong higpit na parang sila lamang ang tao sa mga oras na iyon..

Please Stay With MeTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang