April,2010..
Dim's POV
"Sir Dim i'ved already sent the flowers to ms.Yani earlier in this morning". bungad sakin ng secretary ko pagpasok ko palang ng hotel.
"Thankyou miss Jenny".sabi kong nakangiti.
Pagpasok ko sa opisina ay agad akong umupo.Kinuha ko ang cellphone at may tinawagan ako.
Ilang ring lang at sumagot na ito."Goodmorning yab's,iloveyou". sabi ko kay Yani.
"iloveyou too..thankyou for the flowers yab's ang gaganda".sabi nito sa kabilang linya.
"Very much welcome yabs basta ikaw.I will do everything to make you happy imissyou so much baby..i want to see you".sabi ko sa kanya.
Narinig kong tumawa ito.
"Sira ka talaga kagabi lang magkasama tayo.Ang korny mo"..patuloy parin ito sa pagtawa.
Napatawa narin ako.Nagpaalam na ito sa akin dahil mag uumpisa na ang klase nito.Dumako ang tingin ko sa litratong nakalagay sa mesa ko.Si Yani na yakap yakap ako sa likod na nakangiti.Kuha yun nung pumunta kami sa beach kasama ang mga kaibigan namin isang taon na ang nakakaraan.Wala parin itong ipinagbago, napakabait at ang lambing nito sa akin. Napakaswerte ko na minahal ko siya.Sa loob ng apat na taon ng aming relasyon ay napakasaya ko.Bukod sa napakaganda nito ay matalino pa na bunos pa ang taglay nitong nakakahalinang boses.Wala na akong mahihiling pa.Nasa akin na lahat magandang career,pamilya at lovelife.
Nang biglang tumunog ang telepono at sinagot ko ito.
"Dim,how is your day? Is everything okay there? imsorry ngayon lang ako nakatawag we are been so busy.."sunod sunod nitong sabi sakin.
Ang ate Rita ko,ang siyang nagmamay ari nitong hotel kung saan ako nagtarabaho sa ngayon. Ito ang nagkumbinsi sa akin na pamahalaan ko muna ang hotel niya sa kadahilanang kailangan itong pupunta sa states para mag aral ng culinary.Nung una ayaw ko sana pero dahil sa pangungulit nito at ni mommy sa akin ay pumayag na rin ako.Nakapagtapos ito ng kursong business management at sa loob ng dalawang taon ay nakapagtayo ng sariling hotel sa tulong naman ni daddy . Pansamantala lng din naman ito sa isip ko,besides after 2years ay babalik din naman si ate. Gusto ko din naman kasing magtayo ng sarili kong negosyo. Nasa dugo na talaga namin ang pagnenegosyo.Si mommy na siyang namahala sa resort namin at si daddy naman na bilang engineer ay lagi itong out of town para sa mga proyekto nito.Kaya bihira lang talaga sa amin ang magkakasama.Pero kahit ganun ay magkakasundo naman kami.
"Dim hello??are you there??" pukaw sa akin ni ate sa kabilang linya.
"Yes ate,".tumawa ako.."don't worry everything here is fine.So focus your self on your studies and enjoy.."sabi ko pa sa kanya.
"Thankyou somuch little brother, sabi ko naman sayo eh kayang kaya mo yan.hmm ihave to go basta if you have a problem just call me."wika nitong bago nagpaalam.
Napatingin ako sa labas ng bintana ang ganda ng sikat ng araw pakiramdam ko pa ay umaayon sa nararamdaman ko ang panahon.Ramdam ko ang lamig sa loob na nagmumula sa aircond.Hinubad ko ang suot na suit at naiwan nalang ang long sleeve na suot ko at inumpisahan ko ng hinarap ang trabaho. Nabigla pa ako ng tumunog ang cellphone ko.Tiningnan ko ito.ahhh nagpa alarm nga pala ako every 11:30 am hindi para sa akin kundi para sa babaeng mahal ko.Dinial ko ang numero ng isang kaibigan.
Agad naman itong sinagot."Andiyan na ba siya,Ivy?"tanong ko dito.
"Ou,kanina pa tapos na siyang kumain.Naubos naman niya lahat sabi pa nga niya wala daw siyang choice eh"..humagikhik pa ito habang sinasabi sa akin iyon.
Napapailing nalang ako tsaka ko binaba ang hawak kong cellphone.Simula ng makapagtapos ako at hindi na masyadong busy ay araw araw ko ng pinagluluto si Yani ng pagkain para sa lunch niya sa school.Lagi ko itong pinapadala sa kaibigan kong si Ivy na siyang may ari ng canteen sa school ko noon.Para sigurado akong kumakain ng gulay at ontime ang isang yun.Hindi puro strawberry jam sandwich lang ang kinakain nito.Noon paman paborito na nito ang jam,halos araw araw ay ito ang agahan at hapunan ng nobya kaya naman nag aalala ako sa kalusugan nito.Katwiran nito wala na siyang oras sa pagluluto ng pagkain.Bukod kasi pag aaral ay nagtatrabaho din ito sa gabi bilang singer sa isang music bar malapit sa unibersidad na pinapasukan nito.Napakasipag nito sa maraming bagay kaya sobra ang hanga ko sa kanya.Gustong gusto ko man siyang tulungan sa financial needs nito ay hindi ito pumayag.Independent ito sa buhay kaya ito ang isa sa mga nagustuhan ko dito.Kaya sa pagkain nalang nito ako bumabawi..
Lumipas ang mga oras.
Alas sais na ng hapon ako lumabas ng opisina para umalis at puntahan si Yani.Bitbit ko ang isang grocery bag na ibinilin ko sa secretary ko na ipabili.Masaya kong tinungo ang kotse ko at agad binuksan ang makina nito.Agad ko ding binuksan ang radio at nilagay ito sa istasyong paboritong pinapakinggan ko.Pumailanlang ang isang musika.Habang nagmamaneho ay hindi ko mapigilang sabayan ang kanta..I just can't believe
that you are mine now
You are just a dream that
Iwant to know..nanaananana...
Natapos ang kanta na paskil parin ang ngiti sa mga labi ko.Nakarating na ako at itinabi ko ang kotse sa tapat ng isang bar.Pumasok ako at napansin kong marami ng tao sa loob.Umupo ako sa di kalayuan sa stage at may hinahanap ang mga mata ko.Nang may lumapit sa akin na isang waiter.
"Sir,may order po ba kayo?" tanong nito sa akin.
"San mig please,thank's".sagot ko dito.
Saglit pa ay dumating na ang inumin ko at nakita ko na ang babaeng kanina ko pa inaantay.Nasa stage ito nakaupo sa isang upuan hawak ang mikropono.Ilang sandali pa ay pumailanlang na ang isang musika at nagsimula na itong kumanta..
Agad na inihatid ko siya sa dorm niya pagkatapos ng trabaho niya sa bar.Halata sa mukha nito ang pagod sa buong araw.bukod kasi sa final exam na nito ay heto doble kayod pa.Nagulat pa ako kanina ng pagmasdan ang suot nitong damit.Hapit na hapit ito sa katawan na kahit sinong lalake ay mapapahanga dito.Pula ang kulay nito na lalong nagpatingkad sa kaputian ng nobya.Napakaganda nito.Kaya naman hindi ko napigilan ang sarili kong hapitin ito sa bewang at hinalikan ito sa mga labi.Gumanti naman ito ng halik sa akin.God!! muntik pa akong hindi makapagpigil.Niyakap ko nalang si Yani ng mahigpit at nagpaaalam na dito.
"I have to go yab's at baka hindi ako makapagpigil,napakaganda mo kasi bagay na bagay sayo ang suot mo.."sabi ko sa kanya na nakangiti.
Nakita kong namula ito sa sinabi ko.Bago pa ito sumagot ay niyakap ko siya ulit.
"Mahal na mahal kita yab's.. please ingatan mo sarili mo.Magpahinga ka naman kung kinakailangan.Konting tiis nalang gagraduate kana,kaya ngayon palang masayang masaya na ako para sayo.."wika kong yakap parin siya.
Bumitaw ito sa yakap ko at pinagmasdan ako.
"Salamat sa lahat ng pagmamahal at suporta mo sa akin yab's..mula noon hanggang ngayon.Mahal na mahal din kita baby.." umiiyak ito habang nagsasalita.
Pinahid ko ang mga luhang dumaloy sa pisngi nito.At isa isa kong pinaghahalikan yun.
"Heeyy tama na yan okay??wag ka ng umiyak sige magpahinga kana may pasok kapa bukas.Iloveyou so much baby.."sabi ko ditong hawak hawak ko ang pisngi niya.
Ngumiti ito at tumango.
"Iloveyou too yab's..ingat sa pagdadrive ha.Text mo ko pag nakarating kana sa inyo,bye baby.."paalam nito sa akin.
"Thank's yab's.promise iwill take care..bye baby good night." sabi kong pinaandar na ang sasakyan paalis.
YOU ARE READING
Please Stay With Me
RomanceLarawan ng isang masayahing babae si Yani.Bakas na sa mukha nito ang ngiti na siyang naglalarawan kung anong klase siyang tao.Hanggang makilala at mahalin niya si Dim.So far perfect couple na nga silang ituring ng mga taong nakakakilala sa kanila.Ei...