Dim's POV
Masaya kong pinagmasdan
ang batang babae na naglalaro
sa malawak na garden na iyon
ng aking bahay.Sakay ito sa isang bisikleta na niregalo ng kanyang ina para dito.Natutuwa ako kasi marunong na itong mag bike sa edad palang na apat na taon."Daddy!"
tawag sa akin ni Sophy
pagkakita palang nito sa akin.Iniwan nito ang sinasakyang
bike at patakbong lumapit sa kinaroroonan ko.Agad ko itong kinarga pagkalapit nito sa akin. Hinalikan pa niya ako sa pisngi at gumanti din ako."Daddy baba niyo na po ako.
Hindi na po kaya ako bata."
wika nito sa akin na naka pout.Ang cute talaga ng angel namin.
Sabi ko pa sa sarili.Ginulo ko ang mahabang buhok nito na lalong kinasimangot nito.Ayaw na ayaw kasi nitong ginugulo ang buhok dahil magmomodel daw ito gaya nang nakikita nitong commercial sa TV.Napangiti uli ako sa naisip."Daddy my birthday is coming na.Darating po ba si mommy.?"
pagkuwan tanong nito sa akin.Hinaplos ko ang mapupulang pisngi nito bago ko ito sinagot.
Katatawag lang ng mommy nito sa akin kanina at sinabing hindi nga ito makarating sa araw nang birthday ng anak.Napabuntong hininga ako.Alam kong masaktan na naman ito sa sasabihin ko."Now i guess she will not
coming again,right daddy?"
malungkot nitong sabi sa'kin.Mahina akong napatango
bilang sagot ko sa tanong nito. Kita ko pa ang namumuong luha nito sa mga mata na ilang sandali pa ay tutulo na.Masuyo ko itong niyakap.Hindi ko alam kung ano ang gagawin para mapasaya ito.
Tuluyan na nga itong napaiyak sa balikat ko na hinayaan ko lang muna.Tsaka na ako mag iisip ng plano para sa birthday nito.Lumayo ito ng bahagya sa akin at tinitigan ako.Kita ko pa kung paano nito pinahid ang mga luha nito sa pisngi.Hindi ko napigilan ang maawa sa bata.Napansin ko nalang dumantay ang kamay nito sa pisngi ko.Nakahinga ako nang malalim ng makita kong ngumiti ito sa akin.
"Daddy huwag na po kayong ma sad para sa akin.Kung hindi po makarating si mommy it's okay."
sabi nito sa akin.Hinawakan ko ang maliit
nitong kamay at hinalikan iyon.
Napaka swerte ko talaga sa anak ko.Kahit sa murang edad nito ay marunong na itong umintindi."Thank you sweetie na naintindihan mo ang mommy.
Tell me what you want princess
i will give it to you i promise."
pangako ko pa dito.Nagliwanag naman ang mukha nito sa sinabi ko.Bumalik na ang kislap nito sa mga mata na lage kong gustong nakikita.Nagnining ning ang mukha nito sa saya na hindi ko malaman kung bakit.
"Anything daddy?"
tanong pa nito sa akin."Yes swettie."
nakangiting sagot ko dito."I want to watch the concert of Miss Humble Princess on the Big Doome daddy.."mabilis na sabi nito sa akin na ikinabigla ko.
Titig na titig ako sa anak
kong si Sophy habang masayang nakikipag usap sa kanyang lola sa kabilang linya.Hindi na ako nakatanggi pa ng hiniling nito sa akin ang kagustuhang manood sa concert ng nag iisang tinaguriang Humble Princess.
YOU ARE READING
Please Stay With Me
RomanceLarawan ng isang masayahing babae si Yani.Bakas na sa mukha nito ang ngiti na siyang naglalarawan kung anong klase siyang tao.Hanggang makilala at mahalin niya si Dim.So far perfect couple na nga silang ituring ng mga taong nakakakilala sa kanila.Ei...