Yani's POV
Hindi na kami lumabas pa ni Harold.Nagpasya nalang kaming sa bahay nalang niya kami mag dinner.Ipagluluto ko nalang siya ng paborito nitong pork adobo.
Sana nga lang ma perfect ko pa rin ang lasa ng lulutuin ko.Hindi parin kasi ako mapanatag sa naging usapan namin ni Jessie kanina.Naku kahit kailan talaga wala akong kawala kapag ang kaibigan ko na yun ang nagpasya nang plano.Kahit siguro bilyong libo pa maging alibi ko gagawa't gagawan iyon ng paraan.
"Honey hmm ang bango."
saad sa akin ni Harold habang yakap ako nito mula sa likuran.Hawak ko sa magkabilang kamay ang pyrex na naglalaman ng luto kong pork adobo.Napangiti ako sa sinabi ng nobyo.
"Honey sige na umupo kana at ihahain ko muna itong kanin."
Sabi ko ditong nilapag sa mesa ang luto kong ulam at nagsandok ng kanin.Pagkatapos ay umupo narin ako sa tapat nito at sabay na kaming kumain.
Ganun lang.Isang simple pero masayang hapunan kasama siya.
Ito ang pinaka namiss ko kapag magkasama kami ni Harold.Ang pakiramdam na hindi ako sikat
o iyong tinuturing na prinsesa.
Dahil pag magkasama kaming dalawa isa akong simpleng tao na minamahal ng kagaya niya."Honey what are you thinking?"
Tanong nito sa akin habang magkayakap kaming dalawa sa may terrace.Kanina pa kami dito pero ni isa man sa amin walang imik.Hindi ko alam kung paano ko sasabihin dito ang tungkol sa plano ng kaibigan kong si Jessie.
Kumalas ako mula sa pagkakayakap nito para harapin
ito.Marahan kong hinaplos ang gwapong nitong mukha."You honey.Kung paano ako paulit-ulit naiinlove sa gwapong adonis na nasa harapan ko."
nakangiti kong sabi at pinisil ko ang pisngi niya."Hey.."
Tumatawang saad nito na siya ko namang lalong pinisil ang pisngi nito.Nakakagigil kasi.
"May sasabihin ako honey."
"I will listen hon."
mabilis na sagot nito."Ano kasi..
Si Jessie nagyayang mag --"
napakagat ako sa labi ko,hindi ko ata kayang sabihin kay Harold."Hey tell me kahit ano pa iyan.
I will always understand,honey.
Come'on speak." nakangiti nitong saad sa akin.Fine.Sabi nga niya he will always understand.Kaysa patagalin ko pa diba? Ano masasabi niyo.
Dabarkad's?
Madlang people?
KimXi fans?
Chikadora sa kanto?
Sa mga magtataho diyan?
Kathniel fans?
Aldub fans?
Sa mga haters?
Ano na.Sagot bilis!
"Honey are you okay?"
untag sa akin ni Harold mula sa nahihibang kong isipan.Napalunok muna ako ng laway bago sumagot dito.Tssk.kainiss.
Feeling ko tumatagaktak na ang malalagkit kong pawis."Ah ano kasi..plano kasi ni Jessie next week na mag out of town. Niyaya niya ako kasama ang dati naming mga kaibigan noon. Pumayag na ako kasi hindi naman na ako busy next week."
YOU ARE READING
Please Stay With Me
RomanceLarawan ng isang masayahing babae si Yani.Bakas na sa mukha nito ang ngiti na siyang naglalarawan kung anong klase siyang tao.Hanggang makilala at mahalin niya si Dim.So far perfect couple na nga silang ituring ng mga taong nakakakilala sa kanila.Ei...