Chapter17

25 1 1
                                    

Papalapag na ang eroplanong sinasakyan nila Yani sa airport.
Kasama niya ang kaibigang si Fanie at ang dalawa pa niyang
kapwa Dj.Nag selfie pa silang apat pagkababa nila ng eroplano.








Welcome to NAIA.
Ito agad ang nabasa ng dalaga pagkapasok niya sa malaking gusaling iyon.Hindi niya akalain na makatapak siya muli sa lugar kung saan sya lumaki.Sa lugar na kung saan ay maraming alaala na kasama ang namayapang ina.






Ilang sandali pa ay nasa labas na sila ng may lumapit sa kanilang isang lalake.Napag alaman nilang ito ang susundo sa kanila.Giniya sila nito sa sasakyan at maingat na nilagay nito ang mga bagahe nila sa likod ng van.







Habang nasa biyahe ay hindi maiwasang pagmasdan ni Yani ang bawat lugar na nadadaanan nila.Napansin niya ang malaking pagbabago ng Maynila lalong lalo na ang mga naglalakihang gusali na nagsitayuan dito.






Hanggang sa nadaanan nila ang Manila Bay.Bigla tuloy siya naka ramdam ng lungkot ng makitang muli ang lugar na yun.Lagi kasi silang namamasyal dito ng nanay niya nun.Lalo na sa Luneta Park.





Pilit niyang inalis ang mga alaala sa isipan. Ayaw naman niya na masira ang pagpunta nila dito sa Maynila.And besides karangalan nilang lahat na kapwa Dj ang rason kaya sila nandito.






Silang apat na Dj sa Starfm station ay napabilang sa mga bibigyan ng award for the Local Intertainment Media dito sa Manila.Kaya super excited sila sa tatanggaping award.






Opportunity narin para buksan ang career nila kung sakaling may kukuha sa kanila bilang Dj o guesting sa iba't-ibang network station sa radio man o maging sa television.






"Uiii ganda!
Ayos ka lang ba.?"
tawag sa kanya ni Fanie na siyang nagpabalik sa sarili niya.





Napalingon tuloy siya bigla dito.
Kita pa niyang sabay ding naka tingin sa kanya ang ibang pang kasama.Nag aantay na magsalita siya.





"Huh?ahhh oo ayos lang ako.
Masyado ko lang namiss ang lugar na ito kaya siguro ang layo ng narating ng imahinasyon ko."
sagot niya sa mga ito.




"Bakit ms.Mariane minsan
kana bang napunta dito sa Maynila.?" tanong sa kanya ni
Dj Zarah.






"Actually,dito ako lumaki at nagmulat sa magulo at the same time masayang lugar na ito."
wika niya dito.





"Talaga wow.eh di kabisado muna pala ang mga lugar dito."
wika naman sa kanya ni Dj Sam.






"Medyo..matagal na panahon narin kasi simula ng umalis kami dito ng inang ko pabalik doon sa lugar natin."





Nakita naman niyang napatango ang mga kasamahan niyang Dj sa sinabi niya.Si Fanie namn panay ang pakikipag-usap sa gwapong driver.Oo gwapo naman kasi ang lalake kaya nga doon ito umupo sa unahan para makatabi ito.






Napailing nalang ang dalaga habang nakangiti.Kita pa niya ang kakaibang kislap sa mata ng kaibigan.Para itong teenager na kilig na kilig habang kinausap ng crush nito.






Nagpasya nalang siyang maidlip muna.Dahil baka malamang ay aabutan sila ng siyam siyam sa daan sa sobrang traffic noon.
































New Park Palace Hotel.
Ito ang venue ng pagdausang awarding event ceremony na dadaluhan nila.Hatid sundo parin sila ng lalakeng driver gamit ang van.Kitang kita pa pagkapasok ang animo mga gintong batong nagkislapan sa paligid.Halos hindi na siya ma kahinga sa ganda ng mga iyon.





Please Stay With MeWhere stories live. Discover now