Chapter 25

10 1 2
                                    

Engr.Dimitrio Marl Lopez Sr.





Basa niya sa pinid ng pinto ng opisinang iyon.Ilang minuto na siyang nakatayo roon pero wala parin siyang nagawang hakbang.
Ni hindi niya maingat ang kamay niya para kumatok man lang sa pintuan.Pakiwari niya'y naipako na ang mga paa niya sa semento.







Muntik pa siyang mapasigaw
ng may nagsalita sa likuran niya.
Alam niyang nagtataka na ito sa kanya kung bakit nanatili parin siyang nakatayo at ayaw pang pumasok.







"Maam may problema ho ba?"
tanong ng babae sa kanya na napag alaman niyang secretary ng taong sadya niya ngayon.








"Wala naman miss.
Babalik nalang siguro
ako sa susunod na araw."
sagot niya ditong tuluyan na nga siyang napanghinaan ng loob.







Aalis na sana siya ng
magsalita muli ang babae.








"Next day ay wala po si Sir.
Tutungo siyang Samar para
sa isang proyekto niya doon at malamang matagalan pa bago siya makabalik."







Buhat sa narinig ay napahinto siya sa paglakad.Ang kaninang panghihina ay agad natakpan ng lakas nang loob para harapin ito.
Ang ama na kay tagal na niyang gustong makita at makasama.
Ang amang nais niyang mayakap
at madama.Ang ama na siyang sanang unang nagpapatahan sa kanya kapag siya'y umiiyak.








Naglakad siya pabalik sa kinaroroonan niya kanina.
Kung saan naka pwesto ngayon ang babae.Napabuga siya nang hangin bago kumatok.Narinig niya pa ang lalakeng nagsalita mula sa loob.








"Pasok na po kayo maam."
sabi uli sa kanya ng babae.






Tumango siya dito.







"Thankyou ha."
sabi niya sabay binuksan
ang pinto at agad na pumasok.









Nilinga niya ang buong opisina.
Nakapaskil sa dingding ang mga lugar na nagawan nang proyekto ng kanyang ama.Ang mga bagay na ginagawa nito.Ang mga hilig nito na kailanman ay hindi niya nalaman.Hindi nya nakita mula't sapul.At ang masakit sa lahat ay ang katotohanang kailanman ay hindi siya naging parte ng lahat ng bagay na iyon.At iyon ang na missed niya.







Hindi marahil nito napansin ang paglapit niya dahil abala parin ito sa mga hawak nitong papel.
Halata sa hitsura nito ang tinding pagod.Basi narin sa mga butil na pawis sa noo nito kahit malamig naman sa loob dahil sa aircon.







Abala parin ito sa ginagawa kaya hindi na niya napigilang mapa tikhim.Naagaw naman niya ang pansin nito.Yun nga lang hindi parin siya nito sinulyapan.







"Please sit down.
Wait lang at tatapusin
ko lang 'tong ginagawa ko."
mahina nitong sabi sa kanya.






"Dimitrio Marl Lopez Sr.."
mahinang bigkas niya sa pangalan nito.







Unti unting nag angat ito ng
ulo at pagkagulat sa mukha
ang una niyang nakita rito.
Ang maamo nitong mukha na siyang nagpapaalala sa kanya noon kung paano siya nito tinanggap bilang nobya ng
anak nitong si Dim.







Ang masakit at malupit na katotohanang iisa lamang ang ama nila ng dating nobyo.Na iisang dugo lang ang dumadaloy sa katawan nila.Na sa hinagap ay hindi niya naisip na mangyayari. Ang pandidiri niya sa sarili sa ilang beses na ipinagkaloob niya ang sarili kay Dim.Ang relasyong sa simula palang ay makasalanan na pala.






Please Stay With MeWhere stories live. Discover now